BRIDGE - TAEHYUNG and SEULHAE

285 8 3
                                    

Seulhae POV:

"Sabi ko nga sayo mas sexy si Eunha~" Nakangisi kong sabi kay Jimin.
"Yan na naman tayo Seulhae eh~ Pramis kulang na lang magpaopera ka parang maging tulyang lalaki na lang." Inis na sabi ni Jimin. "Simula ulo hanggang paa, mukha ka ng lalaki. Kungdi lang dahil sa buhok mo baka pinagtabuyan ka na sa CR ng mga babae." Dagdag nito.

Napatawa na lang ako sa sinabi niya. Ano bang magagawa niya eh talagang ganito na ako. Ako nga pala si Seulhae, isang babae pero kilos lalaki at ugaling lalaki. Oo tama kayo isa ako sa mga tomboy kung tawagin. Hindi ko alam eh. Talagang wala lang akong hilig sa mga panbabaeng gamit o kung ano man. Ni ang magkagusto sa isang lalaki ay hindi nangyari sakin. Isa naman akong mabait, matalino at masunuring bata pero itong pagiging tomboy ko ang nag iisang problema ng parents ko. Kahit ang mga kaibigan ko hindi rin nila ako tanggap. Tanging si Jimin na lang ang maituturing kong tunay na kaibigan.

"Ito na naman tayo Chim~ Akala ko ba okay na tayo na ganito ako?" Tanong ko sa kanya.
Napabungtong hininga na lang siya. "Pasensiya na Seulhae~ Kinausap kasi ako kahapon nila tita at tito at yung sinabihan ako na alam mo na,. Subukan ko daw baguhin ka." Sabi niya.
Napaismid naman ako. "Talaga naman oh~ Sabi ko naman sayo na hindi nga ako magbabago. Nasira na mood ko." Sabi ko at saka tumayo. "Nga pala balak kong ligawan si Jisoo at wag kang papalag. Sige. Alis na ako." huling sabi ko at saka umalis.
"Seulhae naman~ Sana talaga dumating na yung lalaking magpapatibok sa puso mo. Hayss~" Rinig kong sabi ni Jimin pero hindi ko na siya pinansin.

Pinasya kong maglakad lakad na lang sa isang park. Hindi ko maiwasang magalit kay mama at papa dahil sa ginagawa nila. Ilang beses ko ng pinaliwanag na hinding hindi ako magbabago. Sa sobrang inis ko ay nasipa ko ang isang bato at sinudan na lang kung saan ito patungo. Tumama ito sa maliit na parte ng tulay. Ang park na ito ay isnag malaking lugar kung saan pinagdungtong ng isang tulay dahil sa may ilog na malaki sa pagitan ng dalawang lupa. Nakakatawa mang isipin ang pangalan ng tulay ang destiny bridge, sabi kasi nila may alamat daw ang park na ito. Nang dahil daw sa ilog ay nagkakilala ang dalawang tao at yung love story na. Pero ako hindi naniniwala sa mga ganun pwera na lang siguro kung makikilala ko ang babaeng tinakda sa akin. Nagulat naman ako ng may sumigaw malapit doon sa tulay kaya napatingin ako sa direksyon na yun. Nakita ko ang isang lalaking akma atang tatalon. Dahil sa babae parin ako ay nagpanic ang utak ko at tumakbo sa lalaki. Nang makarating ako sa kanya ay hinawakan ko siya sa damit niya pero hindi ko rin na kontrol ang balase ko kaya ang nangyari ay nadaganan niya ako at nagtama ang mga labi namin. Pagkatapos ng ilang segundo ay napadilat ako at nakita ko siya na dilat din pero nakadagan padin sakin. Tinulak ko siya at saka pinunasan ang mga labi ko. Pag minalas ka namna, galing pa sa lalaki yung first kiss.

"Nababaliw ka na ba?! Kung balak mong magpakamatay dun sa walang makakakita sayo para hindi ka na nila matutulungan!" Sigaw ko sa kanya habang tinatayo ko ang sarili ko. Nang tinignan ko siya ay nakahawak siya sa labi niya at halatang gulat padin sa nangyayari. "Ano?! Hindi ka ba magsasalita dyan?!" Sigaw ko ulit.
"A-Ano k-kasi f-first kiss~ este bat mo pa ako pinigilan?!" Sigaw din niya sakin.
"Abang lokong to~ Ikaw na nga ang tinulungan eh!"
"Bat ba kasi!? Gusto ko nang sumunod sa kanila!"
"Eh sila ba gusto ka ba nilang sumunod sa kanila!? Sana naman naisip mo yun!? Boset! Dyan ka na nga!" Huli kong sigaw at saka umalis na. Panira yung lalaking yun. Pasalamat siya at cute siya kungdi nasapak ko na siyaaaSHIT! Ano bang pinagsasabi ko? Nababaliw na ba ako? Bat ba ako nagpapanic ng ganito dahil sa cute siya? Tama na tama please! Confused naman akong umuwi sa bahay at kahit sila mama at papa ay na-weweirduhan sakin. Hanggang sa pagpasok ko kinabukasan ay shock parin ako.

"Seuleng~ Seuleng~ Ano kaya nangyari sayo kagabi para magdamit babae ka?" Tanong sakin ni Jimin na kanina pa ako tinatawag. Dahil sa sinabi niya ay napatingin ako sa damit ko at nakita ko na naka fitted tshirt ako at skinny jeans. Di normal sa loose shirt at panlalaking pantalon na palagi kong sinusuot.
"Aaaaaah! Chim! BAt ba ako nagkakaganito?!" Sigaw ko at saka nagwala. Nagulat namna sakin si Jimin at biglang natakot.
"Kung sino ka mang nasa katawan ng kaibigan ko, umalis ka na! Di ikaw si Seuleng! DI nag lilip balm si Seuleng at mas lalong hindi siya naglulugay ng buhok." Sabi ni Jimin na nakangiti na sakin.
"Boset to! Kaya parin kitang bugbugin kahit ganito ako no! Pero seryoso Chim simula nung nakita yung cute na lalaking yun kagabi naging ganito na ako." Maluluha kong sabi.
"Woah! Narinig ko ba yung cute na lalaki ng tama? Shit! Seuleng hindi ka talaga yan no?"
"Tumigil ka nga! Seryoso ako!"
"Sa wakas!" Sigaw ni Chim at saka nagtatalon. "In love na ang bestfriend ko! Huta! Papakain ako dali!" Dagdsag ni Jimin. Napaismid na lang ako at hindi siya pinasin kasi nasa isip ko parin yung cute na lalaking yun. "Pero seryoso Seuleng~ Sino yung cute na laalking yun?" Tanong ni Jimin.
"Siya~" Sabay turo ko sa cute na lalaki na naka pila para bumili ng makakain niya. Napatingin din si Jimin sa direksyon ng tinuturo ko at narinig kong nagulat siya.
"Yung naka blue na sweater at naka pantalon na maon? As in si Kim Taehyung? Isa sa mga katulad kong gwapo dito sa school?" Sabi namna ni Jimin. Napatingin namna ako sa kanya.
"Gwapo? Ikaw? Siya siguro, oo~" Sabi ko at nagulat ulit si Jimin sa akin.
"Seuleng ko~ Asan si Seuleng ko? Ilabas mo si Seuleng ko~" Kunyaring umiiyak na sabi ni Jimin. "Di basta basta nagsasabi ng gwapo si Seuleng ko kahit sobrang gwapo nung lalaki kaya hindi ka si Seuleng ko." Dagdag niya habang pinagmamasdan ako.
"Tumigil ka nga. So Kim Taehyung pala ang pangalan niya." Sabi ko.
"Oo at kung in love ka nga sa kanya dapat mong malaman na medyo may pagka emo yang si Taehyung. Tahimik at ayaw ng masyadong kinakausap siya. Mahilig mag isa pero kaibigan namin nila hyung yan, ayaw niya lang talaga ng naiistorbo siya."
"Ahh~ Kaya pala ginawa niya yun kagabi. Pero bakit naman?"
"Di ko alam? Kakasabi ko lang na tahimik siya diba at hindi makwento. Teka anong ginawa niya kagabi?" Tanong ni Jimin.
"Wala. Sige puntahan ko lang siya at nang malaman ko kung bakit ako nagkaka ganito." Sabi ko saka tumayo at umalis.
"Inlove ka nga Seuleng~" Rinig kong sabi ni Jimin.

BTS Tagalog ONESHOTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon