"𝘎𝘶𝘴𝘵𝘰 𝘬𝘪𝘵𝘢 𝘑𝘢𝘯𝘯𝘢!"
"𝘐 𝘭𝘪𝘬𝘦 𝘺𝘰𝘶 𝘑𝘢𝘯𝘯𝘢 𝘓𝘦𝘦!"
𝘚𝘢𝘣𝘢𝘺 𝘯𝘢 𝘴𝘪𝘨𝘢𝘸 𝘯𝘪 𝘑𝘶𝘯𝘨𝘬𝘰𝘰𝘬 𝘢𝘵 𝘑𝘪𝘯 𝘢𝘵 𝘩𝘢𝘭𝘰𝘴 𝘮𝘢𝘭𝘪𝘵𝘰 𝘢𝘬𝘰 𝘬𝘶𝘯𝘨 𝘴𝘪𝘯𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘯𝘪𝘯𝘪𝘸𝘢𝘭𝘢𝘢𝘯 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘯𝘪𝘭𝘢.
"No!" Sigaw ko ng magising sa isang magandang nakakatakot na panaginip. Sa lahat naman ng mapapanaginipan ko bakit yung dalawa pa? Inis kong sinabunutan ang sarili ko at habang ginagawa yun ay nagulat naman ng may pumalo sa kamay ko.
"Huhulaan kong hindi naging maganda ang panaginip mo." Sabi ni Jin habang hawak ang kamay ko at tinanggal yun sa buhok ko. Hindi naman ako naimik dahil naalala ko padin ang panaginip ko kanina. Dahan dahan naman niyang inayos ang buhok ko at sa hindi malalaman na dahilan ay bigla na lang tumibok ng malakas ang puso ko. "Jan! Ano ba yung panaginip mo para ma shock ka ng ganyan?" Tanong ni Jin ng matapos niyang ayusin ang buhok ko.
Umiwas naman ako ng tingin dahil para akong matutunaw sa tingin niya. "W-wala."
"Ikaw talaga. Hindi ka naman kapatid ni Yoongi pero ang hilig mo matulog. Buti na lang wala tayong prof." Sabi ni Jin saka tumayo. Kasalukuyang nasa likod kami ng building sa school na ginawa na ding tambakan ng mga sirang upuan at mga lamesa. Dito ako madalas magpalipas ng oras lalo na pag ayaw ko ng subject. "Halika na." Aya niya sabay abot ng kamay niya sakin.
Hindi ko naman tinanggap ang tulong niya at saka tumayo. Kasi fita naman confused padin ako sa panaginip na yun. Imposibleng magkagusto sakin si Jin. Matagal na kaming magkaibigan, childhood bestfriend ko siya at sabay talaga kaming lumaki dahil mag bestfriend mga magulang namin. Tsaka may gusto ako kay Jungkook pero inposible ding magkagusto sakin yung bad boy na yun. Napa bungtong hininga na lang ako.
"Kanina ka pa hindi okay Jan. Anong problema?" Biglang tanong ni Jin at napatingin naman ako sa kanya.
"Shemay!" Sigaw ko ng makita ko na sobrang lapit lang ng mukha niya sa mukha ko. Pasalamat siya at gwapo siya kungdi nasapak ko siya. "W-wala nga. Halika na. Susundan ko pa si Jungkook." Pag iiwas ko para hindi na niya ako tanungin pero wala talaga akong balak sundan si Jungkook. Gusto ko lang muna mapalayo sa dalawa.
"Nasa canteen siya."
"Okay. Thank you!" Sabi ko sabay alis at iniwan si Jin. Kailangan ko munang mapalayo sa dalawa dahil sobrang confused ako. Habang papaalis ako ay narinig kong napabungtong hiniga si Jin at may binulong peor hindi ko nadin narinig dahil sa dali dali akong umalis.
"𝘼𝙠𝙤 𝙣𝙖 𝙡𝙖𝙣𝙜 𝙨𝙖𝙣𝙖 𝙅𝙖𝙣𝙣𝙖 𝙇𝙚𝙚. 𝘼𝙠𝙤 𝙣𝙖 𝙡𝙖𝙣𝙜 𝙨𝙖𝙣𝙖."
Habang naglalakad naman ako papunta kung saan ay bigla naman akong tumilapon sa sahig. Fita naman! Sa pader ba ako bumangga? Ang sakit.
"Janna. Sorry hindi kita napansin." Nag aalalang sabi nung nabangga ko at saka ako tinulungang tumayo. Nag freeze naman ako nang marinig ko kung sino ang nakabangga ko. Bat ba ganito? Gusto ko nga iwasan yung dalawa tapos talagang pinapakita sila sakin.
"A-ahhaha. Okay lang. Ako din naman hindi ko napansin." Paliwanag ko din. Bigla naman siyang napaupo at saka pinulot mga gamit ko. Napaupo din ako para kunin mga gamit ko.
"Sorry talaga. Sa susunod maging aware ka na. Hindi kasi dapat nasasaktan ang katulad mong maganda." Pasimpleng sabi ni Jungkook habang tinutulungan akong ayusin ang gamit ko. KUng hindi ko siguro napanaginipan yun at hindi ako confused siguro kanina pa ako kinikilig sa mga sinabi ni Jungkook. Matagal ko kasi siyang crush at halos maging stalker ako pero hindi natuloy yun dahil kay Jin. Pero dahil confused ako eh hindi ko alam ang sasabihin ko. Ang awkward.
"Hahaha. Sige Jungkook, una na ako. Salamat." Yan na lang ang nasabi ko at saka dali dali ulit na umalis.
Inis na inis naman akong nakarating sa library. Pumwesto ako sa bandang dulo at yung walang katao tao. Saka ko ulit sinabunutan ang sarili dahil sa hindi ko mapaliwanag ang nararamdaman ko. "Fita naman Janna! Sino ba talaga gusto mo? Aish!" Tanong ko sa sarili ko.
"Kung ako ang tatanungin piliin mo yung mahal ka hindi yung mahal mo. Masasaktan ka lang sa mahal mo dahil hindi kadin naman niya mahal." Singit ng pamilyar na boses sa tabi ko. Ngaulat naman ako ng mapatingin ako sa tabi ko.
"Yoongi?"
"Alam mo Janna, ang clueless mo. Tsaka ang ingay mo natutulog ako dito. Dun ka nga magdrama." Sabi ni Yoongi oppa saka ako pinapaalis. Si Yoongi ay isa din sa bestfriend ko pero sa school na kami nagkakilala at dahil yun sa pareho kaming mahilig matulog.
"Yoongi naman kasi! Yung panaginip ko ang hype masyado!" Pagmamaktol ko.
"Hindi yun hype talagang hindi mo lang nahahalata. Basta tandaan mo yung sinabi ko. Piliin mo yung mahal ka." Huling sabi ni Jin saka ako tinulak at pinaalis. Fita! Pasalamat to at wala ako sa mood bugbugin siya.
Isang buong araw ata akong palakad lakad sa campus namin at hindi pumasok sa mga subjects ko. Iwas din ako ng iwas at nag iingat na baka makasalubong ko yung dalawa. Sa paglalakad ko ay iniisp ko nga yung sinabi ni Yoongi. "Imposible naman kasi eh!" Sabi ko sa sarili ko.
"Anong imposible?"
"Imposible na may gusto sakin si Jin?!" Sigaw ko sa nagtanong sakin.
"Hindi imposible yun Jannna Lee." Sagot niya at napalingon naman ako sa kanya. Fita na shemay naman oh! Bakit si JIn pa ang makakarinig. Katangahan talaga Janna. "I like you Janna Lee." Sabi niya sabay lapit sakin.
"What?"
"I like you. I have a crush on you since we were young. Sinubukan kong mawala yun pero habang tumatagal mas lalong lumalalim ang pagkagusto ko sayo." Paliwanag niya sabay kuha ng isang malaking notebook sa bag niya. Kinuha ko naman at binuksan. Nakalagay dun lahat ng pictures namin pati nadin mga pictures ko. Lalo na yung mga stolen shots. "I know you like someone but I won't give up. Kahit masaktan ako okay lang kasi mahal kita." Dagdag niya.
"J-Jin?"
"Kanina pa kita sinusundan kasi alam ko kanina pa may gumagambala sayo but I never knew na yun pala yun. I guess, you won't be confused now kung bakit napakabait ko sayo at halos lahat ginagawa ko para sayo." Nakangiting sabi niya saka tumalikod at aalis na sana.
Tama nga siya I'm not confused anymore. Bakit napakabait niya sakin at siya yung palaging nandyan para sakin. I wonder, kung ilang ulit ko na ba siyang nasasaktan everytime maikwekwento sa kanya yung mga crushes ko. Tama nga si Yoongi napaka clueless ko.
"I like you too Jin!" Sigaw ko at napatigil naman siya sa paglalakad. "I realize how clueless I am about your feelings and I'm sorry." Dagdag ko. Napalingon naman siya at ngumiti.
"Janna."
"Ano pang hinihintay mo? Wag mo sabihing wala kang balak manligaw?" Nakangiti kong tanong sa kanya. Naglakad siya papalapit sakin at niyakap ako ng mahigpit.
"Kailangan pa ba nun?"
"Syempre. Hindi porke't mag bestfriend tayo eh hindi mo na ako liligawan."
"Paano si Jungkook?"
"Jungkook is my crush. Iba ang crush sa gusto Jin." Paliwanag ko.
"Thank you Jan. Let's go." Aya niya saka hinawakan ang kamay ko. Nakakalito pero tama nga na mas piliin ang mahal ka kesa sa mahal mo.
"Gusto kita Janna but I guess I'll just remain as your crush." Bulong ni Jungkook habang pinagmamasdan si Janna at Jin. Mariin na hawak hawak ang panyo na hindi niya naibigay kanina ng magka banggan sila.
ㅡ END ㅡ
-zsirqueen95
BINABASA MO ANG
BTS Tagalog ONESHOTS
FanfictionBANGTAN tagalog oneshots :D [ The book is under heavy editing because my cringy self can't take it anymore. 😂]