#Imagine
Naglalakad ka pauwi nang maramdaman mo na may sumusunod sayo.
"Sino yan? Hoy! Lumabas ka na dyan kung sino ka man?" Kinakabahan mong tanong habang pinagmamasdan ang paligid.
"Wahhh!" Sigaw ni Hoseok.
"Ahhhhh! Wag po ako please! Marami pa akong pangarap sa buhay! Please!" Gulat mong sabi. Napapikit at napayakap ka sa iyong katawan.
Hindi naman napagilan ni Hoseok na matawa dahil gumana ang plano niyang gulatin ka. "OA mo men. Ako to si Hoseok bestfriend mo."
"Bwesit ka!" Saka mo siya pinaghahampas. "Nakakatakot ka naman eh! Sasapakin na sana kita, pasalamat ka mahal kita." Bulong mo.
"Ha?"
"Wala! Bakit mo ba ako sinusundan ha?"
"Ahh... ehh.. Ano, sinu..sundan kita dahil.. sa pangarap.. na sabi ng mga.. parents ko."
"Ano naman kinalaman ko don?"
"Sabi kasi ng parents ko sundin ko daw yung pangarap ko." Nahihiya niyang sagot.
Napakunot ka na lang noo dahil sa weird na kinikilos nh bestfriend mo. "So ano ngayon?"
"Ikaw kasi pangarap ko."
-
What do you think?
- soulyeiko
BINABASA MO ANG
BTS Tagalog ONESHOTS
FanfictionBANGTAN tagalog oneshots :D [ The book is under heavy editing because my cringy self can't take it anymore. 😂]