I AM HERE - JIMIN 💜 ANNE

255 10 0
                                    

  JIMIN POV:
Being her bestfriend is on eof the best thing happened to me but also on epf the painful thing. Yung feeling na bestfriend ka niya pero higit pa dun ang tingin ko sa kanya. Siya na yata ang the best na babae para sakin pero ano naman ako sa kanya? Masakit man isipin na may gusto ako sa kanya pero hindi ko man lang masabi sabi dahil sa takot akong masira o mawala ang pagkakaibigan namin. Nang dahil sa takot na ito dumating sa punto na halos hinayaan ko siyang masaktan ng dahil sa ibang lalaki.

"Yah!" Sigaw ni Jn hyung na nakaupo sa tabi ko. "Tulala ka na naman. Si Anne na naman yung iniisip mo no?" Tanong ni Jin hyung. Napabungtong hininga na lang ako napatango habang nakatingin sa pwesto nila. Mas lalo sumakit ang puso ko ng makita kong ang ganda ng ngiti ni Anne.

"Bat kasi hindi ka na umamin? Alam naman nating lahat na hindi sryoso si Taehyung sa kanya pero hinahayaan mo lang. Ano na gusto mong mangyari kay Anne niyan?" Singit naman ni Yoongi hyung.

"Hyung naman. SIla na ni Taehyung kaya sigurado akong hindi na siya maniniwala sakin kahit sabihin ko na pustahan lang ang meron sa kanila ni Taehyung." Malungkot kong sabi.

"Ako ang nahihirapan sayo Jimin. Kung nung simula pa alng na lumalapit lapit yang si Taehyung kay Anne ay binakuran mo na sana hindi aabot sa ganito na nasasaktan ka. Nagugutom na ako. Tara sa cafeteria." Huling sabi ni Yoongi hyung at hinila patayo si Jin hyung.

"Naks! Ngayon ko lang narinig yang mga salitang yan sayo Yoongi." Sabi ni Jin hyung na napatawa ng dahil kay Yoongi hyung habang paalis sila. Nagpaiwan naman ako at patuloy na tinitigan sila Anne at Taehyung na masayang nagkwekwentuhan sa bench. Tama nga si hyung kung sinabi ko noon pa lang hindi sana ako nagkakaganito.

Flashback:

"Jiminieeeeeeee~" Masayang tawag sakin ni Anne. Napangiti naman ako ng makita siyang masaya. Lakas nga talaga siguro ng tama ko sa bestfriend kong ito.
"Bakit ang saya mo Anneng?" Nakangiting sabi ko at napasimangot naman siya ng dahil sa palayaw na palagi kong tawag sa kanya.  

  "Diba sabi ko wag mo na akong tatawaging Anneng? Ikaw talaga ang kulit mo parin. Pasalamat ka bestfriend kita kungdi makakatanggap ka talaga ng ano sakin." Sabi niya at saka ako binatukan.

"Aray naman! Ano ba yung ano na matatanggap ko ha?" Tanong ko.

"Ewan ko sayo. Ay, nga pala, may sasabihin ako sayo." Masaya niyang sabi sakin. Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng kaba ng dahil sa sasabihin niya pero hindi ko na lang pinansin at tumango na lang ako. "Naalala mo yung crush ko sa section niyo? KInausap na niya ako at... niyaya niya din ako ng date!" Sigaw niya at saka siya nagtatalon at pinagpapalo palo ako. Hindi naman ako agad naka imik dahil sa nagulat ako.

"S-si Taehyung ba yung tinutukoy mo?" Utal kong tanong.

"Yesssss~ Teka bat ka naman nauutal? Wag mo sabihing may crush ka din sa kanya?" Tanong niya ng masinsinan at nilapit ang mukha niya sakin. Kung ala mo lang Anne kung sino ang crush ko. Hays.

"Nagulat lang ako. Diba playboy yun? Mamaya saktan ka nun."
"Mabait naman siya eh tsaka sabi niya sakin na nagbago na daw siya. Alam mo naman na grabe ang pagka crush ko sa kanya diba Jiminieee?"

"Oo naman alam ko pero mag iingat ka parin. Di kami mabilis magbagong mga lalaki."

"Ayeeeiiie~ Sabihin mo na lang na ikaw na lang kasi okay lang sakin." Tumatawa niyang sabi. Nagulat naman ako sa narinig ko kaya hindi ako maka imik pero alam ko sa dulo ng utak ko na nagbibiro lang siya. " Ito naman. Nagbibiro lang ako. Alam ko namna na hindi mo ako type eh. Pero Jiminiee kailan ka ba may balak manligaw? Wag mo sabihing torpe ka? Tutulungan naman kita kung sakaling may liligawan ka eh." Sabi ni Anne.

Napatawa na lang ako ng mahina habang pinipigilang tumulo ang mga luha na nagbabantang tumulo. Hindi ko alam na ganon pala kasakit ang ganong joke. Kung alam mo lang Anne kung gaano ako ka torpe. Simula noon naging madalang ang pag uusap namin ni Anne. Palagi na niyang kausap at kasama si Taehyung. Hanggat sa nabalitaan ko na lang sila na at hindi man lang nagsabi sakin si Anne. Hindi naman na ako nagtaka na naging sila din pero nasaktan ako ng hindi man lang sinabi ni Anne sakin ang mga yon. Kaya naman nagsisiako ng matindi ng makita ko na masaya si Anne kay Teahyung at mukhang nakalimutan na ako. Dahil din dun ay hindi ko narin kinausap si Anne. Halos iiniiwasan ko na siya at nag iba nadin ang ugali ko. Nagalit naman sila hyung dahil sa pagbabago ng ugali ko.

BTS Tagalog ONESHOTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon