MY SCAREDY CAT JIMIN - JIMIN 💜 CRISTEL

297 8 0
                                    

  Jimin POV:

Magandang araw~ AKo nga pala si Park Jimin. Isang simpleng estudyante na palaging.... Ah medyo lang pala na binubully. Sa totoo niyan kaya ko namang lumaban pero syempre ako lang kaya mag isa tapos yung mga kaibigan ko pa ay matatakutin din. SI Jin hyung parang babae kumilos, si Yoongi hyung tahimik at ayaw ng gulo, si Hobi hyung maingay pero mabilis matakot, si Namjoon hyung palaging nakakasira ng gamit kaya natatakot ng gumalaw man lang kais baka makasagi ng kung ano, si Taehyung naman siya yung weird kong bestfriend at si Jungkook ang maknae namin na mukhang nakakatakot dahil malaki ang katawan pero kunting galaw lang ay natatakot na siya. Well, kami ang tinatawag na Scaredy Bangtan. Nakakainis nga mga clasmate namin tsaka schoolmate eh, dahil lang sa matatkutin kami ay inaabuso na kami. Bully doon bully dyan. Utos doon utos diyan. Hay nako~ Di ko nga alam kung kailan ito matitigil eh.

Ngayon simula pa lang ng araw sa school ay basa na ako. Pano ba namna kasi may nakaabang na mga estudyante at bigla na lang binuhos sakin yung timbang tubig. Hayss~ Buti na lang at may baon akong extrang uniform sa locker ko. Habang naglalakad ako papasok sa building namin ay may biglang umakbay sakin.

"Hoy Park Jimin! Kamusta na?" Nakangiti niyang tanong. Alam niyo ba yung naramdaman ko nung nakita ko yung mga ngiti niya? Yung feeling na parang may anghel na bumaba sa langit at ikaw ang nakasalo. "Pssh! Di ka talaga nagbago? Madalas ka paring tulala, tsaka bakit basa ka?" Tanong niya pero ako parang tanga na nakangiti parin sa kanya. Pano ba naman ngayon lang ako nakakakita ng katulad niyang kaganda pero di ko maalala kung sino siya. "Tch! Pasalamat ka at nagmamadali kaming hanapin ang teachers office kungdi binalibag na kita para malamn kung sino may gawa niyan. Tara na~" Sabi niya sabay yakap sakin at niyaya ang mga kaibigan niyang magaganda din. Teka nga po pakisabi naman kung nasa langit na ako. Bigla namang tumunog ang bell hudyat para magsimula na ang klase at saka ako natauhan na late na pala ako.

Cristel POV:

Boset naman! Malay ba naming ang layo ng building kung nasaan yung teacher office tsaka di namin kasalanan na ginagawa pa yung office na malapit. Aish! Unang araw pa lang namin ay mapupunta agad kami sa detention. Ayuu! Pasalamat sila andito si Jimin my labs ko kungdi sinabunutan ko na ting kumag na teacher na ito eh.
"Kanina ka nabusamod dyan Cristel~ Mas lalo kang hindi
makikilala ni Jimin your labs." Walang ganang sabi ni Regs sakin.

[A/N: Sali kaming mga author. Hehe. Censya na hindi ko kilala mga bias talaga nila at sa ibang magiging extra character lang. Huhuhuhu. T^T]

"Hoooh! Kala mo naman ikaw makikilala ng Hobi mong matatakutin." Nakangising sabi naman ni Aena.
"Hoy gluta girl! Gusto mong unahin ko yung gluta mo?" Birong banta naman ni Jezrel.
"Excuse me~ Pare parehong matatakutin yung mga taong pinunta natin dito. Lalo na yung Jungkook ni Jezrel." Sabi ni Lyka sabay tumawa. Tinignan na lang siya ni Jezrel ng masama at binato ng papel ni Joyce.
"Pare pareho nga. Si Namjoon ko tapos yung mas maganda pa kay Lyka na si Jin niya at yung weirdong Taehyung ni Ariene. Naku naku~" Sabi ni Joyce saka pinatong ang mga paa sa desk niya.
"So anong plano mo? Mukhang totoo yung pinagsasabi nung private detective na nahire mo about sa mga labs natin." tanong na lang ni Ariene habang hindi inaalis sa libro ang tingin.
"Aish! Ang ingay niyo!" Sigaw ko sabay tapon sa kanila ng mga crumpled paper na kanina ko pa kinumot sa inis. Tinawanan lang nila ako at saka ginawa ang mga pinagagawa nila kanina.
So pano nga ba to. Paano ko naman mahuhuli lahat ng umaaway sa JImin my labs ko? Marahil ay nagtataka kayo kung bakit alam namin kung sino ang scaredy bangtan. Magkababata kami ni Jimin at noon pa lang ay matatakutin na siya dahil nakaranas siya ng trauma. Kaya noon pa lang ay nangako na ipagtatanggol ko si Jimin kahit kanino.

  FLASHBACK:

"Waaaah!" Sigaw ng batang Jimin at malakas ang kapit sa batang Cristel.
"Wag ka ng matakot Jimin~ Andito lang ako palagi kitang ipagtatanggol at proprotektahan." Sabi naman ng batang Cristel at saka yinakap ang batang Jimin.
"Dapat ako ang nagsasabi niyan eh."
"Ano naman ngayon. Tanggap ko naman na matatakutin ka. Basta paglaki natin ako lang pakakasalan mo."
"Salamat Cristel~ Ikaw talaga ang magiging asawa ko." Sabi ng batang Jimin at saka ngumiti ng matamis at napangiti din ang batang Cristel.

END OF FLASHBACK

Yun nga lang nagkahiwalay din kami ng dahil sa trabaho ng papa niya, pero hindi ko tinigilan ng pagsubaybay si Jimin kahit magalit na sila papa at mama sakin sa kakagastos ko ng pera. Hindi ko lang alam sa mga to kung bakit nila kilala yung bangtan at kahit kaibigan ko sila ay wala akong paki sa lovelife nila. Kumbaga KKG kami, 'Kanya Kanyang Gawa'. Kung tutuusin hindi naman dapat kami mapupunta sa detention kungdi lang nalate kami at may bad records na kami sa iba naming school.

So ayun hinintay naming matapos yung detention at kating kati na talaga akong puntahan at kamustahin si Jimin at sigurado ako pati narin yung ibang babae dito. Nang matapos ang detention ay nainis ulit ako dahil sa may klse pa kami at ang nakakainis pa ay hindi ko kaklase si Jimin. Boset namang school na ito, nagbayad ako ng malaki tapos hindi man lang gagawin ang kahilingan ko. Buti na lang at kaklase ko si Hobi at Namjoon. Nagtiis pa ako hanggang sa matapos ang klase para matanong yung dalawa.

"Hoy Hobi!" Sigaw ko at nahulog namn ni Hobi ang mga gamit na hawalk niya dahil sa nagulat siya. "Alam mo ba kung saan nagpupunta si Jimin pag vacant, pag uwi at kung kailan wala siya sa school?" Matapang kong tanong. Nanginginig namna sa takot si Hobi kaya hindi siya makasagot.
"Aye! Ikaw siguro yung sinasabi ni Jimin na ang anghel na nahulog sa langit?" Singit na tanong ni Namjoon.
"I-Ikaw pala yun? A-ah sa rooftop palagi si J-jimin t-tapos sa Elm street siya dumadaan. Anghel~ p-pwede bang a-ano sabayan mo palagi si Jimin kasi palagi siya inaaway sa street na yun." Nauutal na sagot ni Hobi. So Anghel pala ang tingin sakin ni Jimin. Asus talaga naman oh, pishtea! Kakakilig. Hehehe.
"Dahil sa mababait kayo ay simula ngayon may magtatanggol na sa inyo." Sabi ko naman at saka lumapit si Regs at Joyce at nagpakilala sa dalawa. Mukha hindi ko na kailangang ipaliwanag pa dahil kitang kita sa mukha nung dalawang lalaki na ngayon lang sila nakakita ng anghel.

Dali dali akong umalis ng school at sakton namang paglabas ko ng gate ay nakalabas nadin si Jimin kaya naman sinundan ko siya ng palihim hanggang makarating kami sa kalagitnaan ng Elm street at halata na ang panginginig ni Jimin sa takot kaya nagmadali siyang maglakad. Hinid na nga lakad yun kungdi takbo pero kahit anong gawin niya ay nahablot parin siya ng isa sa mga grupo ng lalaki at babae na nakaabang. Aba~ mga walang hiya talaga para pagtulungan nila si Jimin my labs ko. Humanda talaga kayo.

Jimin POV:

Nagmadali na akong maglakad pagdating ko sa kalagitnaan ng eskinitang dinadaanan ko pauwi dahil panigurado ako na naman ang trip ng grupo nila Jaja. Pero kahit anong gawin ko ay nahablot parin ako nila at as usual si Yugyeom ang nakahablot sakin. Hinawakan naman ako sa kabila ni Jackson.
"Nagmamadali ka ata Jimin-ssi?" Tanong ni Jaja na nag iisang leader nila. May gusto siya sakin pero ayaw ko sa kanya dahil meron akong ibang mahal. Hindi naman ako umimik kaya sinuntok ako ni Jb sa tyan. Palagi na lang ganito.
"Pumayag ka na kasing maging boyfriend ni Jaja. Wala namng problema si Jaja ah~" Sabi ni Aira at tumawa na lang si Mizuki. Silang dalawa ay kasama rin ni Jaja sa grupo nila.
"A-ayaw k-ko!" Nautal kong sigaw.
"Tsk! Tsk! Tsk! Kailan ka ba matuto Jimin-ssi? Tsaka hinihintay mo parin ba yung Cristel na yun? Yung kababata mong hinihintay mo at magtatanggol sayo?" Tukso ni Jaja. Tama si siya. Si Cristel ang hinihintay ko dahil na ngako ako na siya lang ang pakakasalan ko. "As if naman bigla na lang siyang dararating at ipagtatanggol ka? Pero asan siya?" Dagdag ni Jaja.
"D-darating s-siya at kahit kailan hindi kita magugustuhan!" Sigaw ko. [A/N: Sorry Author . T^T]Halata namang nagalit si Jaja sa sinabi ko at dahil dito ay akma sana akong susuntukin ni Jb kaya napapikit ako pero......
"Hoy mga gunggong!" Sigaw ng pamilyar na boses. Mukhang dumating ulit yung anghel kanina.

  Cristel POV:

"Hoy mga gunggong!" Sigaw ko dahil hindi ko na kayang tiisin ang mga kumag na to. ANg kapal ng mukhang saktan si Jimin my labs lagot talaga sila sakin.

[A/N: Sorry kayo na lang mag imagine na binugog ni Cristel yung bad group. Di talaga ako magaling sa ganern eh. T^T]

"Kapal ng mukha mo!" Sigaw ko habang hawak ko ang buhok ng Jaja whatsoever at pinagsasampal siya. "Akin lang si Jimin my labs at wala kayong karapatang saktan siya!" Dagdag ko saka binitawan si Jaja.
"Pssh! Sino ka ba?!" Matapang na tanong ni Jaja.
"Aba! Ikaw pang matapang ha! Layas! Malaman ko lang ulit na ginawa niyo to kay Jimin ay hindi ako magdadalawang beses na isumbong kayo sa tatay kong pulis!" Sigaw ko. Tch! Mga duwag nga talaga dahil nung narinig nila yung tatay kong pulis ay nagpanis at isa isang tumayo at tumakbo palayo. Mga duwag! Pagkatapos kong siguraduhin na wala na nga yung grupong yun ay binaling ko ang atensyon ko kay Jimin. Nakita ko naman na nakaupo si Jimin at tila gulat parin sa nakita niyang ginawa kong pambubog sa mga yun. Nilapitan ko siya at natakot naman siya sakin.

"I-Ikaw y-yung k-kanina." Utal niyang tanong.
"Pssh~ Yung anghel? Yes ako yun." Nakangiti kong sagot at umupo sa tabi niya. Sinundan niya lamang ako ng tingin. "Okay ka lang ba? Wala ka bang sugat?" Tanong ko.
"A-anghel kaba o d-demonyo? K-kasi h-hindi n-naman k-kayang g-gawin ng a-anghel y-yun."
"Asus~ Ikaw talaga hindi ka na talaga nagbago no? Wag mong sabihing hindi mo ako nakikilala?"
"H-hindi k-kita m-maalala."
"Aish! O ayan inumin mo." Sabi ko saka hinagis yung paborito niyang yogurt drink at uminom din ako.
"P-paano mo nalaman?"
"Marami akong alam sayo Park Jimin. Takot ka sa kidlat kasi natrauma ka dun. Takot ka din sa mga insecto at takot ka sa mga tao na nasa likod mo kaya madalas kang lkumakad ng patagilid."
Natulala naman siya sakin at nagulat dahil sa mga alam kong kahinaan niya.
"Takot kadin sa dilim at takot ka din sa-------"
"Aaaahh! Isang tao lang ang may alam niyan!" Sigaw niya dahilan para maputol ang sasabihin ko.
"Oh yeah Park Jimin! Naalala mo na ako?" Nakangiti kong sabi saka ko nilapit ang mukha ko sa kanya. "Grabe ka sakin. Ako hindi ko nakalimutan yung pangako ko at ikaw. Pero ikaw nakalimutan mo ako pero okay nadin kasi hindi mo nakalimutan yung pangako mo sakin."
"C-Cristel?"
"Yes! The one and only wife to be of Jimin." Sabi ko sa ka ko siya hinawakan sa kwelyo niya at hinalikan siya. Sa wakas at nakita nadin kita my labs at sisiguraduhin ko na palagi na akong nandito. Tinugon naman niya ang halik ko at saka ako niyakap. Shete! Di ko akalaing magaling humalik si Jimin my labs dahil ang akal ko ay ako ang mag lelead ng halik pero ayun siya na ang nagdadala sakin. Nang matapos ko siyang halikan-- ay este nang matapos niya akong halikan ay ngumiti namna siya ng pagkatamis tamis dahilan para mamula ako.
"Di naman kita nakalimutan. Sadyang nagiba ka lang sa physical at sa strentgh." Sabi niya.
"Pasensiya na ha kung ngayon lang ako di sana napagtanggol kita ng maaga."
"Okay lang. Masya ako na nandito ka na at magkasama na tayo ulit. Handa ka na bang magpaksala sakin na matatkutin?" Tanong niya at saka ako niyakap ng mahigpit.
"Hoy! Pangako mo yan kaya panindigan mo. Tsaka sayang yung mga papogi points ko kay Tita at Tito. Mahal na mahal kita Jimin ko." Sagot ko naman.
"Ikaw talaga~ Mahal na mahal din kita Cristel ko." Tugon naman niya.

Extra Scene:
"Waaaaah! Lumayo ka sakin! Cristel ko!" Sigawni Jimin habang nakapatong sa upuan.
"Bakit?" Tanong ni Cristel nang marinig niya ang sigaw ni JImin. Nang makita niya kung ano ang dahilan ng sigaw nito ay napatawa na lang ng malakas si Cristel.
"Cristel naman~ Dali na alisin mo na yan kung anu man yan." Pagmamakaawa ni Jimin.
"Jimin~ try mo kayang lapitan ng makita mo kung anu yan? Ikaw talaga. Hindi yan nangangagat dahil hindi namn tayo nangangagat." Sagot ni Cristel na nakangiti parin dahil sa cute niyang asawa.
Nilapitan ni Jimin at tinagal ang panget na telang nakabalot sa gumagapang sa sahig at napabungtong hininga na lang siya ng makita niya kung ano talaga ito.
"Dada~"
"Dada~"
"Ikaw talagang bata ka~ Tinakot mo si Dada kanina ha. Porket marunong ka ng gumapang eh." Sabi ni Jimin at saka binuhat ang isang taon nilang anak na babae ni Cristel.

Tinitigan na lang ni Cristel ang mag ama niya at napangiti dahil worth it ang pagpapakahirap niya noon na malaman kung nasaan si Jimin dahil isa na silang happy family despite of trials and of course being scaredy cat of Jimin. 

End

Vote and Comment. Thank you.  

BTS Tagalog ONESHOTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon