Spring Day - Taehyung and Jihyun

270 13 0
                                    


Requested by: KRYXIANE PABILLO

"Ji Hyun gisingin mo na yan at baka malate kayo. Buong winter na nga kayo magkasama, magpunta lang dito hindi niya magawa. Sabihin mo lagot sakin yang batang yan." Irita na sabi ni Yoongi oppa. Napatawa na lang ako.

"Opo~ Ito na at gagawin ko na. Sige po baba ko na tong tawag." Sabi ko sa kabilang linya at saka pinutol ang tawag. "Gising na po~" Malambing kong tawag sa kanya.

"Five minutes pa po." Mahinang sabi niya. Napangiti namna ako dahil sa ka kyutan niya.

"Dali na. Lalabas pa tayo." Sabi ko saka ko siya kinurot sa pisngi. "Nag promise ka po sakin." Dagdag ko at hinila siya patayo. Napaupo naman siya sa kama pero inaantok parin.

"Saan ba gustong pumunta ng mahal ko?" Malambing niyang sabi at bigla akong hinila para yakapin.

"Kahit saan basta kasama kita~" Nakangiti kong sabi at saka siya hinalikan sa pisngi. Napasimagot naman siya at saka ngumuso. Nang makita ko ang mukha niya ay bigla akong tumayo. "Tumayo ka na, maligo at makukuha mo yang ningugnguso mo dyan." Sabi ko at napangisi habang palabas ng kwarto.
Hinanda ko na ang mga gamit ko at hinihintay siyang matapos mag ayos.

"Ready na ba ang mahal ko?" Narinig kong sabi niya sa likod ko habang niyakap niya ako.

"Kanina pa po. Dali na~ Malalate na tayo at baka magalit na naman sila oppa." Sabi ko saka ko siya hinila papunta sa pintuan ng apartment namin.

"KiIala ko yung mga yun. Kayang kaya nila akong antayin tsaka ikaw naman ang gusto kong makasama." Nakangiti niyang sabi sakin.

"Alam ko po. Kaya nga bilisan na natin para masolo kita."

"Mahal ko talaga~ Forever akong sayo." Sabi niya at saka ako hinalikan sa noo.

Nakarating nga kami sa opening ng gallery ni oppa. Isa na kasing professional photographer si oppa at isa sa mga celebration niya ay ang gallery. Nagmadali naman kaming naghanap ng pwedeng pag parkingan.

"Bilis na mahal~ Tignan mo yung itsura nila Jungkook, Jimin oppa at ni Hobi oppa." Sabi ko sabay turo sa kanila na nasa labas ng venue, mukhang hinihintay kami.

"Teka teka~ Suotin mo muna to." Sabi niya sabay abot sakin ng pares ng gloves.

"Mahal naman. Doble na yung gloves ko niyan tsaka gloves mo yan."

"Hubarin mo yang suot mo na gloves at ito na isuot mo." Sabi niya at pinilit na hinubad anmg gloves na suot ko. Napatingin naman ako sa kanya at nagtaka dahil hindi naman siya mapilit ng ganito. "Gusto ko kahit na hindi na winter susuotin mo parin ito ha. O kaya itago mo at lagi mong dalhin kasi hindi mo alam kung kailan pwedeng lumamig tsaka hindi mo kaya minsan ang lamig." Nakangiti niyang sabi sakin.

"Mahal ko~ Bat ang weird mo ngayon?" Biglaan kong tanong dahil na din sa biglalan din akong kinabahan sa ikinikilos niya.

"Wala lang~ Mahal na mahal kita~ Kahit summer, winter, fall or spring pa man yan. Para akong isang bulaklak na sumisibol tuwing spring na pwedeng pwede mong titigan kahit kailan. I love you mahal ko~ Palagi akong andito~" Sabi niya saka ako hinalikan ng saglit sa labi. "Sige na lumabas ka na at ipapark ko lang tong kotse." Dagdag niya at ngumiti ng pagkatamis tamis. Saka isinuot sakin ang sumbrero niya na panlamig at pinilit na lumabas ng kotse.

"Mahal na mahal din kita~" Naibulong ko na lang dahil sa hindi na ako nakapagsabi pa at tumuloy na nga lang papunta sa pwesto nila kuya Hobi pero hindi maialis sa puso ko ang kaba. Pagdating ko sa pwesto nila kuya Hobi ay napangiti naman sila at aktong papasok na sana kami ng venue ng  bigla namang nagsigawan ang mga tao sa likod namin. Napalingon na lang kami at nagulat sa nakita namin.

"Aaaaaaaaaaah! Y-Yung..."

"Taehyung~"

Napapitlag naman ako ng kalabitin ako ni Jin oppa.

"Andito na tayo Ji Hyun~" Malungkot na sabi ni Jin oppa.

"Ano yan?" Singit naman na tanong sakin ni Yoongi oppa.

"Gloves~" Malungkot ko na sagot. Napatitig naman sakin si kuya at nalungkot na din.

"Halika nga dito. Yakap lang ni oppa yan." Matamis na sabi ni kuya sakin at saka ako niyakap.

Niyakap ko din si Yoongi oppa ng ilang sandali. Napatango  ako at lumabas na ng kotse. Sumunod namang lumabas ng kotse sila kuya Yoongi, Jin, Namjoon, Jimin at si Jungkook pero hindi nila sila sumunod sa akin. Dahan dahan akong naglakad papunta sayo at hindi ko napigilan ang mga luha ko habang tinititigan ka. Nang makarating ako sayo ay tinitigan kita ng matagal dahil nga sabi mo para kang bulaklak na sumisibol sa tagsibol.

"Taehyung mahal ko~ Bogoshipda~" Sabi ko habang hinahaplos ang lapida na puno ng bulaklak na bagong sibol. Tuluyan na nga akong umiyak at niyakap ang gloves na binigay mo sakin. Habang malungkot lang ako na tinititigan nila oppa.

Here Lies
KIM TAEHYUNG
1995-20--
A loving son, brother and a lover.
Past the end of this cold winter
Until the spring comes again
Until the flowers bloom again
Stay there a little longer
Stay there

😱End😱
what do you think? OKAY or LAME?
hope you all enjoy it :D 😘

BTS Tagalog ONESHOTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon