EATING HABITS - JIMIN 💜 SHI JIN

268 7 0
                                    

  "Shi Jin~"
"Shi Jin~" Tawag sakin ng bestfriend kong si Rose. Inaangat ko naman ang kamay ko para makita niya kung nasaan ako. "Ano bang ginagawa mo dyan sa ilalim ng table ni Ma'am?" Tanong niya sakin ng makita niya ako.
Hindi ako umimik at pinapatuloy ang ginagawa ko. "Hayss~ Huhulaan ko..... Binully ka na naman at dito ka nagtago or ayaw mong may makakkita sayo kung gaano ka kalakas kumain kaya ka nagtago dito?" Tanong niya ulit.
"Pareho~" Sagot ko at saka kunagat sa tinapay na kanina ko nilalantakan.
"Shi Jin bakit kasi hindi ka na magsumbong sa kuya mo?"
"Si kuya Yoongi? Pssh! Ayoko di naman ako papansinin nun tsaka ikaw nga lang nakakaalam na kuya ko siya eh dahil nga sa sikat sila eh."
"Alam mo kung maririnig yan ng kuya mo siguradong masasaktan siya."
"Basta ayaw kong sabihin na magkapatid kami dahil alam kong walang maniniwala at tsaka ayaw kong madamay si kuya sa pambubully sakin."
"Ang sabihin mo ayaw mong kausapin si kuya mo kais barkada niya si Jimin. Yung long time crush mo. Shi Jin naman, please lang magsumbong ka na para hindi ka na nahihirapan." Madiin na sabi sakin ni Rose. Hindi naman na ako umimik at pinagpatuloy ang pagkain ng sandwich. Umupo naman si Rose sa tabi ko at sinamahan ako sa ilalim ng table ni ma'am at nagkwentuhan na lang kami ng kung anu ano habang hinihintay ang vacant namin.

Ako nga pala si Min Shi Jin. Kapatid ni Min Yoongi, isa sa mga sikat dito sa school at kasama sa grupong Bangtan. Si Rose nga lang ang nakakaalam na magkapatid kami. Pag tuwing kakausapin ako ni kuya ay umiiwas ako at pag tinatanong niya ako sa bahay kung bakit hindi ko siya kinakausap ay dinadahilan ko na lang na nagmamadali ako. Palagi kasi akong binubully sa school at ayw kong mapahiya si kuya ng dahil sa akin. Tsaka tama yung sinabi ni Rose na na isa dahilan kaya ayw kong makipag usap kau kuya ay dahil kabarkada niya si Jimin.

Matagal na akong may gusto kay Jimin, simula nung dinala ni kuya sila sa bahay. Hindi nga ako nagpakita nun at todo ang tago ko para hindi ako tawagin ni kuya. Mas lalo ko siyang nagustuhan ng ipagtanggol niya ako once sa mga bully ko at pasalamat ako na hindi niya alam na kapatid ako ni kuya kungdi nasumbong na ako.

FLASHBACK:

Na corner ako ngayon ng mga lokong bully ko at hindi ako makahanap ng escape.
"Hoy taba! Pinagod mo naman kami. Kahit mataba ka ang bilis mong tumakbo no?" Sabi nung lalaki sakin.
"Ano ba aksing kailangan niyo sakin? Hindi namna kayo ang namomoblema sa pagkain ko ha." Sabi ko.
"Anong walang problema? Ang sikip tignan ng room pag nandyan ka tapos nakakadiri pa dahil dami ng kinakain mo. Akin na yang bag mo!" Sabi niya sabay hablot sa bag ko."Kita mo na~ Wala kang ibang dala kungdi puro pagkain. Di ka nababagay dito lam mo ba yun? Bagay ka dun sa tirahan ng mga baboy." Dagdag niya saka binato ang bag ko kung saan.
"Baka gusto niyong ako ang maglagay sa inyo sa kulungan ng mga baboy? Yung ugali niyo kais bagay na bagay dun." Madiin na sabi ng isang lalaki sa likod namin. Napalingon naman ako at nakita ko si Jimin na galit na galit pero kalmado ang mukha.
"Jimin naman. Wag mong sabihing may gustro ka sa baboy na ito?" Tanong nung lalaki.
"Wala kang pakialam sa pagkain niya dahil kung tutuusin hindi ikaw ang kumakain kungdi siya. Wag mo akong matawag tawag na Jimin dahil hindi tayo close." Sabi ni Jimin na halatng halata na ang galit sa boses niya. "Wag niyong antayin na tawagin ko ang tita ko na guidance dito. Alis na! Wag niyo ng uulitin ang pang bubully sa kanya kungdi ako na mismo ang gagawa ng paraan paar mawala kayo sa school at sigurado naman akong ayaw niyo yun diba?" Dagdag ni Jimin.
Nagmadaling umalis ang mga lalaki samantalang nanatili akong nakatayo at gulat parin dahil sa ngayon ko lang narinig magalit si Jimin. Pinulot naman niya bag ko at ang mga pagkain. Binuksan ang isa sa mga juice at snack saka binigay sakin ang bag ko.
"Akin na ito ha. Wag mo ng hahayaang ma bully ka ng mga yun. Ingat ka Shi Jin~" Sabi niya saka umalis habang kinakain yung pagkain na kinuha niya sakin. Doon lang tumibok ng kakaiba ang puso ko at doon din nagsimula ang magustuhan ko si Jimin.

END OF FLASHBACK

Di na nga binully ng mga yun pero meron din namang mga bagong bully. Simula noon hanggang tingin na lang ako kay Jimin at palaging iniiwasan si kuya sa school. Katulad ngayon nasa cafeteria na kami ni Rose at nakita ko na nasa dulong table sila kuya nakaupo kaya namna nagmadali akong bumili ng pagkain at balak na lumabas pagkatapos. Pero si Rose ay pinigilan ako at pagkatapos naming bumil ng pagkain ay umupo kami sa isnag table at salamt naman at malayo kay kuya pero randam ko din ang tingin nila sakin.

"Ano ka ba, bat ba tayo umupo dito? Alam mo naman na maraming mga bully dito." Mahinang bulong ko kay Rose.
"Alam ko pero andito namna ako at ipagtatanggol kita. Hindi ko na kaya yung ginagawa nila sayo." Sagot naman ni Rose. Di nga kalaunan ay sunod sunod ang dating ng mga pagkain sa table namin na pinagtataka naman namin ni Rose. ANg huling pagkain na dumating ay dala dala ni Nayeon.
"Hoy fatty shi jin~ Sayo na alng tong pagkain namin since kayang kaya mo namang kumain ng maraming pagkain." Nakangising sabi ni Nayeon sakin. "Pero grabe ka din no. Hindi ka man lang tumataba kahit anong kain mo. Pero syempre hindi naman ikakaganda ang pagiging matakaw kaya paniguradong walang magkakagusto sayo." Dagdag niya. Sa sobrang inis naman ay isinubo ko ang isang tinapay na buo. Ganun kasi ako pag naiinis lalo na't ayaw kong makipag away kaya kumakain ako at pinipigilang tumulo ang mga luha ko.. [A/N: Naranasan niyo na ba to? Yung sobrang galit na galit ka ay kumakain ka tapos sa sobrang inis din napapaiyak ka? Hayss.]
"Kapal din naman ng mukha mo Nayeon ha! Bakit sa tingin mo ba ikakaganda din yang kapayatan mo? Ikaw nga ata ang may sakit dahil narinig ko na sinusuka mo yung pagkain mo para lang mag stay kang payat!" Sigaw ni Rose na nakaagaw atensyon naman sa lahat ng nadun sa cafeteria.
"Paki mo ba? Tsaka hindi ba nag share ng pagkain si Shi Jin sayo kaya ganyan ka din kapayat." Sabi din ni Nayeon.

"At least maganda ang ugali ni Rose at Shi Jin kahit ganyan sila. Eh ikaw?" Tanong nung pamilyar na lalaki sa tabi ko. Doon na nagsimulang tumulo ang mga luha ko dahil hindi dapat marinig ni kuya ang mga ito.
"Bat mo naman siya pinagtatanggol Yoongi?" Gulat na tanong ni Nayeon.
"Kapatid ko lang naman ang binubully niyo. Actually matagal ko ng alam ang ginagawa niyo at ngayon hindi na ako makatiis para hintayin pang umamin ang kapatid ko." Sabi ni kuya at napatingin naman ako sa kanya. "Salamat sa pagkain. Hoy magsikain kayo dito dahil libre nila." Yaya ni kuya sa ibang bangtan. Saka naman nagsilapit ang mga bangtan sa lamesa at pinagkukuha ang mga pagkain. "Subukan niyo ulit na bullyhin ang kapatid ko kungdi ako na makakalaban niyo. At ikaw~ Pababantayan na kita ng maayos." Sabi ni kuya Yoongi. Halat namang nagulat sila Nayeon at inis na umalis sa pwesto namin.
"Sabi ko sayo Shi Jin eh. Dapat talaga nagsumbong ka na sa kuya noon pa lang eh." Sabi ni Rose na nilalantakan na din ang pagkain sa table.
"Sorry kuya~"
"Hayaan mo na yun. Sa susunod wag ka ng iiwas sakin at magsusumbong kung kinakailangan."
"Wag ka ding mag-alala kasi babantayan ka din namin." Nakangiting sabi ni Jimin. Di ko naman mapigilang umiiyak ulit dahil sa wakas hindi ko na kailangang iwasan si kuya at hindi ko na din mararanasan ang mga nangyari sakin noon.
"Umayos ka Jimin. Kapatid ko yan." Sabi naman ni kuya Yoongi na masama ang tingin kay Jimin.
"Hyung naman~ Diba pinayagan mo na akong manligaw kay Shi Jin?" Tanong naman ni Jimin. Nagulat naman ako at napatitig kay Jimin at kuya?
"L-ligaw?" Tanong ko.
"Oo liligawan kita Shi Jin. Matagal na kasi akong may gusto sayo kaya naman nagsabio ako kay hyung at pinaghirapan ko ang blessing ni hyung." Sabi naman ni Jimin at sabay kindat sakin.
"Nako matagal ka na ring crush~" Masayang sabi ni Rose saka naman na realise ang sinabi niya. "Sorry Shi Jin." Dagdag ni Rose. Nagtawanan naman ang bangtan sa sinabi ni Rose.
"Talaga! Sabi ko sayo hyung eh~" Masay namng sabi ni Jimin.
"Yes I do like you pero okay lang ba sayo ang habit ko?" Tanong ko kay Jimin.
"Di naman ako nainlab dahil sa habit mo na yan. Mas nainlab ako kasi ikaw ay ikaw. If eating makes you happy I'll be gladly join you. I like eating too~" Sabi ni Jimin.
"Pa english english pa si pandak! Okay na sakin basta alagaan mo kapatid ko." Sabi naman ni kuya Yoongi.
"Then you better start now Jimin." Nakangiti ko sabi.
"Yes my lady~" Sagot ni Jimin.

Simula nga noon ay niligawan ako ni Jimin. Buong puso niyang tinanggap ang eating habit ko at minsan ay sinasabayan niya pa ako. Pero ng kinalaunan ay nawala din ang habit ko. Malakas padin akong kumain pero I make sure na healthy parin ako. Naging kami nga ni Jimin and he supported me all the way.

End

Vote and Comment. Thank you.

BTS Tagalog ONESHOTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon