✔ DEAL AND CHANCES

524 10 2
                                    

Kemberly as herself
Yoongi as Yves

Jungkook as Jace
Jimin as Jaden
Taehyung as Timothy
Namjoon as Nico
Hoseok as Harold
Seokjin as Sild

"Kemberly! Ang ganda mo! Naka skirt tapos naka make up. Para kanino yang pagpapaganda mo? Ay, by the way, pupunta kaming Dynamite Café. Sama ka?" Excited na tanong ni Yuju sakin.

"Balita ko maraming gwapong employee dun. Yung Bitz ba yon? Kasi yung isang member ng grupong yun ang may-ari ng Café." Singit naman ni Yerin.

"Savage kayo ha! Alam niyo naman na iniiwasan ko yung grupong yun eh!" Sigaw ko naman sa kanila.

"Alam naman namin yun, pero diba si Yves lang naman yung iniiwasan mo? Yung lalaking kinahuhumalingan mo pero lagi kang inaaway. Mas savage yun! Ano ba kasing nagustuhan mo dun? Pero mukhang nagpaganda ka para sa kanya no?" Pagtataka ni Yerin.

"Oh sige na! Savage na kung savage! Malay ko ba basta gusto ko siya. Aish! Sige na nga sama na ako sa inyo pero pag nandun yung Yves labs ko aalis agad ako ha." Irita kong sabi sa kanila sabay hila nila sakin papunta sa café.

I'm Kemberly Malsin. Student of Liguritio University, oldest school of this country. Sino si Yves? Siya lang naman ang magilagid na lalaking nagpatibok ng puso ko. Yep magilagid pero gwapo kaya lang may problema. Kasi kahit gusto ko siya palagi naman niya akong inaaway na parang hobby na niya. As in hobby na niya kasi everyday ata kaming nag aaway kasi kahit maliit na bagay ay pinapalaki niya. Tapos member pa siya ng sikat na grupo samin na Bitz. Oh diba tiba tiba ako kasi hindi lang siya umaaway sakin pati mga fangirls niya. Kainis nga kaya talagang iniiwasan ko siya para lang hindi ako ma bully nung mga fangirls niya pero ngayon mukhang hindi ko magagawa dahil sa mga bruha kong bestfriends.

"Luh! Lutang na naman si Bes oh! Kemberly!" Sigaw niya sakin at sa tenga ko pa talaga.

"Hindi ako lutang! Fishtea ka! Hanap na tayo ng table tapos si Yuju na mag order dun sa counter." Iritang utos ko sa kanila. 

"Grabe ang gwapo nung nasa counter. Hobi ang name, ang kyut! Sige gora na ako baka mapansin ako ni Hobi!" Excited na sabi ni Yuju sabay punta sa counter.

Gwapo talaga! Bitz yun eh. Peymus yung mga iyon eh. Futspa naman andito kaya si Yves labs ko? Naikot na ata ng mata ko yung buong café pero ni isang anino ng kaputian niya di ko nakita. Buti naman kasi magiging relax ang araw ko ngayon.

"Beshie alam kong iniiwasan mo si Yves pero huli ka na kasi kanina ka pa niya tinititigan. Wag kang lilingon kasi baka mahimatay ka sa sobrang gwapo ngayon lalo na sa waiter na uniform niya ngayon. AJSHGJF! Pramis bes! Ang gwafoo ni Yves!" Bulong na sigaw sakin ni Yerin at sakto naman dumating na si Yuju na dala yung mga order namin.

"Sheba bes! Gwafuoo ni crush mo bes! Wag ka na lang lilingon para kunyari di mo alam na nandyan siya para di na naman kayo mag-aaway." Sabi ni Yuju.

Napabungtong hininga na lang ako dahil sigurado ako na mag aaway na naman kami ngayon. Kaya di talaga ako lumingon at patuloy lang kami nila Yuju at Yerin sa pag-uusap. Syempre pasulyap sulyap din sa mga gwapong Bitz.

"Shocks! Lapit na magsimula yung subject natin. Dali alis na tayo baka malate pa tayo." Pag-aalala ni Yerin. Sabay sabay naman kaming tumakbo at pumasok na klase.

Habang nasa klase ay hindi naging madali sakin dahil bago kami makaalis sa café ay nasulyapan ko si Yves at totoo nga talaga na ang gwapo niya sa waiter uniform niya. Hindi tuloy maalis sa isip ko yung ka gwapuhan niya. Napagalitan pa ako ng prof namin ng di ko sinasadyang mapa mura. Nakakainis itong feeling na to. Natapos din yung 2 oras na subject ko at ni isang sinabi ni prof ay wala akong natutunan. Iniwan na naman ako nila Yuju at Yerin para pumunta ulit sa Dynamite Café. Natatakot pa man din akong umuwi mag-isa kasi baka masalubong ko yung mga fangirl ni Yves or kaya si Yves mismo. Speaking of that ay may nabangga talaga ako at bakit sila pa.

BTS Tagalog ONESHOTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon