Areanna as herself
Yoongi as Yosef
Taehyung as Timothy
Jimin as Jared
Jungkook as Jedd
Namjoon as Nick
Hoseok as Harvey
Seokjin as Jay-
Project na naman! Grabe mahihirapan na naman akong makahanap ng ka grupo nito.
"Mareng Areanna!" Napatingin naman ako sa direksyon kung saan yung boses ng tumawag sa pangalan ko. At yun ay walang iba kung di si Timothy na akala mo close kami kung maka tawag ng mare sa akin! Well, kailangan kong magtago kasi ayaw ko nang maging kagrupo yung BITS. Last time na naging kagrupo ko sila nalaman nila yung sikreto ko.
FLASHBACK:
Kakatapos lang namin gumawa ng report sa library at nauuna na akong umuwi dahil sa may gagawin pa ako. Kaya lang sa katangahan ko naiiwan ko yung wallet ko kaya ayon binalikan ko pero wala na sa library sila Timothy, Jared at Jedd.
"Ito ba hanap mo Areanna?" Nagulat ako ng may magsalita sa likod ko. Hawak ni Jedd yung wallet ko.
"Gosh! Salamat talaga, akala ko nawala na yung wallet ko." Saad ko at nagbow pa sa sobrang thankful na nakita nila wallet ko. "Akin na po yan please! Thank you talaga!"
"Ayoko nga!" Pang-asar naman na sabi ni Jedd saka ibinato kay Jared yung wallet ko na nasalo naman niya.
"May nakita kasi kaming napakahalagang bagay dito sa wallet mo." Sabi naman ni Jared saka binuksan ang wallet ko at hinugot ang isang picture na pinaka tago tago ko.
"Stop, please wag! Guys please!"
Napatawa naman si Timothy at hinablot ang picture na hawak ni Jared. "Wag kang mag-alala di namin sasabihin kay Yosef na may lihim kang pagtingin sa kanya." Saad niya at saka kumindat.
"Anong lihim na pagtingin? Mahal o, MAHAL yung nakalagay." Kutsya naman ni Jared sakin. Bakit pa kasi ang tanga ko at naiwan ko pa ang wallet ko. Ayan tuloy nalaman nila sikreto ko. Kasama pa naman nila si Yosef sa grupo nila. Ngayon kailangan kong makipag bargain sa kanila para safe parin ang aking secret.
"Ano bang gusto niyo gawin ko para hindi niyo sabihin?" Pagmamakaawa kong tanong.
Napa palakpak naman si Jedd. "Hmmm, pag may groupings ulit, sama ka samin."
"Eh?"
"Ayaw mo nun sa susunod na project baka kasama na namin si Yosef. " Dagdag niya.
"Fine! Sige basta sikreto lang natin to. Please!"
Pero kahit anong tago ko nahuli parin nila ako at ngayon kumpleto na silang BITS. Andyan na si Nick na hindi sinasadyang manira ng gamit, si Jay na mahilig sa pink, si Harvey na clown dancer, si Jared na pandak, si Jedd na baby, si Timothy na panirang alien at si Yosef the genius swag na pinakamamahal ko. Hays, bakit naman sa lahat ng magugustuhan mo Areanna yung taong wala pang pakialam? Sige ayan mag suffer ka ngayon.
"Areanna yoohooo, sabi ni Timothy ikaw na daw yung kasama namin sa project." Masayang sabi ni Harvey.
"Ha? Ano.. ahh.. Di ko alam, kasi mukhang andami na natin pag sasama pa ako sa grupo niyo." Katwiran ko. Napatingin naman ang iba sa akin na tila ba na confuse sila sa sinabi ko o ako ang confuse. Bigla naman akong inakbayan ni Jedd.
"Iniisip mo na naman si Yosef no, kaya di mo narinig na 8 person per group yung kailangan sa project?" Bulong niya sa akin at saka ngumisi. Bakit kasi hindi ka nakikinig Areanna. Hays!
"Hindi ah!" Depensa ko saka siniko si Jedd na napa aray naman sa sakit. Buti nga sa kanya. "Ah.. Sige sama na ako. So anong gagawin natin?" Dagdag ko.
"Tara sa Lib na tayo mag-usap at doon na rin tayo gumawa." Aya ni Nick at sabay sabay nga kaming nagpunta sa library habang inaasar ako ng tatlong mokong na nakaka alam ng sikreto ko.
-
Sa library patuloy kaming gumagawa ng project habang nakatabi sakin yung tatlo at patuloy parin akong inaasar pero sa wakas tumigil din sila dahil sa pinagalitan sila ni Nick. Nasa harapan ko naman si Yosef na busy din sa ginagawa niya. Dahil sa busy ang lahat, I grabbed the opportunity para titigan ng matagal si Yosef, grabe ang gwapo niya pag seryoso siya. Since nang maging classmate ko siya na love at first sight ako. I've been stalking him everywhere, laging updated at patuloy na minamahal kahit na alam ko hindi niya ako mapapansin. Paano ba naman, ang cold niya at walang pakialam pero pagdating sa pag-aaral, he's so passionate.
"Areanna tapos ka naba sa ginagawa mo?" Biglang tanong ni Yosef. Napapitlag naman ako. Shocks! Napansin niya ata ako. Kasi naman Areanna kung makatitig ka naman parang matutunaw na si Yosef.
"Ah.. hindi pa .. heheheh .. Sensya na." Hiya kong sagot saka bumalik sa ginagawa ko.
Sa wakas tapos narin naming yung kalahati ng project. Bilib din ako sa BITS, mga responsableng bata. Nagpaalam na sila Nick at Harvey na maunang umuwi sumunod naman sila Jay, Jared at Timothy. Mga ilang oras lang ay napagdesisyunan na naming tatlo na natira na umuwi na.
"Areanna, sabay sana tayo umuwi kaya lang may pupuntahan pa ako. Yosef hatid mo si Areanna ha kasi baka magalit si tita. Salamat!" Nagmamadali niyang sabi saka mabilis na umalis bago pa kami makapag react ni Yosef.
Bwesit ka talagang Jedd ka! Kailan pa tayo naging close para tita ang tawag mo sa nanay ko Nakakahiya kay Yosef, parang gusto ko na lang lamunin ng lupa.
"Okay lang kahit di mo na ako ihatid. Baliw lang talaga si Jedd. Sige una na ako." Saad ko saka tumayo sa kinauuppuan ko. Paalis na ko ng table, when he grabbed my wrist and ask, but he sounds angry.
"Boyfriend mo ba si Jedd?" Galit niyang tanong. Actually di ko sure kung galit ba siya o sadyang cold lang siya magtanong.
"Ha? No." Sagot ko.
"Si Jared o si Timothy?" Tanong niya ulit. This time sure ako na galit siya kasi kitang kita na sa mukha niya. Luh, bakitt kaya galit to? Nagseselos ba itong lalaking ito? Pero imposible naman.
"Of course not! Why do you sounds so angry Yosef? Are you jealous?" Tanong ko. Naks naman Areanna, taas ng confidence! Habang sumasayaw ng 7 rings ang inner self ko ng dahil sa tanong na yun. Hindi ko naman kinaya ang ang sagot ni Yosef.
"Yes, I'm Jealous."
Halos malaglag yung panty este yung puso ko sa reply ni Yosef. Nabibingi na ba ako? Weh, di nga? Kalma lang muna Areanna, please kalma lang. Dahil hawak parin ni Yosef ang kamay ko. Hinila niya ako papunta sa kaya at bigla naman niyang ipinatong ang ulo niya sa balikat ko. Luhh, sobrang lakas ng tibok ng puso ko na parang hindi na ako makahinga.
"I don't like it when they talk to you or touch you. Call me selfish, but I want you for myself only." Saad niya.
"Hindi kita maintindihan Yosef. I thought you don't like me or rather you don't even notice me. Kindly explain to me what are you saying right now?" Tanong ko. Hindi ko naman talaga ma-intindihan kasi kumbaga pang limang beses ko ata itong nakasalamuha itong lalaking ito. Kung di nga lang sa tatlong mokong na yon na pinipilit akong maging ka group nila, saka ko lang makakasama si Yosef.
"I like you.. no.. I think I fell in love at you since the first time I saw you. I'm just being a coward, but when I saw you with them. I don't like it. I'm sorry but I love you, Areanna." Paliwanag niya at saka ako niyakap. Ayern nemen pele. Takte kinikilig ako! Worth it din pala mga pinaggagawa ko.
"Such a coward Yosef. I love you too!" Sagot ko at saka binalik ang yakap niya ng mahigpit.
"Grabe bro, di namin akalain na may ganyan kang side." Sabi naman ni Harvey. Nagulat naman kaming dalawa ni Yosef dahil andun silang anim. Mga bwesit, akala ko umuwi na sila. Napahiyaw at napapalakpak na lang silang anim pero natigil din iyon ng pagalitan sila ng librarian. Buti nga sa inyo. 😊
-
What do you think?
- soulyeiko
![](https://img.wattpad.com/cover/82041779-288-k75008.jpg)
BINABASA MO ANG
BTS Tagalog ONESHOTS
FanfictionBANGTAN tagalog oneshots :D [ The book is under heavy editing because my cringy self can't take it anymore. 😂]