A/N: Thank you kay Jillian_Cuela29 na unang nag request sa akin. HEHEHEHEH. Sana magustuhan mo itog gawa ko. Medyo di ako satisfied since galing sakin yung plot. Sana sa susunod mag request ka pa then gawin ko talaga yung gusto mong plot. Thank you ulit. : ) God bless!
Di ko pa na check ng maayos kaya baka maraming pang typo. HEHHEHEHEHEH
Jillian POV:
Tahimik kong pinagmamasdan ang kanyang payapang mukha. Dahan dahan kong hinaplos ang kayang mukha, ang kanyang mga nakapikit na mata, pisngi at kanyang labi. Tahimik na hinihiling na sana hindi ganito ang sitwayon naming dalawa. Hinihiling na sana hindi mo sinabi na bawal tayong magkaroon ng feelings sa isa't isa.
Friends with benefit. What a mess.
Napatawa na lang ako ng marinig ang mahina niyang mga hilik. Hanggang kailan ba tayong ganito Jungkook? I need your body as you need me pero pwede ba, pwede ba na kailangan mo naman ako dahil mahal mo ako. Halos ilang buwan ikaw nasa isipan ko. Iniisip kung paano kaya kung hindi tayo nagkakilala sa isang club at nasimula sa isang relasyong ang kailangan lang ay mga katawan natin.
Napabungtong hininga na lang ako, tumayo at saka sinuot ang damit ko. Naghanda na para umalis at baka pag hindi pa ako umalis ngayon ay gustuhin ko na alng na manatili sa tabi niya. Palabas na sana ako ng kwarto niya ng marinig ko ang boses niya.
"Jillian?" Sabi niya at napapikit na lang ako at hindi siya nilingon.
"Mmmm."
"Last night was fun." Masaya niyang sabi at napatawa na lang ako ng mahina.
"Mmmm. Yeah it was fun." Sagot ko at napabungtong hininga ako ulit. "Aalis na ako Jungkook."
Well, wala namang pinagbago. Ganun parin sa pagitan naming dalawa. Magkikita lamang kami pag kailangan niya ako pero ang gusto ko ay makasama siya, maramdaman na mahal niya ako. Nako naman bakit kasi ako lang nagkaroon ng feellings sa kanya.
Narinig ko namang may papalapit sakin at saka ko naramdaman ang yakap niya. Mas mahigpit at sincere.
"Jills, can you stay, just this once?" Tanong niya. Nagkaroon naman ng kaunting pag-asa ang puso ko pero hindi parin sapat iyon.
"Hindi pwede Jungkook. Hindi ko nga alam kung dapat pa ba nating ituloy itong set-up natin." Sagot ko at sinubukang umalis sa pagkakayakap niya pero mas lalo niyang hinigpitan ang yakap niya sa akin.
"Jills, kahit ngayon lang. Nakakapagod din palang gumising ng mag-isa. Please Jillian kahit ngayon lang." Pagmamakaawa niya saka hinalikan ng malambing ang braso ko. wala na akong nagawa kung di sumang ayon na lang sa kanya.
"Ngayon lang jungkook. I'll stay just this once." Bumalik kami ulit sa kama niya, hindi katulad ng dati ngayon ay niyakap niya ng mahigpit na para bang ayaw niya akong mawala at bumalik kami sa pagtulog.
Jungkook POV:
Mga ilang oras lang ay nagising ako at naramdaman kong wala na akong katabi. Napatingin ako sa pwesto ni Jillian kanina at saka nakita na wala na nga siya. Napayakap na lang ako sa unan na ginamit ni Jillian. Ano pa bang bago? Alam ko namang lahat sila iiwan din ako sa huli kaya hidni na ako nagbalak na pumasok sa isang relasyon. Hindi ko naman namalayan na napaluha na ako. Akala ko kasi iba na si Jillian, masyado ka ata siyang minahal- teka nga... mahal? Bakit ngayon ko lang na realize lahat ng yun? Bumangon na ako at pinunasan ang mga luha at maghahanda ng magpakalasing kahit na maaga pa.
Nagulat naman ako ng biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ko at saka pumasok si Jillian na suot ang damit ko. Nakangiti siyang pumasok, yung ngiti niyang yun. Unti unti din naman akong napangiti.
"Akala ko umalis ka ng tuluyan?" Tanong ko sa kanya pag upo niya sa kama. Napatawa naman siya ng mahina at pinagmasadan ko kung gaano kaganda ang babaeg nasa harapan ko. Bakit ba ang tagal kong nakita kung gaano kaganda ni Jillian.
"Nag cr lang ako. Bakit naman ako aalis kung sinabi ko naman na mag stay ako. Wow ha." Paliwanag niya. "Pasensiya na. Naghilamos nadin ako kanina at nabasa yung damit ko kaya hiniram ko muna yung tshirt mo."
"Akala ko kasi iniwan mo na ang pangit at napaka cold na lalaking ako." Sagot ko.
Tumayo naman siya at saka umupo sa lap ko at saka ko naman hinawakan ang beywang niya. "Jungkook. Yes, you're too cold pero hindi dahil ikaw talaga yun kungdi dahil sa mga nangyari sayo. People hurt you too much making difficult to trust others and I understand that." Paliwanang niya. Napangiti naman ako saka hinaplos ang kanyang mukha.
"Hindi ko alam Jills. I want to trust other people too pero ayaw ko ng masaktan pa ulit."
"Hinding hindi kita sasaktan dahil katulad mo naranasan ko nading saktan ng ibang tao. You can trust me with that Jungkook." Sagot niya saka niya ako niyakap. Niyakap ko din naman siya ng mahigpit.
"Bakit ka umaalis palagi Jillian?"
"Kasi pag hindi ako umalis tuwing umaga pagkatapos nating magsama... baka hindi ko na kayanin na itago pa ang nararamdaman ko sayo."
Umalis namana ako sa pagkakayakap sa kanya at napatingin sa kanya. "Bakit mo tinago Jills?"
"Diba sabi mo bawal tayong magkaroon ng feelling sa isa't isa pero wala eh, nahulog na ako JUngkook. I think I'm inlove with you Jungkook." Sagot niya habang nakatingin sa aking mga mata. Hinalikan ko naman siya ng sandali at saka niyakap ulit.
"Nahulog nadin ako Juls and I'm sorry kung natagalan bago ko marealize na mahal nadin pala kita." Sagot ko. "Jillian."
"Yes?"
"Pwede mong hiramin ang damit ko kahit kailan mo gusto." Nakangiti kong sabi at saka hinalikan ng pagkatamis si Jillian.
Third POV:
Isang simpleng pangungusap lang ito galig kay Jungkook pero ibig sabihin nito ay maari ng bumalik at hindi na umalis si Jillian sa kanyang guhay. Dahil natutunan din ni Jungkook kung paano magkaroon ng tiwala sa ibang tao at nagsimula yun kay Jillian.
Minsan isang tao lang din ang magpapa realize sa atin na sa atin na maaring magbago ang lahat sa atin.
-
END
-zsirqueen95
BINABASA MO ANG
BTS Tagalog ONESHOTS
Fiksi PenggemarBANGTAN tagalog oneshots :D [ The book is under heavy editing because my cringy self can't take it anymore. 😂]