"Wala ngang gusto sakin yun." Madiin kong sabi.
"Meron nga. Bat kasi hindi ikaw ang unang umamin." Sabi naman ni Momo.
"Momo, may gusto ako sa kanya pero kapatid ng bestfriend niya ang turing niya sakin. Tsaka ayaw ko nang ma reject ulit no."
"Pero Jihyan... Pramis, nafefeel ng chicken na ito na may gusto rin sayo si Suga oppa." Sabi niya sabay turo sa fried chicken na hawak niya.
"Momo, kumain ka na nga lang." Huli kong sabi at saka tinuloy din ang pagkain ko.Na "Kapatid-zone" na ba kayo? Well, ako oo. Ako nga pala si Jihyan, isang simpleng dalaga na kapatid lang naman ni Kim Namjoon. Sino si Kim Namjoon? Siya lang naman ang leader ng Bangtan na isang sikat na grupo dito sa campus. Pito sila sa grupong yun at lahat sila close ko dahil syempre kuya ko si Namjoon eh. Actually hindi naman lahat close ko. Medyo awkward parin kami ni Jin oppa. Bakit? Sa kanya ko unang naranasan ang kapatid-zone. Nagtapat ako nun kay Jin oppa pero yun nga sabi niya kapatid lang ang turing niya sakin. Saklap mga bes pero buti na lang at hindi sinabi ni Jin oppa sa iba na umamin ako dahil siguradong hindi sila maniniwala.
"Jihyan, sige na una na ako. Kasi andyan na si krass mo." Nakangising sabi ni Momo at dali daling umalis sa pwesto niya.
"Brad! Sino yun? Nililigawan mo?" Tanong sakin ni Taehyung habang nakaakbay sakin.
"Tss! Wag mo nga akong brad abno." Sabi ko naman sa kanya.Bakit brad tawag sakin ni Taehyung? Kasi tomboy talaga ako dati pero ngayon babaeng babae na ako, dahil yun kay Suga oppa. Siya lang talaga ang nagpalambot ng puso kong bato. Yung naramdaman ko kay Jin oppa ay isa lang palang daan para maguluhan ako sa sarili ko at marealize na babae ako.
"Tumigil ka nga Taehyung. Babae yan si Jihyan, diba?" Tanong sakin ni Suga oppa. Ay oppa kung alam mo lang na babaeng babae ako para sayo. Napangiti at napatango na lang ako.
"Babae talaga yan kasi may gusto sa isa sa atin yan." Singit naman ng nakakainis kong kuya. Di naman talaga niya alam eh, nang iinis lang. Dahil din sa sinabi ni kuya ay nagtinginan naman silang lahat sakin.
"Oy! Alam ko yang mga tingin niyo na yan. Wala akong gusto sa inyo. Tss!" Pagdadahilan ko. Boset kasi si Namjoon oppa eh, mabubuking pa tuloy ako. Nakatingin parin sila sa akin ng biglang nagsalita si Jin oppa."Kilala ko kung sino Jihyan." Nakangising sabi ni Jin oppa. Sinamaan ko naman siya ng tingin para tumahimik siya.
"Sino hyung? Nang mainterview natin yang lalaking yan. Di ko basta ipamimigay sa Jihyan sa ibang lalaki kung di lang naman isa sa atin ang makakatuluyan niya." Nakangisi ring sabi ni Jimin at lahat sila nakatingin kay Suga oppa. Anu naman kayang mga pinaplano nitong mga to.
"Tumigil ka nga pandak! Alis na ako at malalate ako sa klase ko." Sabi ko sabay tayo at umalis sa pwesto nila.
"Jihyan wait lang!" Sigaw naman ni Jin oppa at saka ako sinundan. Hinila naman niya ako at napatigil kami sa hallway."Oppa?" Tanong ko.
"Bat di ka umamin kay Suga?" Tanong niya. Yes alam niya na may gusto ako kay Suga oppa. Lakas ng radar ni Jin oppa.
"Ayoko ko nga kasi wala namang gusto sakin si Suga oppa tsaka ayaw ko nang ma reject ulit."
"Alam ko na nasaktan ka nung ni reject kita pero kasi hindi naman talaga ako ang gusto mo eh."
"Oo na po. Pero di ko na kaya pang umamin."
"Maniwala ka sakin. Hindi hindi ka masasaktan kung aamin ka." Huli niyang sabi saka umalis.Aish! Jin oppa naman eh! Mas lalo akong pinapalito. Sa buong klase ko halos di na ako nakinig sa mga lecture dahil sa sinabi ni Jin oppa. Tokwa! Ayoko ko na suko na utak ko sa kakaisip kung anung ibig sabihin nun. Imposible naman na may gusto sakin si Suga oppa, eh potato lang naman ako. Hanggang sa matapos ang klase ko ay yun padin ang iniisip ko. Dahil sa uwian na ay hinintay ko sila Namjoon oppa labas ng school at habang naghihintay ay tumatawag sakin.
"Jihyan!"
"Jihyan!"Hinanap ko naman kung saan at kung kanino ang boses na yun. Nakita ko si Suga oppa na tumatakbo papunta sakin. Anu kaya kailangan niya?
"J-Jihyan...." Hingal na sabi ni Suga oppa.
"Oppa? Bakit anung kailangan mo? Tsaka bakit ka tumatakbo?" Confuse kong tanong.
"A-Anu... Pwede bang humingi ng favor sayo."
"Eh? Yun lang ba? Okay anu bang favor yan?" Nakangiti kong tanong. Grabe di ko akalain na ako yung lalapitan ni oppa. Enebe!
"A-Anu.. P-Pwede ba na tulungan mo ako kasi may nagugustuhan akong babae at yayain ko ng date, kaya lang di ko alam kung anung gagawin at saang magandang place para sa date namin." Nahihiyang sabi ni oppa.Waaaw! Mga bes, tagos puso yung sakit! Hehe. Kahit masakit ay pumayag ako sa favor ni oppa since alam ko na ito na ang last na makakasama ko siya dahil panigurado na magiging busy siya sa yayain niyang babae.
"Ahh. Sige oppa. Kailan mo ba gustong maglibot?" Nakangiting sabi ko.
"Ngayon na sana kung pwede ka?"
"Pwede ako ngayon. Wait text ko lang si Namjoon oppa."
"Wag na. Naipagpaalam na kita. Lika na." Sabi niya sa ako hinawakan sa kamay at hinila.Ayun una dinala ko siya sa mall at nag ikot ikot kami. Tinuro ko rin sa kanya kung anu yung mga masarap na kainan sa mall. Pagkatapos sa mall ay sa park naman ngayon na may maraming tindahan. Yun tinuro ko rin sa kanya kung anung dapat gawin.
"Jihyan since wala akong idea para sa date. Mag pretend ka muna na ito yung gusto mong date. Sabihin mo kung anung mga gusto mo." Sabi ni Suga oppa.
Napangiti na lang ako kahit masakit. "Well oppa. Kung kasama ko ang magiging boyfriend ko ngayon. Mas gugustuhin ko na mag ikot lang kasi hindi naman kailangan bumil ng kung anu ano. Mas masaya na kasama ko lang siya." Sabi ko.
Kahit alam ko na pretend date lang yun para kay oppa. Nilubos lubos ko na ang pagiging pretender ko. Magkahawak kami ng kamay, kumain ng mga foods at nilibot ang buong park. Pumasok sa lahat ng mga tindahan kahit naman walang bibilhin. Ginawa ko na to kasi alam ko na hindi na mauulit ang mga ganitong pagkakataon.
Napadaan kami sa isang store na may tindang mga caps. Di ko naman naiwasang tumigil at di mapatingin sa mga caps. Mahilig kasi ako dun at merong pumukaw ng aking interest. Lumingon ako kay oppa at saka sinabi na,
"Kung ako yung ka date mo, gustong gusto ko yang mga caps pero syempre dahil mahihiya ako kaya di ko sasabihin sayo. So pag yung ka date mo oppa ay may tinignan at gustong gusto niya yung tinitignan niya, ibig sabihin nun dapat mong bilhin yun para sa kanya. Okay." Sabi ko.
Tumango na lang siya at saka namin tinuloy ang paglilibot. Napagdesisyunan na naming na umuwi pero bago pa kami maka uwi,
"Wait lang Jihyan, punta muna akong C.R.. Antay ka lang muna dito." Sabi niya saka dali daling umalis.
Hinintay ko siya at nang makabalik siya ay umuwi na kami. Hinatid niya ako sa bahay namin, papasok na sana ako ng gate pero dahil sa curiosity natanong ko siya,
"Suga oppa, kailan mo pala balak ayain yung girl na gusto mo?"
Napangiti naman siya. "Naaya ko na siya."Di ko naman maintindihan ang sabi ni oppa. "Huh? Kailan?" Tanong ko.
"Kanina pang mga 30 minutes siguro." Sabi niya pagkatapos tumingin sa relo niya.
Nagulat at napatulala na lang ako ng maintindihan ko kung anung ibig sabihin ni Suga oppa pero bago pa ako makapagsalita ay,
"Matagal na ako may gusto sayo Jihyan. Di lang ako makahanap ng time para umamin tsaka nung nalaman ko na umamin ka kay Jin hyung medyo nawalan ako ng pag asa." Sabi niya.
"P-Panu mo nalaman yun?"
"Nandun ako nung umamin ka pero tumahimik lang ako. Pasensiya na kung ngayon lang ako umamin di sana di ka nasaktan sa rejection ni Jin hyung."
"O-Oppa.." Naluluha kong sabi. Napahawak naman ako sa dibdib ko dahil sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Ni wala sa imagination ko na may gusto sakin si Suga oppa pero ngayon naririnig ko lahat ng gusto kong marinig mula sa kanya.
"Gustong gusto kita Jihyan kaya sana bigyan mo ako ng chance na maging boyfriend mo. Wag kang mag alala sa kuya mo tsaka sa bangtan kasi pinaghirapan ko na lahat ng boto nila." Nakangiti niyang sabi.Niyakap ko na lang siya habang lumuluha dahil sa sobrang saya. "Yes oppa." Sabi ko.
Niyakap din niya ako ng mahigpit. "Simula ngayon hinding hindi mo na mararanasan ang rejection. I really like you Jihyan." Sabi niya saka ako hinalikan sa noo at saka rin sinuot sakin ang cap na nakita ko sa store kanina. So binili pala niya yun para sakin. Hehehe.
"I really like you too oppa."
Good thing I experienced rejection first because rejection lead me to him.
end
what do you think? OKAY or LAME?
LIKE, COMMENT
BINABASA MO ANG
BTS Tagalog ONESHOTS
FanfictionBANGTAN tagalog oneshots :D [ The book is under heavy editing because my cringy self can't take it anymore. 😂]