Busy ka sa pag aaral para sa exam niyo ng sunod sunod na dumarating ang mga crumpled paper sa mesa mo. Ayaw mo mang pansinin ang gumagawa nun pero naiistorbo ka na sa pag aaral at medyo naiinis. Mga ilang minuto pa ay di tumigil ang pagdating ng mga papel sayo. Kaya naman kinuha mo ang iba at dahan dahan kang lumingon sa pwesto kung saan nanggagakling ang mga papel at itinapon sa taong yun ang mga papel. Sinamaan mo siya ng btingin pagkatapos mong gawin yun pero ng tignan mo siya ay ningitian ka lang niya.
"Seryoso Namjoon? Wala ka bang magawa matino?" Inis mong tanong sa kanya. Nakangiti parin siya at saka umiling. "Ano bang problema mo?" Dagdag mong tanong pero nakangiti parin siyang nakatingin sakin yung tipong labas pati dimples niya.
Buti na lang at kakakilala mo siya kungdi napagkamalan na siyang baliw sa ginagawa niya sayo yan ang nasa isip mo. Matagal na kayong magkaibigan at nalaman mo na isa sa mga goal niya sa buhay ay ang inisin at asarin ka. Diba ang saya niyang kaibigan. Hayss. Nagtitigan na lang kayo at natalo ka dahil nauna kang napapikit.
Napatawa siya ng malakas at sinamaan mo ulit siya ng tingin. "Talo ka na bae." Sabi niya habang tumatawa. Narining mo ang sinabi niya pero hindi na ito pinansin.
"Ano ba kasing gusto mo?" Inis mong sabi ulit.
"Let's watch a movie later." Sabi niya.
"Yan lang? Sige sasabihan ko yung iba para marami tayo."
"Nope. Only two of us." Sabi niya. Nanlaki naman ang mga mata mo at nagulat dahil first time na narinig mo sa kanya ang ganito.
"Like a date?" Tanong mo na di sigurado.
"Kung gusto mo. Pero yes like a date." Sagot niya at napangiti ulit.
Nagulat ka ulit dahil alam mong mahiyain si Namjoon pero ang confidence niya ngayon ay umaapaw. Sasagot ka na sana ng biglang magsalita ang teacher niyo."Miss Y/N, I will throw you and your distraction there outside of this room, if the two of don't stop." Madiin na sabi ng teacher niyo dahilan para magulat kayong dalawa.
"Y-Yes sir.." Nagulat mong sabi. Saka ka nagsabi ng mahinang sorry at bumalik sa ginagawa mo. Nakarinig ka naman ng mahinang tawa sa likod mo at nainis ka ulit dahil galing yun kay Namjoon.
"Hmm. Sasama ako kung titigil ka bilang distraction ko. Mkay?" Sabi mo. Nagulat naman si Namjoon dahil hindi niya akalain na sasama ka kaya naman bigla siyang namula at umiwas ng tingin sayo. Napangiti ka naman dahil sa ka kyutan niya at bumalik na ulit sa ginagawa mo na nakakabit parin ang ngiti sa labi mo.
_____________
Kim Namjoon, my bias wrecker. hehehe.
BINABASA MO ANG
BTS Tagalog ONESHOTS
Fiksi PenggemarBANGTAN tagalog oneshots :D [ The book is under heavy editing because my cringy self can't take it anymore. 😂]