"Mag-ingat ka dun ha. Bakit pa kasi ako pumayag na dyan ka mag-aral." Malungkot na sabi ni mama.
"Ma naman. Pangarap ko naman ito diba tsaka palagi akong mag iingat." Sabi ko naman.
"Kahit na, alam mo naman ang panahon ngayon. Marami ng masasamang loob."
"Alam ko yun ma tsaka andyan naman si tita. Promise ko sayo tatawagan kita palagi. Okay?" Huli kong sabi nang..-Good afternoon passengers. This is the pre-boarding announcement for flight 89B to South Korea. We are now inviting those passengers with small children, and any passengers requiring special assistance, to begin boarding at this time. Please have your boarding pass and identification ready. Regular boarding will begin in approximately ten minutes time. Thank you.-
"Sige na ma. Sasakay na akong eroplano. Love you! Tawag ako pag nakarating na ako." Paalam ko at saka tumayo sa kinauupuan ko. Hinanda yung ticket at passport ko at saka dumiretso para makasakay na sa eroplano.
After ng mahabang pag-aaral at pagpupumilit kay Mama ay sa wakas makapunta na din ako sa South Korea. Isa akong half Filipino at Half Korean, iniwan kami ni papa ko nung bata pa ako. Pero nitong nakaraan lang nakontact kami nung tita ko na koreana at kinilala akong anak ni papa, kaya pag aaralin daw niya ako sa SoKor. Nagulat ako pero sabi ni tita, yun na lang daw yung pangbawi sakin dahil sa wala kong kwentang papa. Hindi naman ako galit sa kanya. Hays.. Alam kong hindi magiging madali ang mag-isa sa ibang bansa pero syempre dahil pangarap ko ito kaya masaya ako. Nakasakay na ako ng eroplano at ilang oras na lang bago mag take off. Hindi ko mapigilan ang excitement ko at ang mga expectations ko. Sana kahit maraming struggles ay maging masaya parin ang stay ko sa SoKor. Nag take off na nga yung eroplano at syempre kumain at nag selfie ako. Hehe! Sa sobrang excited ay hindi ko namalayan na nakatulog pala ako ng buong flight. Hanggang sa makarating na nga ako ng South Korea. Nakalabas na ng airport at saka nagtungo sa aking magiging tirahan.
-Fast Forward-
Sa wakas makakapaglibot na din ako. Na meet ko na din si tita pero si papa hindi, kasi hindi daw nila alam kung nasaan siya. Maganda naman yung trato sakin ni tita, ako lang daw kasi yung nagiisang pamagkin niya. Dalawang buwan na ako dito at sobrang busy sa school kaya hindi ako nakapag gala. Buti na lang at 3 days yung vacant days ko ngayon. Nagsimula akong maglista ng mga kailangan ko para sa bahay at saka lumabas. Ang daming magagandang bilihan dito tapos ang sasarap nung mga streetfood pero hindi ko mahanap yung bilihan para sa mga gamit sa kusina, kanina pa ako paikot ikot dito.
"Naliligaw ka ba miss?" Tanong ng lalaki.
Tinignan ko kung sino yung nagtatanong. Shemay mga bes, ang gwapo! "Hindi. May hinahanap kasi akong bilihan eh." Sagot ko naman.
"Anu bang bibilhin mo?"
"Gamit sa kusina."
"Ah.. Lakad ka kaunti tapos may makikita kang color green na sign. Pasok ka, marami kang mabibili dun." Nakangiti niyang sagot habang tinuturo yung direksyon. Saka naman may nagbulong bulungan sa paligid namin. Napansin ko na nagpanic siya at saka nagpaalam sakin. "Sige una na ako. Jungkook nga pala." Bulong niya sakin at saka nagmadaling umalis.
"Salamat.." Sabi ko na lang kasi hindi ko na siya nakita dahil sa nagmamadali siya. Bigla naman nagtakbuhan yung mga babae sa paligid ko. Napaisip tuloy ako kung may sikat na idol malapit dito. May alam ako sa kpop pero hindi ako ganun ka hardcore fan. Yung mga bestfriend ko yun yung hardcore fan halos lahat ng mga idol group alam nila. Ako nga ni isang member ng Five-member group hindi ko makilala, nakakamiss tuloy sila.Nabili ko na lahat ng kailangan ko at hindi maalis sa isip ko si Jungkook. Di ko alam eh, parang nakita ko na siya. Pero sana magkita kami ulit para mapasalamatan ko siya nang maayos. Lumipas pa ang ilang araw at naging busy ako ulit sa pag-aaral. Nang matapos lahat ng gawain ko ay nagpasya ako ulit na maglibot. Nag research din ako ng magagandang café at resto na malapit sa lugar ko. Yun ang una kong ginawa ang tumikim ng mga pagkain sa mga café.
Andito ako ngayon sa café kung saan sikat dahil daw sa dito nag shooting yung sikat na kdrama. Hehe! Na research ko lang kaya ito pinuntahan ko at hindi ako na disappoint kasi masarap yung mga pagkain.
"Masarap ba yung kape?" Tanong ng pamilyar na boses.
Nagulat naman ako at nakita ko siya ulit. "Yep, masarap! Jungkook?" Sagot ko habang nakangiti sa kanya.
"Nasabi ko pala pangalan ko sayo pero hindi ko pa alam pangalan mo."
"SooJin name ko."
"SooJin.. Kamusta SoKor sayo?"
"Maganda dito." Nakangiting sagot ko."Jungkook!" Sigaw naman nung isang lalaki sa counter. Napalingon naman kami sa direksyon ng sumigaw. "Halika na! marami na sila labas!" Sigaw niya ulit. Bigla naming napamura si Jungkook at saka ako hinila.
"Anung meron? Saan mo ako dadalhin?" Kinakabahang tanong k okay Jungkook.
"Pasensiya na SooJin. Paliwanag ko na lang sayo mamaya. Sama ka muna sakin." Sabi niya habang tumatakbo kami. Napalingon naman ako sa likod ko ng makita ko na maraming humahabol samin na mga babae at sumisigaw ng 'BTS oppa!'. Nakarating kami sa parking lot saka ako pinasakay ni Jungkook sa black van na puno ng mga lalaking hindi ko kilala."Anu ka ba Jungkook bakit mo siya sinama?" Iritang tanong ng silver haired na lalaki.
"Hindi ko siya maiwan Jin hyung!" Sagot naman ni Jungkook samantalang ako ay nalilito parin sa nangyari.
"Lagot ka sakin mamaya sa dorm! Pasensiya na miss kay Jungkook ha, nadamay ka pa tuloy. Saan ka ba nakatira para ihatid ka na lang namin." Nakangiting tanong nung silver haired na kanina lang galit. Sinabi ko yung address sa kanila.
"Hindi mo kami kilala?" Tanong nung blonde haired na lalaki.
"Sikat kayo! Ah.. Naalala ko na! Kayo ba yung kumanta ng I Need U girl ba yun?"
"Hahaha! Hindi mo kami kilala? Kaya pala napansin ka ni Jungkook."
"Alam ko kanta niyo pero hindi ko alam pangalan ng group niyo. Pasensiya na hindi kasi ako kpop fan."
"Ang cute mo! Bangtan Sonyeondan, simula ngayon pakinggan mo na kami ha kasi kaibigan ka na ni Jungkook." Huling sabi nung blonde haired na lalaki saka ako kinindatan.
"Jungkook may gusto ka sa kanya no kaya sinama mo?" Nakangising tanong nung isang lalaking brown haired.
"Hobi hyung tumahimik ka nga!" Sigaw ni Jungkook saka tumingin sayo. "Sorry talaga SooJin." bulong niya.
"Okay lang." Nakangiti mong sagot.Hinatid nila ako sa bahay ko pero sumama si Jungkook. Mahabahabang pilitan ang nangyari para payagan siya na sumama sa bahay ko.
"Dito ako nakatira." Sabi mo pagpasok niyo sa bahay mo.
"Komportable ka ba dito?"
"Oo naman. Bahay talaga ni tita to. Pinatira niya ako dito habang nag-aaral ako."
"Tungkol dun pala sa sinabi ni Hobi hyung..."Bigla namang bumilis yung tibok ng puso ko sa mga sasabihin niya. Haha! Di ko alam basta kinakabahan ako.
"Di ko alam parang in love na ata ako sayo SooJin."
"Ha? Pero hindi mo pa nga ako kilala?"
"Ewan ko kasi kahit hindi pa kita lubusan na nakikilala parang tinadhana na ikaw para sakin." Sabi niya habang hawak hawak yung mga kamay mo at saka ka hinalikan sa labi.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
..
.
.
.
.
.
.
.
.
..
.
.
.
"Excuse me miss. Excuse me?"
Nagising ako na nasa eroplano at may tumatapik sakin. Tinignan ko kung saan yung nanggagaling yung boses at napanganga na lang ako. Si Jungkook katabi ko pero parang may kulang at siya yung tumatapik sakin.
"Nakatulog ka sa balikat ko." Nakangiting sabi niya.
"Hala! Sorry.." Sabi mo. Tinignan ko yung phone ko at nakita ko na 2 hours pa lang pala simula nung umalis ka sa Pilipinas. Shemay naman so panaginip lang pala lahat ng yun. Ang shaket naman!"Jungkook nga pala name ko. Nagkakilala na ba tayo?" Pagpapakilala niya saka inabot yung kamay niya.
"I'm SooJin. Hindi pa. Hehe. May kamukha ka?" Tanong ko saka siya kinamayan.
"Ah yung maknae sa BTS? Marami ngang nagsasabi nun tapos kapangalan ko pa. Pero mas pogi ako dun!" Sabi niya."Pero parang nagkita na kasi tayo." Nakangiti niyang sagot. " Sa totoo lang hindi ako nakakalimot ng isang magandang katulad mo." Sabi niya habang namumula ang pisngi niya at saka umiwas ng tingin. Napatawa na lang ako at umiwas din ng tingin dahil naramdaman ko din na namumula ako. Dahil din dun nakalimutan ko yung panaginip ko. Sabay kaming nagkatingin at nahiya pero alam ko sa puso ko na nakatadhana kami.Sabi nila meron daw 7 tao sa mundo na kamukha mo kaya wag mawawalan ng pag-asa na makikita mo rin ang kamukha ni Bias mo. At mukhang nakita ko na yung para sakin.
-
:) END :)
-
what do you think? OKAY or LAME?
VOTE & COMMENT:)
hope you all enjoy it.
BINABASA MO ANG
BTS Tagalog ONESHOTS
FanficBANGTAN tagalog oneshots :D [ The book is under heavy editing because my cringy self can't take it anymore. 😂]