"Gwapo talaga ng bestfriend mo Jesoo. Buti hindi ka nagkagusto sa kanya?" Tanong sakin ni Jin na classmate ko.
"Hehe! Nababakla ka na ata Jin? Bestfriend ko yun tsaka hindi ako magugustuhan nun." Sagot ko naman.
"Bakit maganda ka naman ha. Marami ngang nagtatanong kung bakit hindi ka niligiwan ni Taehyung. Tapos nagpustahan pa kami kung kailan magiging kayo."
"Ay ganern? Pustahan talaga? Hayss... Hindi nga ako magugustuhan nun kasi may iba siyang liligawan ngayon."
"Owwhh.. Seryoso ba yan? Kasi ang dami ng niligawan ni Taehyung tapos hindi naman nagtatagal. Kala ko nga si Jungkook lang babaero samin eh."
"Ito naman. Hindi babaero si Jungkook. Barkada niyo yun bat mo ako tinatanong? Pero mukhang seryoso kasi grabe yung paghahanda niya ngayon kumpara dati. Basta, sabihin mo itigil na nila yung pustahan dahil hindi magiging kami ni Taehyung."
"Ikaw kasi yung bestfriend diba, mas close siya sayo. Pero di nga wala ka talagang gusto?"
"Wala nga! Kulit mo din eh." Huli kong sabi saka naman tumunog yung cellphone ko./Bakit ka napatawag Abno?/
/Jesoo papatulong ako sayo. Pwease?/
/Taehyung anu naman kailangan mo?/
/Yung si Eunha, diba classmate mo yun?/
/Oo. Bakit naman?/
/Siya yung tinutukoy ko na liligawan ko. Tulungan mo naman ako Jes./
/Owhh?.. Sige pero wag mong sasaktan yun kasi mabait yun. Yari ka sakin pag umiyak yun ha!/
/Bait mo talaga Jes! Kaya Labs na labs kita eh. Sige mamaya na lang. tawagan kita ulit kung saan tayo magkikita at magplaplano. Bye Jesoo./ Huli niyang sabi saka nawala sa linya."Sino yun?" Tanong ni Jin.
"Si Taehyung." Sagot ko.
"Bat tumawag pa eh pwede ka naman niyang puntahan?"
"Classmate ko kasi yung liligawan niya."
"Huh? Da moves talaga ni Taehyung."
"Wait punta muna akong c.r. Sama ka? Hehe."
"Luh to! Gusto ko man, may respeto parin ako sa mga babae." Mariin na sabi ni Jin
"Baliw syempre sa c.r ka ng boys pupunta. Alis na ako." Huli kong sabi saka umalis papuntang c.r.Pero hindi sa C.R. ako nagpunta, sa library sa pinakadulo na walang tao. Bakit ako nandito? Dito ako nagpupunta para magisip isip. Di ko namalayan na tumulo ang mga luha ko habang tinititigan yung picture naming ni Taehyung.
Nagpaka martyr na naman ako. Palagi na lang pag humihingi ng tulong si Taehyung tungkol sa liligawan niya, pumapayag ako. Hayss.. Hinayaan ko na lang ang sarili kong umiyak ng tuluyan sa sobrang sakit."Anu nangyari Jesoo? Okay ka lang ba?" Tanong ng pamilyar na boses. Mas lalo naman akong napaiyak ng malakas. "Jesoo? Sige iiyak mo muna yan. Pag okay ka na saka mo ako pansinin." Sabi niya habang hinihimas yung buhok ko. Iniyak ko lahat ng sakit na nararamdaman ko.
"J-Jungkook? Anu bang kulang sakin?" Lumuluha kong tanong.
"Hala Jesoo! Anu bang problema mo? Di ka naman ganyan ha." Nagulat niyang tanong. "Putspa naman oh! Sino yang lalaking yan? Teka tawagan ko sila hyung, resbakan namin yan." Nag-aalala niyang sabi.
"Wala. Okay na ako." Sabi ko habang kinakalma ang sarili.
"Di nga Jesoo. Hindi ako nagbibiro kasi sobrang kang nasasaktan ngayon."
"Ganun talaga pag sobrang mahal mo yung isang tao."
"Sino nga yang lalaking yan? Pag di mo sinabi, tatanong ko kay Taehyung."
"Di rin naman niya alam eh kahit itanong mo."
"Hays.. Sige. Pero kailangan malaman ko kasi dapat hindi nasasaktan ang mga katulad mong maganda at mabait."
"Asus Jungkook. Bolahin mo nang lahat wag ako. Sobra lang kasi yung pagmamahal ko sa kanya pero hindi niya alam."
"Eyy... Totoo sinabi ko tsaka kaibigan kita no. Tch! Manhid naman ng lalaking yan."
"Tama ka sobrang manhid niya pero kasalanan ko din naman kasi hindi ko sinabi yung tungkol sa nararamdaman ko. Natatakot ako na baka kaibigan lang talaga ang turing niya sakin."
"Heol! So kilala namin yan?"
"Di lang naman kayo kaibigan ko ha."
"Wag ako lokohin mo Jesoo. Kami lang ang kaibigan mong lalaki dito sa school. Pero baka pinapangunahan mo lang, malay mo may gusto talaga siya sayo tapos pareho lang kayong nagtataguan ng feelings."
"Sana ganun nga pero hindi... Ahhhh! Wag na nating pagusapan yung lalaking yun. Yung nakita mo ngayon secret lang natin ha." Sabi ko.
"Araso." Nakangiti niyang sagot.
![](https://img.wattpad.com/cover/82041779-288-k75008.jpg)
BINABASA MO ANG
BTS Tagalog ONESHOTS
FanfictionBANGTAN tagalog oneshots :D [ The book is under heavy editing because my cringy self can't take it anymore. 😂]