✔️ ASAR

1K 33 2
                                    

Chandria as herself
Taehyung as Tyler

Yoongi as Yves
Jimin as Jaden
Jungkook as Jeric
Namjoon as Nico
Hoseok as Harold
Seokjin as Sild

Gwapo gwapo mo naman, sarap titigan. Ano kayang feeling pag naging boyfriend ko siya? Maalaga kaya siya or sweet kaya siya? Mga tanong na nasa utak ko habang tinititigan si Tyler. Bigla namang umangat ang ulo ni Tyler at tumingin sa pwesto ko. Gosh! Nahuli niya yata ako, tingin sa iba Chandria, tingin ka muna kay Jeric. Bumalik naman ulit sa ginagawa niya si Tyler, buti hindi ako nahuli.

"Chandria!" Sigaw ng makulit kong bestfriend na si Sild.

"Ano ba! Bakit kailangan sa tenga ko pa sumigaw?" Sigaw ko sabay hinampas si Sild pero hindi umaalis ng titig kay Tyler.

"Kasi di mo rin naman ako maririnig kapag di ako sumigaw! Kanina ka pa tulala at nasa sarili mong mundo." Sagot niya. "Hoy!" Sigaw niya ulit pero hindi ko siya ulit pinansin. "Ah, kaya naman pala, tinititigan mo ulit si Tyler no? Bakit di mo na lang sabihin na may gusto ka sa kanya tutal magkaibigan naman kayo." Dagdag niya.

This time pinansin ko na siya at saka tinitigan na para bang hinuhusgahan ko siya. Baliw ba itong lalaking to? Yep, magkaibigan kami ni Tyler pero sobrang maasar siya. Pag tuwing nakikita niya ako palagi niya akong inaasar. Pero kahit ganon gusto ko pa din siya, dahil nga sa sobra niya akong inaasar ay hindi ko sure na kapag umamin ba ako ay gusto rin niya ako. Kaya hindi ako nagbabalak, baka mamaya mapahiya pa ko tapos gamitin pa niya yon at idagdag sa pang asar sa akin.

"Paki mo ba! Walang gusto sakin yon kaya pagtitiisan ko na lang pagtitig sa kanya." Sagot ko.

"Wala lang. Di ko akalain magugustuhan mo yung alien na yon. Sabagay kalahi mo naman." Sabi naman.

"Nang aasar ka ba? Oo na! Alien na kung alien. Ehsagustokosiyaeh!"

"Chand, paki bagalan ang salita. Nag alien language ka na naman." 

"Sabi ko gusto ko siya."

"Umamin ka na lang kasi. O sige Chand, una na ako, andyan na siya." Biglang paalam sakin ni Sild at hindi ko naman naintindihan kung ano ibig sabihin nung sinabi niya.

"Chandria." Mahinahing tawag sa akin ng nasa harapan ko.

"Ay hala, bakit?" Gulat ko namang tanong. Omg si Tyler pala ang nasa harapan ko. Kalma lang Chandria. Kausapin mo lang siya ng mahinahon. Gwapo talaga! JJSDHKLFG!

"May gusto ka ba kay Jeric?" Seryoso niyang tanong.

"Eh? Ye..yes!" Sagot ko. Baliw ka talaga Chandria! Bakit ganoon yung sagot mo! Bakit kasi nanggugulat tong alien na ito. Iba tuloy nasagot ko. Bigla namang tumawa ng malakas si Tyler.

"Kung nakita mo sana yang mukha mo habang sinasabi mo yung yes."

"Paki mo ba? Crush ko siya. Baliw ka!" Sige sakyan na natin katangahan mo Chandria nang lalong mawalan ka ng pag-asa kay Tyler. Hindi parin tumitigil sa kakatawa si Tyler kaya hinampas ko siya pero mahina lang naman. Hindi ko kaya saktan tong bebe ko.

"Baliw ka! Ano bang problema mo?" Galit kong usal.

"Mas baliw ka!" Sabi niya saka nilabas ang dila na parang bata. Oh boy, ito na naman ang episode ng pang aasar ni Tyler.

"Ano sabi mo!"

"Ano sabi mo?"

"Yan ka na naman ha!"

"Yan ka na naman ha!"

"Ginagaya mo na naman ako!"

"Ginagaya mo na naman ako!"

BTS Tagalog ONESHOTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon