Yung feeling na hate na hate mo ang isang tao pero at the same time mahal mo din. Ang gulo diba? Yan kasi ang nararamdaman ko sa pinaka kinaiinisan kong lalaki dito sa campus. Matagal na rin akong may gusto sa kanya pero minsan napapaisip ako kung gusto ko ba talaga siya. Palagi niya kasi akong inaasar, eh wala naman akong ginagawa sa kanya. Ang malupit pa magkaibigan kami. Yes, magkaibigan kami simula nung mga bata pa kami pero palagi akong asar talo sa kanya. Di ko alam baka hobby niya lang talaga na mangasar o talagang trip niya lang ako.
"RaeRae taba!" Sigaw ng pamilyar na boses. Speaking of the devil, siya lang naman ang tumatawag sakin ng palayaw na yan.
"Bakit pandak?" Sabi ko at saka siya sinamaan ng tingin.
"Ito naman. Mainit agad ang ulo ni taba. Papatulong sana ako sa assignment natin. Please." Sabi niya habang nagpapacute pa at inaabot sakin ang notebook niya."Tumigil ka at hindi ka cute. Ang homework kasi dapat sa bahay ginagawa hindi sa school, kaya nga HOMEwork ang pangalan. Tsk!" Sabi ko pero kinuha ko din ang notebook niya at tinignan ang gawa niya. Boset pasalamat siya at mahal ko siya kaya ko siya tutulungan.
"Salamat talaga Raerae taba. Nga pala, yung bestfriend mong si Yeri. Pwede ba siya mamaya?" Tanong niya.
"Bakit? Anung meron mamaya?"
"Party. Di mo alam? Kapatid mo kasama ha, di ka niya sinabihan?"
"Kailan ba nagsabi sakin si Namjoon oppa? Tch! Di ko alam kung pwede siya. Tanungin ko na lang mamaya. Una na ako at may klase pa tayo." Mariin ko na sabi at saka umalis.
"RaeRae taba! Galit ka ba?" Huling tanong niya habang papaalis ako. Hindi ko na lang siya pinansin at dumiretso sa room namin. Sakto din naman na dumating na ang proffesor namin.Sa buong klase, ang tanging na sa utak ko lang ay kung may gusto ba si Jimin kay Yeri. Si Yeri ba yung isasama niya sa party? Hays. Di ko maiwasang magselos kasi kahit naman hate ko si Jimin ay mahal ko din naman siya. Ang hirap din naman kasing umamin eh. Baka masaktan lang ako kais baka hindi rin niya ako gusto. Natapos din ang klase namin na wala akong natutunan ni isa. Pumunta na lang ako sa canteen para kumain, siguro nga tama si Jimin sa pang asar niya sakin na taba kasi pag na ii stress ako, kain lang ako ng kain. T^T Paano pa ba niya ako magugustuhan ng ganito? Nang makabili akong pagkain ay naghanap agad ako ng table na malayo at wala masyadong tao.
Mag dradrama muna ako.
"Raehee, stress ka na naman no?" Tanong ng isa pang pamilyar na boses sakin.
"Oh Hobi oppa." Nakangiti kong sabi. Si Hobi oppa ay isa sa mga barkada nila Namjoon oppa at Jimin. "Hehe. Medyo stress nga ako oppa. Teka asan na yung iba?" Tanong ko.
"Andun sa kabilang table. May sasabihin kasi ako kaya kita pinuntahan dito." Sabi ni niya pagkatapos niyang ituro ang mga barkada niya. Dun sa table andun si Namjoon oppa na kausap si Jin oppa, si Yoongi oppa na natutulog sa lamesa, si Jungkook at Taehyung na pilit kinakausap si Jimin. Si Jimin naman nakatingin samin ni Hobi oppa ng masinsinan. May idea namang biglang pumasok sa utak ko dahil sa tingin ni Jimin."Hobi oppa, anu yung sasabihin mo?" Nakangiti kong tanong.
"Sama sana kita dun sa party. Di pa daw kasi pala sinsabi sayo ni Namjoon. So anu sasama ka?"
"Yes naman oppa basta ikaw. Buti ka pa sinbi sakin samantalang si Namjoon oppa, hindi man lang ako sinabihan." Malakas kung sabi at saka hinawakan ang mga kamay ni Hobi oppa.
"Walang anuman. Susunduin kita mamaya ha. Tsaka sama mo si Yeri yung bestfriend mo." Nakangiti ding sabi ni Hobi oppa ma hindi rin binitawan ang kamay ko.
"Oo naman oppa, sasama ko si---" DIn naman natapos ang sasabihin ko ng bigla hilain ni Jimin si Hobi oppa.
"Hyung, tawag ka na dun tska malapit na next subject natin. Sige Raehee." Mariin na sabi ni Jimin at saka kinaladkad si Hobi oppa."Tawagan kita mamaya Raehee para masundo kita." Huling sabi ni Hobi oppa. Napanganga na lang ako dahil sa pinakitang ugali ni Jimin.
( Time Skip || Churri )
BINABASA MO ANG
BTS Tagalog ONESHOTS
FanfictionBANGTAN tagalog oneshots :D [ The book is under heavy editing because my cringy self can't take it anymore. 😂]