"San punta mo?" Tanong sakin ni Jimin.
"May iniutos sakin si kuya. Punta akong mall ngayon." Sagot ko naman.
"Kahit kailan talaga lakas makautos ni Jin hyung. Samahan na kita." Nakangiting sabi ni Jimin.Ayun nga sinamahan ako ni Jimin sa mall at pinamili lahat ng mga kailangan ni kuya Jin.
"Grabe naman to Jie, ang dami naming pinabili ni Jin hyung. Anu bang gagawin niya?" Tanong ni Jimin.
"May ipapakilala daw samin kaya ayan nagpabili ng mga ingriedents kasi magluluto siya tapos nagpabili nadin ng bagong damit." Sagot ko naman.
"Babae na naman? Jie pakain ka naman oh! Kanina pa ako nagugutom."
"Bawal nagtitipid ako."
"Jie please....."
"Bakit pa kasi ako pumayag na sumama ka.. Halika sa Jolibee tayo."
"Yes! Salamat Jie.."Nagpunta nga kami sa Jolibee para kumain.
"Jie, kanina pa nakatingin sayo yung lalaki dun sa dulo." Sabi ni Jimin habang nakatingin sa tao sa likod ko. Lumingon ako at nagulat kung sino ang nakita ko.
"Tokwa naman! Jimin yung kaaway ko yun, si Jungkook."
"Yung palagi mong kaaway na kapitbahay niyo?"
"Yep. Baka mamaya asarin naman ako niyan.."
"Hahah! Tingin ko may gusto sayo yung Jungkook?"
"Bakit mo naman nasabi yan? Kahit kailan hindi magkakagusto sakin yun."
"Kasi galit na galit yung tingin sakin. Pustahan tayo may gusto sayo yan. Makisakay ka na lang sakin."
"Hoy tigilan mo nga yan. Wag kang makipagtitigan Jimin." Huli kong sabi nang bumaling sakin ng tingin si Jimin at saka hinawakan yung mga kamay ko. Saka naman naging sweet sakin si Jimin na parang boyfriend ko ang kilos.Naramdaman ko naman yung titig ni Jungkook samin kaya na curios ako at totoo nga yung sinabi ni Jimin na masama ang tingin niya. Lagot na naman ako nito mamaya niyan. Bigla namang bumaling yung tingin ni Jungkook at hindi ko alam kung anung ibig sabihin ng mga tingin niya sakin. Dahil sa mga tingin niya bigla naman akong namula.
"Namumula ka?" Tanong ni Jimin. "Tch! May gusto ka sa kaaway mo no?"
"Wala ha. Tumigil ka na nga Jimin." Pagdedeny ko.
"Asus, Jie. Kilala kita pag may nagugustuhan ka. Hindi parin tumitigil sa pagtitig ng masama si crush mo oh. Sarap asarin, ayaw patalo." Nakangiti niyang sabi.Tama si Jimin may gusto ako kay Jungkook pero dakila kaming magkaaway. Minsan nga pag nagaaway kami parang gusto ko siyang halikan para tumahimik. Syempre wala akong balak na umamin. Okay na mag aaway kami araw araw kung yun ang dahilan para makita at makausap ko siya.
Natapos na kami ni Jimin sa pagkain at saka umalis. Hindi parin tinigil ni Jimin yung fake boyfriend act niya kasi hinawakan niya yung kamay ko pag alis namin. Boset talaga tong Jimin na to, ako magkakaproblema nito eh. Nakauwi narin kami at saka na nagpaalam si Jimin.
Napa bungtong hininga na lang ako habang nakahiga sa kama. Hindi maalis sa isip ko yung tingin ni Jungkook sakin kanina. Nakakainis kasi hindi ko malaman kung anung ibig sabihin nun. Mas lalo tuloy akong na iinlab mga bes! Tokwa naman oh! Huhuhuhu. Saka naman may narinig ako bumabato sa bintana ko. Sinilip ko at nakita ko si Jungkook sa baba.
"Jielor labas ka muna." Tawag sakin ni Jungkook.
"Ayoko nga kumag." Sagot ko naman.
"Sige na Jielor."
"Tch! Bat ang bait mo? Wait lang baba ako." Huli kong sabi saka sinirado yung bintana at saka lumabas."Anu problema mo kumag?" Tanong ko kay Jungkook.
"Wala lang pinalabas lang kita."
"Boset! Wala naman pala eh. Pasok na ako ng bahay. Kumag!" Sabi ko nang bigla naman niyan akong pinigilan. "Anu ba problema mo kumag ha?" Tanong ko ulit sa kanya.
"Sino yung kasama mo kanina?" Bigla niyang tanong.
"Tsk! Si Jimin yun. Paki mo? Bitiwan mo nga ako at papasok na ako." Sabi ko habang sinusubukang kumawala sa kanya.
"Boyfriend mo ba siya?" Tanong niya.Sobra namang humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko habang nakatitig sakin. Yan na naman yung mga titig niya na hindi ko maintindihan. Tama na Jungkook, masyadong masakit pag lalo akong nahulog sayo.
"Sagutin mo ako Jie, boyfriend mo ba siya?" Matapang niyang tanong.
"Bakit ba Jungkook? Tigilan mo nga ako!" Sigaw ko naman.Bat ganun hindi ko masabi sa kanya yung totoo. Anu bang inaasahan ko? T_T
"Gusto kita Jei! Alam mo ba yun?"
"Pwede ba Jungkook, wag ako ang lokohin mo." Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Jungkook kaya ko nasabi yun. Yung feeling na sana nga totoo tong mga nariring ko."Kanina gustong gusto kong sapakin yung kasama mong lalaki! Kapal ng mukhang hawakan yung akin! Nakakabanas!" Sigaw niya habang nakatingin parin sakin. "Nagseselos ako kasi ang saya mo sa kanya samantalang pag ako nakikita mo nakasimangot ka. Yung mga ngiti mo, kanina ko lang nakita yun." Sabi niya. "Sa totoo lang nung simula hindi naman kitang gustong awayin pero ikaw nagsimula. Sabi ko sa sarili ko na okay na sigurong mag away tayo kung dun lang din naman kita makausap."
"J-Jungkook?"
"Okay na siguro to na nasabi ko na ang nararamdaman ko. Alam ko naman na hindi mo ako magugustuhan dahil sa mga pang aaway ko sayo. Sana nga lang alagaan ka ng lalaking yun. Tch! Boset masyado ata akong naging soft ngayon. Sige na Jie pasok ka na sa bahay niyo." Huli niyang sabi saka ako binitawan.
"J-jungkook?"
"Sige na Jei pasok ka... Ouch!.. Ah! Bat mo ko binatukan?!" Sigaw niya habang hinihimas yung ulo niya.
"Di mo kasi ako binigyan ng pagkakataong magsalita kumag! Wala akong boyfriend, magkakaroon pa lang." Sabi ko.
"Huh? Eh sino yung lalaki kanina?"
"Pinsan ko yun. Pabo!"
"P-pinsan? Sino naman yung magiging boyfriend mo?" Tanong niya pero bigla siya ulit nagsalita. "Wag na. ayoko nang malaman, Masasaktan lang ako. Sige na Jei." Sabi niya.
"Yung magiging boyfriend ko. Sisimulan na niya akong sunduin dito at sabay kami papasok sa school. So Jungkook sunduin mo ako bukas ha.. Sige na pasok na ako baka mahuli pa tayo ni kuya. Bye kumag!" Huli kong sabi saka dali daling pumasok ng bahay at dumiretso sa kwarto. Sinilip ko si Jungkook sa bintana at nakatayo parin siya sa gate na parang tanga."Yah! Pabo! Gusto din kita. Sunduin mo ako bukas kasi sabay tayo. Goodnight na. Tulog ng mahimbing boyfriend ko." Mahina kong sigaw.
Napatingin naman siya sakin at saka lang narealize yung sinabi ko. Nagtatatalon naman siya sa tuwa.
"Sunduin kita bukas. Goodnight girlfriend ko." Nakangiting niyang paalam saka na umuwi sa kanila.
Sobrang saya ko bago matulog dahil alam ko na may susundo sakin bukas. Yay! Hahaha. Yung mga away namin ang nagsilbing paraan para magustuhan namin ang isa't-isa na siyang pinagpapasalamat ko.
-
End
what do you think? OKAY or LAME?
VOTE & COMMENT:)
hope you all enjoy it.
![](https://img.wattpad.com/cover/82041779-288-k75008.jpg)
BINABASA MO ANG
BTS Tagalog ONESHOTS
FanficBANGTAN tagalog oneshots :D [ The book is under heavy editing because my cringy self can't take it anymore. 😂]