Your POV:
Wooh! Bakit sa lahat ng gabi eh ngayon pa balak magpaulan ng langit? Kakatapos lang ng night class ko at pauwi na ako ng makita ko ang magandang kalangitan na nagbabalak umiyak. Kaya naman paglabas ko sa school ay napatakbo na ako sa bus stop at sa pagtakbo ko nayon ay palakas ng palakas ang hangin dahilan para lamigin ako. Pagdating ko sa bus stop ay saka ko naalala na wala na palang dadaan na bus dahil late na ako ng uwi.
Napamura naman ako ng dahil sa katangahan ko. Kahit na ayaw kong maglakad ay wala akong choice kungdi gawin iyon. Sigurado ako kung may mga tao man na nakakita sa akin ay matatawa sa paglalakad ko. Lakad, takbo, lakad, takbo, papalit palit para hindi ako madaling mapagod. Sa paglalakad ko pauwi ay nagdesisyon na ang kalangitan na umiyak at mas lalong lumala ang hangin.
"Heol! Seryoso ba to?! Hindi ako waterproof, gosh!" Sigaw ko habang umuulan na nga.
Nagmadali akong tumakbo sa isang building para sumilong at magpatila ng ulan. Pagdating ko sa building, hindi ko naiwasang lamigin dahil nga sa basa na ako. Kinuha ko ang cellphone ko para tawagan ang kapatid ko. Magpapasundo na lang ako tutal malapit na lang ang apartment building kung saan ako nakatira. Pagbukas ko ng cellphone ko ay nakita ko na 1 percent na lang battery percentage at naghihingalo na ito.
"Bwisit naman oh! Pati ba naman ikaw?!" Sigaw ko habang hawak ang cellphone ko.
Sobrang malas naman ng gabing ito. Sa sobrang inis ko ay nasipa ko ang isang can ng softdrink na nakakalat sa building at hindi sinasadyang may matamaan ako.
"Omg! Sorry! Saan ka natamaan?" Sunod sunod kong sabi sa lalaking natamaan ko. Hindi ko makita ang mukha niya dahil sa nakaluhod siya. Natamaan ko ata sa paa. Triple kill na ata ako nito ng dahil lang sa malas.
"O-Okay lang ako. Di naman masyadong masakit, sinisigurado ko lang." Sagot niya. Nagulat naman ako dahil sa pamilyar ang boses niya.
"Namjoon?" Tanong ko. Napatingala naman siya sa akin at nagulat din.
"Y/N?" Sambit niya at ngumiti sa akin.
"Bakit ka andito? Dito ka ba nakatira?" Tanong ko.
"Pangalawang apartment pero nakapangalan kay ate. Dito muna ako pansamantala, alam mo na, inaayos ngayon yung bahay talaga namin." Saad niya. "Ikaw? Malayo apartment mo dito ah. Tsaka basang basa ka na. Magkakasakit ka niyan."
"Oo nga eh. Minalas ako ngayon."
"Halika. pasok ka muna sa apartment namin. May damit dun si ate baka may kasya sayo." Aya niya saka ako hinila papunta sa apartment nila.
Pagpasok namin sa apartment nila ay dumiretso agad siya para kumuha ng towel habang naghintay naman ako sa may pintuan.
"Mag isa ka lang ba ngayon Namjoon?" Tanong ko ng makabalik siya dala ang towel.
"Hindi na." Saad niya at saka ako hinila at pumasok sa kwarto na sa tingin ko ay sa kanya. Binuksan niya ang mga cabinet para hanapin ang damit ng ate niya at ng makita niya ay inabot niya sa akin.
"Ito damit ni ate. Hindi ko lang alam kung kakasya sayo. Matangkad kasi siya." Saad niya.
"Okay lang. Salamat. Saan nga pala yung banyo?" Tanong ko.
"Kahit diyan ka na magpalit." Nakangisi niyang sabi.
"Huh?"
"Sabi ko diyan ka na magpalit." Saad niya saka siya tumalikod.
"O-Okay." Nagpalit nga ako at tama nga si Namjoon dahil hindi kasya ang damit ng ate niya sa akin. Ang haba nga sakin, halos umabot na din sa hita ko.
"Now for the fun part." Biglang sabi ni Namjoon na hindi ko napansin na nakaharap na pala sa akin. Dahan dahan naman siyang lumapit sa akin at pakiramdam ko a biglang uminit ang paligid. Sa bawat paglapit niya ay siya namang atras ko hanggang sa makorner na niya ako.
"A-Ano na naman yang inisip mo Namjoon?" Utal kong tanong sa kanya habang nagkatitigan lang kaming dalawa. Ako na kinakabahan na look at sioya naman na malagkit na look. Dahan dahan naman niyang nilapit ang mukha niya sa akin at dahil nga sa kinakakabahan ang ate niyo ay napapikit na lang ako.
"Ang cute mo talaga jagi." Bulong niya saka humalaghak ng malakas. Napadilat naman ako at nainis dahil akala ko kung ano na ang gagawin niya.
"So ano talaga yon Namjoon?" Seryoso kong tanong. Napatigil naman siya pero nakangiti parin. Yung ngiti na may kasamang dimples na alam niyang mabilis mawawala ang galit ko.
"Halika nga dito." Hila niya sa akin at saka ako niyakap. "Hindi ka na nasanay sa akin jagi. Ang tagal na natin pero nahihiya ka padin. Paano na lang kung ikakasal na tayo, mahihiya ka pa ba?" Tanong niya. Napaismid na lang ako at saka siya pinapapalo.
"Kasi naman wrong timing ka. Tsaka kilala din kita ano. Perv." Sabi ko saka sumimangot. Napatawa na lang siya ng mahina.
"Well, I am your perv so get used to it. Halika pagluluto kita, ay hindi pala, ikaw na ang magluluto ng ramen dahil alam mo naman na bak-"
"Na baka masunog mo ang kawali at hindi ang pagkain." Dugtong ko sa sasabihin niya sana.
Napatango na lang siya at saka bumulong sa akin. "Maya na lang natin gawin yun ha? I love you!" Bulong niya sabay takbo palabas ng kwarto niya.
"Kim Namjoon!" Sigaw ko sabay habol sa kanya.
Minalas man ako sa labas pero sobrang palad ko naman sa kanya.
- END -
-zsirqueen95
BINABASA MO ANG
BTS Tagalog ONESHOTS
FanfictionBANGTAN tagalog oneshots :D [ The book is under heavy editing because my cringy self can't take it anymore. 😂]