Soulmate? Anu yun? Ibig sabihin lang naman ng salitang yan ay ang taong nakalaan para sayo. Pero bakit ganun kahit anug hanap ko hindi ko siya makita? Pinagkaitan na naman ba ako ng tadhana para hindi ko makita yung soulmate ko? Bat ka ganyan sakin life?
"Naka simangot ka naman dyan?" Tanong ni Jungkook.
"Wala. Masama lang araw ko ngayon." Sagot ko naman.
"Bakit naman?"
"Yung ka blind date ko kagabi hindi dumating."
"Hay naku.. Bat kasi nagmamadali kang magka boyfriend?"
"Hindi naman. Si mama kasi eh naghahanap na, kala naman niya ganun kadali maghanap ng jowa."
"Natural kay tita yun kasi matanda ka na at nag aalala lang yun sayo."
"Kahit na no. Bakit kasi hindi mo na lang ako ligawan bes? Para ikaw na lang."
"Ewan ko sayo. Tsaka may nagugustuhan na ako. Balak ko ring ligawan pero nag iipon pa ako ng lakas ng loob." Nakangiting sabi niya.Bigla naman akong napahawak sa dibdib ko dahil sa sakit na biglaang dumating.
"Okay ka lang?" Tanong ni Jungkook.
"Oo, okay lang ako. Tapos na ba yung pinapaggawa ni boss?" Tanong ko.
"Oo. Sige una na ako pinapatawag pa ako ni boss." Paalam niya.Hindi parin nakaalis yung kamay ko sa dibdib ko dahil nanatili parin ang sakit ng mga sinabi ni Jungkook.
"Tsaka may nagugustuhan na ako. Balak ko ring ligawan pero nag iipon pa ako ng lakas ng loob."
Yung parang may biglang tumusok sa puso ko at saka sinabuyan ng asin. Bat ako nagkaka ganito? Matagal na akong may pagtingin kay Jungkook na bestfriend ko. Simula nung nalaman ko kung anu ang pag-ibig. Hindi na bilang kaibigan ang tingin ko sa kanya kungdi isang taong mahal ko. Nakakainis dahil mayroon na siyang nagugustuhan so wala na kaming chances para sa isa't isa. Kala ko nga siya na yung soulmate ko pero talaga magkaibigan lang kami. Nagulat naman ako ng may bumagsak na mga papers sa desk ko."Anu tulala ka na naman?" Tanong ni Jisoo. Isa siya sa mga bestfriend ko ditto sa work.
"Putspa naman bes! Wag naman ganern na nang gugulat ka." Sagot ko.
"Eh kasi kanina pa kita tinatawag pero nakatulala ka tapos hawak hawak mo pa yang dibdib mo. Sobrang lakas ban g tibok ng puso mo ha?"
"Sobrang sakit ng puso ko bes. Hoy ikaw ha! Yung binigay mo saking blind date kagabi hindi naman ako sinipot."
"Sorry bes. Pero may ibibigay ako ulit ngayon tapos magkikita kayo mamaya. Itong ipapa blind date ko sayo, matino to tapos sobrang gwapo pa. mas gwapo pa kay Jungkook." Sabi niya. Sinamaan ko na lang siya ng tingin. "Bes, pramis hindi ka ma didissapoint sa kanya."
"Anung pangalan?"
"Taehyung. O diba name pa lang ulam na."
"Hay naku. Pero pag yang Taehyung na yan di rin ako sinipot. Yari ka sakin."
"Yey! Don't chu worry bes. Magpapakita yun." Huli niyang sabi saka ulit siya bumalik sa trabaho.Sana nga magpakita yung lalaking yun. Siguro ito na rin ang time para kalimutan ko na yung nararamdaman k okay Jungkook at ibaling sa iba. Since mukhang masaya siya sa liligawan niya ngayon dapat maging masaya ako para sa kanya. At tulungan ang sarili ko na mahanap yung soulmate na para sakin.
Natapos din ang araw ng trabaho naming at excited na ako para ma meet yung ka blind date ko ngayon. Nag ready na ako para umuwi."Cams, sabay na kita uwi?" Aya ni Jungkook.
"Sige." Nakangiti kong sagot.
"Teka kanina lang nakasimangot ka tapos ngayon ang saya mo? May nangyari bang hindi ko alam?"
"Si Jisoo kasi may ipapa blind date ulit sakin."
"May blind date ka ulit? Baka mamaya di ka siputin niyan ulit."
"Di ko alam eh? Basta feeling ko siya na soulmate ko."Bigla naman sumama yung mukha ni Jungkook. Yung mga mata niya parang nagseselos pero imposible naman yun. Yung parang galit tapos biglang balik sa pagngiti.
"Okay ka lang bes?" Tanong k okay Jungkook.
"Oo. Halika na." Yaya niya sakin. Dumiretso na kami sa parking lot kung nasaan yung sasakyan niya. Nakasakay na kami at on the way nadin sa bahay ko. Pero sobrang awkward dito sa loob ng car kasi kanina pa hindi nagsasalita si Jungkook. Eh hindi naman siya ganun ka tahimik. Gusto kong magsalita pero ewan ko kung bakit ako natatakot. Napa bungtong hininga na lang ako. Mga ilang minute pa ay nagdesisyun akong magsalita pero sabay din kaming nagsalita."Camilla"
"Jungkook" Sabay naming tinawag ang isa't isa.
"Sige mauna ka na." Sabi niya.
"Di ikaw na lang." Sabi ko.
"Ikaw na nga."
"Ikaw na mauna Jungkook."
"Ikaw na!" Sabay naming dalawang sigaw. Dahil dun itinigil ni Jungkook ang sasakyan sa isang tabi.
Saka siya humarap sakin at tinignan ako ng matagala hanggan sa nagtitigan na lang kaming dalawa."Wag kang pumunta dun sa blind date mo." Sabi niya sa wakas.
"Bakit naman?" Tanong ko.
"Basta!"
"Jungkook ayaw mo ba akong maging masaya?"
"Syempre gusto ko masaya ka pero wag yung blind date."
"Balit ba Jungkook? Ako nga masaya para sayo dahil may nagugustuhan ka na. pero ayaw mo akong maging masaya. Selfish ka Jungkook!" Sigaw ko.Bigla naman niyang hinawakan ang mukha ko at saka ako hinalikan. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat pero hindi ko alam kung bakit kusa ko na lang tinugon ang halik niya. Ito na ba yung inaasahan ko dahil sa mahal ko siya. Napapikit na lang ako at niyakap siya ng mahigpit, dinadamdam ang mga halik niya. Matapos ang isang minutong halik ay bumitaw siya.
"Gusto ko ako ang magpapasaya sayo Camilla. Yung liligawan ko, ikaw yun. Nag iipon lang talaga ako ng lakas ng loob para umamin pero kanina nung sinabi mo na yung ka blind date mo ay yung soulmate mo. May na realize ako na baka mawala ka sakin ng tuluyan pag hindi ako umamin sayo ng maaga. Mahal na mahal kita Camilla." Sabi niya habang hinahaplos ang mukha ko.
"Mahal na mahal din kita." Sabi ko at saka siya niyakap ng mahigpit.Hanap ako ng hanap ng soulmate sa malayo pero nasa tabi ko lang pala all this time.
EXTENDED SCENE:
Bakit di naman ako sinipot nung ka blind date ko? Palagi na lang bang ganito? - _______ POV?
END
what do you think? OKAY or LAME?
VOTE & COMMENT:)
hope you all enjoy it.
BINABASA MO ANG
BTS Tagalog ONESHOTS
FanfictionBANGTAN tagalog oneshots :D [ The book is under heavy editing because my cringy self can't take it anymore. 😂]