✔ SCARY PARK

606 18 0
                                    

Messie as herself
Jungkook as Jace

Yoongi as Yves
Jimin as Jaden
Taehyung as Tyler
Namjoon as Nico
Hoseok as Harold
Seokjin as Sild


"May nakita daw sila doon sa likod ng school. White lady daw?"

"Pugot na ulo na lalaki daw? "

"Nakakatakot talaga doon, buti na lang hindi doon yung daan ko pauwi."

Yan ang usap usapan dito sa school. Ako nga pala si Messie, isang estudyante sa Liguritio University. Kilala ang school naming na pinaka matandang school sa bansa. Marami ditong lumang building at may small forest pa sa likod. Di naman talaga forest parang isang lugar na maraming puno.

/Mes, hnd kta masu2ndo mamaya ha.
My lakad kme ng mga barkada ko.
Mki sabay kna lang Ingat
/ - kuya Sild

Bakit ka naman ganyan, kuya! Nakakatakot kaya yung dinadaanan ko pauwi. Nadadaanan ko pauwi yung small forest sa school eh gagabihin pa man din ako ngayon. Kanino ako makikisabay? Huhuhu! Bahala na nga mamaya. 

Tambay muna ako sa mini park kasi vacant ko pa naman. Saan yung mini park? Sa likod ng school, sa bungad nung small forest. Palagi akong pumupunta dito kasi tahimik tsaka dito rin tumatambay si Jace kasama yung mga tropa niya. Well, ngayon nakatambay sila dito pero doon sila banda sa mga puno. Nakakatuwa nga kasi para silang nagpipicnic. Ako naman nakaupo sa bench at nakikinig ng music. Pasulyap sulyap lang ako kasi baka mahuli nila ako ng tumitingin sa kanila.

/bes wer na u? start na class natin./ - Momoring

Nataranta naman ako sa text ni bes kaya nagmadali ako. Ahhhhh! Kailangan ko ng pumunta ng Noli building, malalate na ako. Pagdating ko sa room sobrang hingal na hingal ako.

"Hindi pa ako late diba?" Hingal ko na tanong kay Momo

"Hahaha! Sorry bes! Wala daw tayong klase sabi ni prof. Yun yung text ko kasi di ko alam kung saan ka naman napadpad?" Tumatawang sagot ni Momo.

"Eh?! Bes naman eh! Andon pa man din sila Jace sa park. Kakainis ka naman!" Sabi ko habang pinagpapalo si Momo.

"So doon ka galing? Hahaha! Ewan ko sayo bes. Di ka ba natatakot doon sa park? I mean kahit doon tumatambay sila Jace, hindi ka natatakot? Kahit kaya sa umaga ang creepy doon." Nagtatakang tanong ni Momo.

"Hindi ako takot! Tska bakit ako matatakot doon eh umaga naman. Pag gabi nakakatakot doon."

"Asus! Si Jace lang naman yung nakikita mo eh. Bes, hindi naman sa dinadown kita ha. Pero imposibleng mapansin ka non. Bukod sa rich kid yon eh suplado pa at mysterious type."
Nalungkot naman ako sa sinabi ni Momo. Totoo na mayaman at mysterious si Jace. Ni hindi nga nakikipag usap yung kung kani kanino pwera lang sa tropa niya. Matagal na akong may gusto sa kanya. Simula nung pumasok ako sa University na to. Siya ang dahilan kung bakit ako nag aral dito. Di ko talaga alam kung may pag-asa pa ako sa kanya.

"Beshie, don't be sad na. Para masaya ka, bili tayo ng maraming pagkain tapos tambay tayo sa park." Sabay yakap sakin ni Momo.

"May klase pa tayo." Sabi ko naman.

"Buang ka bes ha! Si Jace na lang ba nasa isip mo at nakalimutan mo yung schedule natin? Isang subject lang meron tayo ngayon."

"Ahhh.."

"Dali na. Tambay tayo doon tapos stalk na din natin yung crush mo." Excited na sabi ni Momo habang hinihila ako para bumili ng pagkain.

Nakarating nga kami sa park at doon tumambay. Hindi ko na nakita sila Jace doon. Baka pumasok na sila sa mga subject nila. Nagkwentuhan lang kami ni Momo ng wan to sawa hanggang sa hindi namin na malayan na malapit ng gumabi.

"Beshie nagtext na si bf ko. Una na ako ha, magkikita pa kami. Ingat ka sa pag uwi ha. Nakakatakot pa man din yung daanan mo pauwi. " Sabi ni Momo at nauna nga itong umuwi.

Nag stay pa ako ng dito ng ilang oras habang nakikinig ulit ng music. Nakasalpak yung earphone ko at nakapikit ako ng maramdaman ko na may tumabi sakin. Kinikilabutan na ako. Nagsasalita yung katabi ko pero di ako tumitingin sa kanya kasi natatakot na ko.

"Ahhhhh!" Sigaw ko ng tanggalin ng katabi ko yung earphone ko.

"Nagulat ba kita? Hindi ka kasi nakikinig. Sorry."

Tumingin naman ako sa katabi ko ng marinig ko yung boses niya, pamilyar kasi eh.

"Hoy! Na shock ka ba?" Pag-aalala niyang tanong.

"J..Ja..Jace?" Nauutal kong tanong. Si crush katabi ko tapos kinakausap pa ako.

"Sorry. Natakot ba kita? Okay ka lang ba?"

"Okay lang ako. Heheh. Nagulat lang ako sayo. May sinasabi ka ba kanina?" Kinakabahan kong tanong. 

"Haha. Sabi ko bakit ka mag-isa dito? Malapit ng gumabi andito ka pa?" Nakangiting tanong niya sakin.

"Ah. Nagpapalipas lang ng oras. Uuwi rin ako maya maya. Ikaw ano ginagawa mo dito? San na mga tropa mo?"

"Umuwi na sila. Malapit kasi dito yung daan ko tsaka ayoko pa umuwi. Palagi kitang nakikita ditong nakatambay? Paborito mo rin bang lugar to?" Nagulat naman ako sa tanong niya. Ibig sabihin non palagi niya akong tinitignan? Eh siya rin naman dahilan kung bakit ako tumatambay sa park.

"Tahimik kasi dito. Eh ikaw? Palagi ko kayong nakikitang barkada dito. I'm Messie nga pala." Sagot ko sabay shake hand kay Jace.

"Messie. Nice name. Oo tahimik din dito tapos yung tropa ko, gusto ng horror adventure kasi haunted daw tong likod ng school. Tsaka may gusto akong makita dito araw-araw."

"Ano naman yung gusto mong makita dito?"

"Ikaw."

"Huh?" Confused kong tanong. Ano to! Confession na ba dis? Wag kang assuming Messie.

"Ikaw. Ikaw yung gusto kong makita araw-araw. Simula ng makita kita dito. You look peaceful and admirable. Di ko alam basta gusto kitang makita. I think, I like you." Kinakabahang sabi ni Jungkook.

"You like me?" Paulit ulit na tanong ko sa isip kung totoo ba yung mga naririnig ko.

"Yes! I want to court you, if that's okay?" Tanong niya habang nakatingin sa mga mata ko. Naging speechless naman ako dahil sa hindi ko talaga alam kung totoo yung mga naririnig ko.

"Ouch! Bakit mo ako hinampas?" Inis namang sabi ni Jace.

"Kinilig lang. Simulan mo na. Hatid mo ako sa bahay namin kasi wala yung kuya ko hindi ako masusundo." Nakangiting sabi ko sa kanya. Tumayo na ako at nagsimulang maglakad. Habang siya ay confused parin. Nakailang hakbang na ako ng sumulpot siya sa harapan ko.

"Thank you Messie! I'm not gonna waste this chance." Excited niyang sabi saka ako niyakap.

"Take this. Hehehe. C'mon let's walk na." Sabi ko sabay hagis sa kanya ng bag ko.

"Yes captain!"

And that's the start of our love story. He became my boyfriend and eventually my husband now. The mini park at the back of our school maybe scary but for us, it will always be a memorable place.

-

What do you think?

- soulyeiko

BTS Tagalog ONESHOTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon