[BTS IMAGINE] - Jealous - YOONGIxYOU

338 10 0
                                    

Masaya kayong naglalaro ng video games nina Jimin at Taehyung at hindi mo napansin na kanina ka pa tinititigan ni Yoongi. Sa Pagkaawili mo sa laro ay nakalimutan mo na dapat ay lalabas kayo ni Yoongi dahil ngayon ang day off niya at minsan ka lang din niya makasama. Ang maging boyfriend ang isnag idol ay mahirap dahil sa kanilang schedule kaya naman nilulubos niyo ang araw na magkasama kayo.

"Jagi~" Tawag ni Yoongi sayo. Napatingin ka sa kanya pero ningitian mo lang siya at saka bumalik sa laro. Hindi mo napansin ang pagkadismaya niya kaya naman umalis siya.
Nagpatuloy kayong tatlong maglaro hanggang sa matapos na din ang level ng nilalaro niyo. Napatingin ka ulit sa pwesto ni Yoongi pero wala na siya doon.

"Hobi oppa, asan si Yoongi oppa?" Tanong mo kay Jhope na kanina lang ay katabi si Yoongi. Nagkibit balikat lang siya at saka bumalik sa pagtingin sa cellphone niya. Nagpasya ka namang hanapin siya at sa paghahanap mo ay nakita mo siya na nakatambay sa fire exit ng apartment nila nakaupo sa hagdanan. Tumabi ka sa kanya at napansin mo na nakasimangot siya.

"Oppa~" Tawag mo sa kanya pero hindi ka niya pinansin at nagpatuloy sa ginagawa niyang kung ano sa cellphone niya. Tinignan mo naman ang cellphone niya at nakita mong titignan niya ang mga picture niyo.

"Bat andito ka? Tapos na kayo maglaro?" Sabi niya na hindi ka man lang tinitignan.

Dahil nadin sa hindi mo gets kung bakit siya nagkakaganun ay hindi mo na lang ito pinansin. "Yep. Kakain daw tayo sa labas sabi nila." Nakangiti mong sabi. Dahil sa ikaw ang girlfriend ni Yoongi naging kaibigan mo nadin ang Bangtan pati mga girlfriend nila. Minsan sama sama kayong lumalabas na grupo.

"Wala akong gana. Okay lang ako. Sumama ka sa kanila." Sabi niya na hanggang ngayon ay hindi parin tumitingin sayo. Doon mo natanto kung anong ugali ang ipinapakita ni Yoongi ngayon at saka mo din naalala na dapat pala ay lalabas kayong dalawa pero dahil sa laro ay nakalimutan mo.

Hinawakan mo ang mukha niya at pinilit mong iharap sayo. "I'm sorry. I'm sorry. I'm sorry." Sabi mo habang hinahalikan siya sa mukha niya. "I'm sorry kung nakalimutan ko yung date natin. Tsaka masyado akong nawili sa laro kasama si Jimin at Taehyung. Wag ka ng magselos jagi~" Sabi mo pagkatapos mo siyang budburan ng halik.

"Di ako nagseselos. Talagang gusto mo lang silang kasama eh." Nakanguso niyang sabi. Napatawa ka naman at saka siya hinalikan sa labi.

"Kunyare ka pa. Di na ako sasama sa kanila. Dito na lang tayo sa apartment niyo tsaka out of place ako dun pag ako lang mag isa. Kasama nila gf nila tapos wala ka." Nakangiti mong sabi. "Di na mauulit na makalimutan kung ano man yung dapat nating gawin at iiwasan ko nading makipaglaro sa kanila. Okay. Halika na, panigurado umalis na yung mga yun. Ipagluluto na lang kita." Dagdag mo saka ka tumayo. Tumayo din naman siya at niyakap ka.

"Wag talaga kasi gusto ko sakin ka lang. Minsan na nga lang tayo magkasama kais busy ako tapos busy kadin. Namimiss na nga kita kahit magkasama tayo eh. I love you jagiya~" Sabi niya. Napangiti ka na lang at saka siya niyakap ng mahigpit. Hindi na nga kayo sumama sa iba at nagpaiwan na lang sa apartment at buong gabing kayong naglaro ng video games na masaya.

End

BTS Tagalog ONESHOTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon