Makita siyang masaya sa ibang babae ay sobrang sakit. Baka tama nga yung sinabi niya niya na I'm not good enough for him. Di ko parin alam kung kalian ako makakapag move on. Putspa kasi eh! Bat ba kasi ako na inlove sa kanya!
"Si Jhope na naman ba?" Tanong ng bestfriend kong si Jin.
Napatango na lang ako sa kanya. "Ang saya na niya samantalang ako naka stuck parin." Malungkot kong sagot.
"Halata naman eh. Yaan mo na darating din yung tamang lalaki para sayo."
"Yah, Jin! Bakit parang ang lalaki mo ngayon?"
"Haha! Bakla parin ako wag kang mag-alala." Nakangiting sagot niya.
"Sana nga lalaki ka na lang talaga eh! Para ikaw na lang kasi alam ko hindi mo ako sasaktan."
"Girl staap! Hindi tayo talo." Sagot naman niya.
"Pero lab parin kita kahit bakla ka bes! Muahh!" Sabi ko habang sinusubukan siyang halikan.
"Aaaahhhh! Rape! OMG! Rape!" Sigaw niya habang niyakap ang sarili.
"Tch! Maka rape ka naman."
"Tigilan mo kasi yan bes baka di ko mapigil sarili kong halikan ka."
"Para namang kaya mo? Halika na nga. May pupuntahan ako mamaya so baka hindi kita masabayan sa pag uwi. Uwi ka kaagad sa bahay niyo kasi baka ma rape ka talaga ng tuluyan. Haha!" Nakangiting sabi ko.
"Marami naman akong kasabay mamaya."
"Buti tanggap ka ng Bangtan kahit bading ka?"
"Tch! Yun ang true friendship. Sige na. Ingat ka mamaya kung saan mo man susundan si Jhope."
"Di ko na ginagawa yun no!"
"Deny pa bes." Huling sabi niya ng maghiwalay na kami para pumunta sa mga classroom namin.Boset talaga tong baklang to, pasalamat siya bestfriend ko siya. Hays.. Yes brokenhearted ako pero tinigil ko na yung pagiging stalker ko. Tanggap ko na hindi na kami ni Jhope pero syempre hindi ganun kadali mag move on no.
Natapos na nga yung class naming at saka ako dumiretso sa mall para I meet ko pa yung isa kong bestfriend na si Sofia sa mall.-Mall-
"Bes, kamusta puso natin?" Tanong ni Sofia.
"Yun mashaket parin bes. Pero nakakasurvive naman sa araw araw." Sagot ko.
"Bes maiiba tayo, gwapo yung bestfriend mo. Yung Jin ba yun?"
"Yup. Gwapo talaga yun kaya lang bading?"
"Bading? Parang hindi naman kasi nung tinignan ko yung mga picture niyo parang nga kayong mag jowa eh."
"Luh to! Bakit mo naman nasabi yan?"
"Kasi iba yung mga tingin niya sayo. Siguro may gusto yun sayo."
"Tumigil ka nga bes. Kahit kalian hindi ako magugustuhan nun kasi nga bading siya."
"Pero diba matagal ka nang may gusto sa kanya? Bago pa naging kayo nung gwapong kabayo na si Jhope?"Tinignan ko na lang siya ng masama at saka iniba yung topic. Matagal na nga akong may gusto kay Jin, siya nga yung firstlove ko. Pero simula nung sabihin niya na bading siya, ayun, ang shaket! Kasi nung araw na sinabi niya na bading siya, yun din yung araw na dapat magtatapat ako sa kanya. Hindi pa naman talaga ako nawawalan ng pag-asa na balang araw magiging tunay na lalaki siya. Ang tanong kailan kaya yun? Hays. Bigla naming may tumatawag sa phone ko.
/Hello?/ Tanong ko.
/Denise ikaw ba to?/ Tanong ni Jimin.
/Jimin? Bakit?/
/Si Jin hyung kasi lasing ngayon. Eh may pupuntahan pa kami nila V pwede ba na ikaw na lang yung mag uwi sa kanya?/
/Teka bat lasing si bakla?/
/Maka bakla naman to. Hindi pa nga siguro sinasabi sayo ni Jin hyung./
/Ang anu? Teka bakit ba kayo nag inuman?/
/Wala. Itetext ko na lang sayo yung address nung bar kung nasaan ngayon si Jin hyung. Sige na puntahan mo na siya dito kasi nagmamadali kami. Iuwi mo ng maayos si hyung ha. Salamat Denise./ Huling sabi ni Jimin saka nawala sa linya.Kalian pa natutong uminom yun? Talagang ma rerape yung baklang yun. Nagpaalam na ako kay Sofia at dumiretso dun sa address nung bar. Wala masyadong tao kaya nakita ko agad yung brown haired na si Jin na nakapatong yung ulo sa lamesa. Nilapitan ko siya at umupo dun sa harapan niya. Naramdaman niya ako at saka siya nagsalita.
(A/N: paki imagine na lang na lasing si Jin. 😁 )
"Ka..la.. kooo ba umaaalis naaa ka..yo Jimin?" Tanong ni Jin.
Putspa tong baklang to! Sobrang kalasingan napagkamalan pa ako. Pumunta ako sa tabi niya para itayo siya at iuwi narin siya pero pinigilan niya ako saka tumingin sakin..
"Jimiiniieee! Kailan paaa naging mahaba yaaaang buhok moo? K-k-kamukha moo t-t-tuloy si Denise ko." Sabi niya sabay hinawakan yung mukha ko. "Mahaaaal naaa maaahaal k-ko si Denise kaya laaaang ang t-t-tanga ko kashiii s-sinaaabi koo na bading ako."Hindi naman ako makapaniwala sa mga pinagsasabi ni Jin. Totoo nga na paglasing ang isang tao, dun mo makikilala kung sino siya.
"Jin halika na. Iuuwi na kita sa inyo." Sabi ko habang sinusubukan siyang itayo pero pinisil lang ng mga kamay niya yung pisngi ko.
"Jiminiee ka boses mo naarin si Denise ko. Alam mooo k-k-kung maibabalik k-ko lang yung oraaas. Shasahabihin k-ko sa k-kanya na m-mahal ko siya. P-para hindiii na sha nasaktan. Shiguro ngaaa b-bading akoo kashi h-hindi ko m-magawang umamin sa k-kanya. Sorreh Denise ko. Mahal na mahal talaga kita!" Sabi niya sabay yakap sakin. Naramdaman ko na lang na tulog na siya sa sobrang kalasingan. Hirap na hirap ako sa pagbuhat sa kanya pauwi sa kanila.Ang saya ko dahil narinig ko mismo sa mga labi ni Jin na mahal niya ako. Pero kailangan ko munang makalimutan na ng tuluyan si Jhope para hind imaging panakip butas si Jin. Kaya bukas na bukas ay pagtritripan ko si Jin saka sasabihin yung nangyari nung nalasing siya. Hahah! Excited na ako. 😁
-Kinabukasan-
Magkasama kami ni Jin, kanina pa niya tinatanong kung nakausap ko ba daw siya kagabi. As usual, yun bading parin ang kilos niya. Haha! Wala siyang kaalam alam. Saka naman namin nakasalubong si Jimin at V.
"Hyung naihatid ka ba ng maayos kagabi?" Tanong ni Jimin.
"Bakit sino ba naghatid sakin kagabi? Diba kayo?" Tanong din ni Jin.
"Hala hyung! Dami mo kasing inum kagabi eh! Si Denise yung naghatid sayo." Sagot naman ni V.
Tumingin silang tatlo sakin at hindi ko na napigilan yung tawa ko.
"Panigurado hyung may nasabi kang weird kagabi kaya ganyan si Denise."😐 Sabi ni Jimin.
"Nakakatawa siguro yun kasi grabe yung tawa niya ngayon." 😕 Tanong ni V na nakatingin sakin na pa akong baliw. "Sige hyung, tanungin mo na lang si Denise." Sabi pa ni V saka sila umalis.Hinawakan naman ako ni Jin saka tinanong. "May sinabi ba akong weird kagabi girl?" Kinakabahang tanong niya.
"Wala naman girl! Basta ang sabi mo lang hindi ka bakla. Yun lang naman." Nakangiting sagot ko. 😁
"Huh?" Confused niyang tanong.
"Yah! Bakit ka nagsinungaling sakin ha?"
"A..ahhh e..eehh" Nauutal niyang sabi.
"Matagal na kitang gusto pero nung sinabi mo na bading ka.."
"G...gusto mo ako?" Singit niya.
"Hehe! Oo pero kaya mo bang hintayin na makalimutan ko siya?" Sabi ko habang nakatingin sa mga mata niya.
"Sorry sa pagsisinungaling ko. Hayaan mo akong tulungan kita Denise. Maghihintay ako hanggang ako na ang laman ng puso't isipan mo." Sabi niya saka ako hinalikan sa noo at niyakap ng mahigpit.Mas makikilala mo ang isang tao pag nalasing siya kasi mas dun siya nagiging honest. 😁😁😁
-
:) END :)
-
what do you think? OKAY or LAME?
VOTE & COMMENT:)
hope you all enjoy!
BINABASA MO ANG
BTS Tagalog ONESHOTS
Fiksi PenggemarBANGTAN tagalog oneshots :D [ The book is under heavy editing because my cringy self can't take it anymore. 😂]