✔️ BULLY

762 26 0
                                    

Irish as herself
Jungkook as Jacob

Yoongi as Yves
Jimin as Jaden
Taehyung as Tyler
Namjoon as Nico
Hoseok as Harold
Seokjin as Sild

Grabe naman oh! Namamanhid na yung binti ko. Gusto ko na umuwi ng bahay at doon mag review. Gusto ko nang umiyak.

"Hoy Irish! Anong ginagawa mo dyan sa ilalim ng desk?" Tanong ni Nadine

"Ahhhhhh! Peste ka!" Sabay hampas ko kay Nadine. Gulatin ba naman ako!

"Aray ko naman! Ano ba kasing ginagawa mo dyan ha? Bat dyan ka nag rereview?"

"Tumahimik ka nga! Baka makita ako ni Jacob!" Sabay hila sa kanya para magtago.

"Wala siya dito. Tayo ka na dyan, kanina pa ata namamanhid yung paa mo dyan. Bakit kasi hindi mo na lang isumbong kay Ma'am si Jacob?" Tinignan ko siya ng masama at saka tumayo.

"Di sana noon ko pa sinumbong yung bwesit na yon! Alam mo naman na famous dito sa school yun eh. Maya sugurin pa ako nung mga fans niya."

"Bakit kasi trip na trip ka non no?" Nagtatakang tanong ni Nadine.

"Malay ko! Gusto ko na ngang lumipat ng school eh!" Mangiyak ngiyak ko na sabi.

Ako nga pala si Irish. Isang ulirang istudyante at isa sa mga binangsagang school NERD. Sino si Jacob? Siya lang naman ang isa sa famous dito sa school at ang DAKILA kong BULLY. Everyday na niya yata akong binubully. Lahat na yata nararanasan ko ng dahil sa kanya. Tinago yung gamit ko, binuhusan ako ng tubig, nagkamali mali yung mga assignments ko at yung mga pang-aasar niya sakin pag nakokorner niya ako. Basta marami pa pero hindi ko siya sinusumbong kasi famous nga siya, maraming fans tsaka may gusto ako sa kanya. Haha! Ako na ang dakilang martyr. Nung first year pa ako may gusto sa kanya at naging stalker din ako. Nung nagsimula yung klase this year, doon din nagsimula yung pang bubully niya. Nung una masaya ako kasi napapansin niya ako pero nung tumindi yung pangbubully niya, halos araw araw na akong umiiyak pero kahit ganun gusto ko parin siya. Ngayon nagtatago ako sa kanya kasi hindi ko alam kung ano na naman plano niya.

"Bes, magtago ka na! Papunta dito sila Jacob. Dali!" Nagmamadaling sabi sakin ni Nadine.

Nataranta naman ako at hindi ko alam kung saan magtatago. Dali dali akong bumalik sa ilalim ng desk ng may biglang humila sakin.

"So sa ilalim ka na pala ng desk nag-aaral? Kaya pala hindi kita nakita sa library NERD ko." Sabi ni Jacob nang hinila niya ako palabas sa ilalim ng desk.

Sobrang lakas ng tibok ng puso ko sa takot. Paano niya nalaman kung naasan ako eh, walang gumagamit ng room na to ngayon. Napatingin ako sa paligid at nakita ko yung buong tropa niya.

"Ah... May kailangan ka ba?" Utal kong tanong. Mahigpit parin ang hawak ni Jacob sa kamay ko.

"Wala naman. Namiss ko lang yung Nerd ko. Wala kasi akong magawa so hinanap kita."

Gusto ko na talagang umiyak pero pinigilan ko. Ayoko na ng ganito na palagi akong takot sa kanya kaya naglakas loob akong sumagot sa kanya. "Ano! Mangbubully ka na naman? Bakit ba palagi na lang ako?! Kailan mo ba ako titigilan!?" Galit kong tanong sa kanya sabay hampas ng kamay niya.

Hindi naman inaasahan ni Jacob yung sagot ko dahil halata sa mukha niya na nagulat siya pati na rin yung ibang tropa niya.

"Wait! Kalma lang Irish." Singit ni Harold.

"Kalmahin mo mukha mo! Kayo palagi niyo naming nakikita na binubully ako nitong kumag na to! Pero di niyo pinipigilan!" Sigaw ko sa kanila.

Bigla namang nagsigawan at nagpalakpakan ang mga ka tropa ni Jacob.

BTS Tagalog ONESHOTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon