"Girl, ang palad mo talaga! Akalain mo yun na-approve yung scholarship mo sa South Korea. Bhe, pag andun ka na, wag mo ako kalimutan ha. Lalo na pag nakita mo yung mga idol natin. Jebal!" Pagmamakaawa ni Lisa sakin.
Ako nga pala si JenyLyne, isang simpleng estudyante lang naman. Tama ang basa niyo, magiging scholar ako sa South Korea. Ang lugar ng mga oppa at idol ko, ang BTS. Sa wakas makakarating na din ako dun at matutupad ko pa ang pangarap ko.
"Wag kang mag-alala kasi hindi kita mapapadalhan ng mga pictures nila kung sakaling Makita ko sila." Sabi ko habang inaasar si Lisa.
"Bhe naman eh! Pero pagdating mo ba dun, hahanapin mo yung bestfriend mong mahal mo?" Tanong sakin ni Lisa.
"Di ko alam eh. Tsaka ang laki ng SoKor no. Paano ko naman siya hahanapin at saan ako magsisimula." Sabi ko sabay bungtong hininga.
"Yaan mo bhe. Magkikita din kayo nun kasi ngayon maliit na lang ang mundo niyo. Good luck bhe."Bestfriend kong mahal ko. Yan yung tawag ni Lisa sa iisang lalaking minamahal ko. MinMin ang name niya at matagal na kaming magkaibigan nun. Kaya lang umuwi siya ng SoKor ng hindi man lang nagpaalam sakin. Taga SoKor kasi siya eh. Miss ko na yun kasi siya ang tagapag tanggol ko at ako naman sa kanya. Matataba kasi kami nung mga bata kami kaya madalas kaming ma bully.
Dahil din dun kaya siguro siya pinauwi na sa SoKor. Pinaghahanap ko nga siya sa mga social media, pero hindi ko makita. Hanggang ngayon hinihintay ko parin siya. Kaya excited akong makapunta ng SoKor dahil nagbabakasakali ako na makita ko siya.Fast forward (nasa SoKor na si JenyLyne) 😁😁😁😁
(phone conversation)
"bhe bat ngayon ka lang tumawag? Miss na kita bhe, dapat sinama mo na ako dyan eh!" Maluhaluhang tanong ni Lisa.
"Naging busy lang ako. Dami ko kasing pinaggagawa sa school na papasukan ko. Putspa bhe, daming gwafu dito! Kaya lang hindi ko masyadong maintindihan." Excited kong balita kay Lisa.
"Bhe, post ka sa instagram and twitter. Now na! Jebal!"
"Araso! Wait mo tapos pusuan mo na din. Hahah! Miss na kita bhe. Wala akong masyadong makausap dito." Malungkot kong sabi.
"Anu ka ba makakahanap ka din ng kaibigan dyan. Bhe, andito na prof namin. Ingat ka dyan ha, tapos tawag ka palagi.and post mo lahat ng dapat ipost .. hehehe.. Bka kasi makalimutan ka naming pag hindi ka nag update. Cge bhe muah!" Sabi ni Lisa at saka pinatay yung phone.Hays.. Nakakamis nga talaga sila! Kaya naman nagpost na ako sa mga social media account ko ng update and pictures. Yep, sikat ako sa school at sa social media dahil isa lang naman akong dakilang spazzer and updater. Mahilig din akong magpost ng mga selfies ko at syempre mga pictures ni JImin at ng BTS. Nag upload ako ng picture ko with a caption of 'Finally! I'm here in SoKor!' and bam! Dami agad likes and comments. Pero may isang comment na naka agaw ng atensyon ko.
/@ParkMinCHIM you're here? Eodiya?/
Sino naman kaya tong nag comment at hinanap ako. Dahil sa curiousity ay nagcomment din ako at tinanong siya.
/@JLyne @ParkMInCHIM who are you?/
Pagkatapos kong magcomment at minention siya ay may bigla namang may nag direct message at galing kay ParkCHIM. Sino kaya to.
/@JLyne Hi. I just saw your post and liked it. Welcome in SoKor!/ Yan ang laman ng message niya so ako naman nagreply din.
/@ParkMInCHIM Hello. Thanks Are you a Korean?/
/@JLyne Yes I am. You're not a Korean right? Where you from?/
/@ParkMinCHIM Nice! I'm from the Philippines./
/@JLyne Really? I lived there once and it's a nice country. BTW you can call me Chim./
/@ParkMinCHIM You can call me Lyne. Do you know how to speak tagalong?/ Tanong ko kasi naman kanina pa dumudugo yong ilong ko./@JLyne I'm sorry, I don't know because it's really a long time so I kinda forgotten it. Can we be friends? I can help you about everything here in SoKor. /
/@ParkMInCHIM Yep! We can be friends. Thank you for your help. I have to go now. 😁 /
/@JLyne Araso.. Chat you next time! :D Take care!/
BINABASA MO ANG
BTS Tagalog ONESHOTS
FanfictionBANGTAN tagalog oneshots :D [ The book is under heavy editing because my cringy self can't take it anymore. 😂]