LOST MEMORIES - YOONGI 💜 IVY

302 9 0
                                    

"Mahal na mahal kita Ivee~"

"Gumising ka na Ivee~ Magkikita din tayo~ " Sabi ng lalaking nakayakap sakin. Napapitlag namna ako ng gising ng dahil sa panaginip na yun. Napalinga naman ako sa paligid at nakita ko na nasa kwarto ko ako. Ilang araw nading nasa panaginip ko ang lalaki pero kahit anong gawin ko ay hindi ko siya maalala at hindi ko pa maaninag ang mukha nito sa panaginip. Pinasintabi ko na lang muna ang panaginip at nagahanda na para pumasok sa bagong eskwelahan na papasukan ko. Bagong lipat lang kami sa lugar na ito. May nangyari daw kasi sa akin sa dati naming lugar at gusto nila mama na makalimutan yun pero kahit ako ay hindi ko maalala ang nangyari sakin.

Nang matapos akong mag ayso ay lumabas na ako ng kwarto pero bago ko pa mabuksan ang kwarto ay may naramdaman na akong kakaiba. Andito na naman sila. Napabungtong hininga na lang ako at lumingon.
"Hello noona Ivy~" Nakangiting bati sakin ni Jungkook na nakaupo sa study table ko.
"Ikaw na naman?" Tanong ko.
"Andito din kaya kami Iveng~" Sabi naman ng pamilyar na boses. Napalingon ako sa diresyon ng boses at nakit ko si Jin at Taehyung na nasa kama at tinititigan ang mga libro ko. Napaismid naman ako dahil sa inis. Simula ng may nangyari sakin at pagkagising ko ay palagi ko na silang nakikita at minsan pa ay pasulpot sulpot sila.
"Di ata kayo kumpleto? Asan yung matangkad na kala mo nagrarap pag nagsasalita tsaka yung isa na walang pakialam sa mundo?" Tanong ko ulit.
"Si Namjoon hyung at Yoongi hyung ay hindi namin alam kung nasaan. Noona papasok ka na sa bago mong school?" Sagot at tanong ni Jungkook na nasa harapan ko na.
"Oo at kung pwede lang wag niyo na akong susundan dun." Sabi ko. "Pero dahil sa kilala ko kayo at alam kong hindi niyo susundin ang sinabi ko. Pwede bang wag niyo akong gulatin dun at nang hindi namna ako mag mukhang weirdo ha." Sabi ko ulit at saka humarap sa pintuan. "Taehyung ibaba mo yan at diary ko yan~" Dagdag ko at saka na lumabas sa kwarto.

Di ko nga alam kung bakit ako lang ang nakakakita sa kanila. Nung una tinanong ko sila kung multo ba sila pero hindi namna nila ako sinasagot kaya ayon sumuko na ako sa pagtatanong at nagpanggap na hindi ko sila naririnig. Tinanong ko din sila kung ano ang kailangan nila sakin at ang tanging sagot lang nila ay dahil sa pinoprotektahan lang nila ako. Napabungtong hininga ako ulit. Nung una ayaw na ayaw ko sa kanila pero sa huli mukhang napamahal nadin sila sakin lalo na yung lalaking walang pakialam sa mundo. Umalis na ako ng bahay at sumakay sa bus at mapaupo sa likuran.
"Kumpleto na ba mga gamit mo?" Tanong ng pamilyar na boses. Nagulat naman ako at napalingon sa kaliwa ko. Nakita ko na nakaupo si Yoongi at nakatingin sakin. Inilabas ko ang earphone ko at saka nilagay sa tenga ko. Umacting ako na kunwaring may kinakausap.
"Sa susunod wag mo akong gugulatin ng ganito. Boset ka!" Mahinang sigaw ko. Napangiti naman siya at biglaan ulit tumibok ng malakas ang puso ko.
"Nga pala merong picture dyan sa libro mo, pakihanap naman para sa amin. Yun lang at salamat. Ingat ka." Sabi niya at saka naglaho. Napahawak naman ako sa dibdib ko dahil sa bilis ng tibok ng puso ko. Di ko alam kung bakit pag palagi kong kausap si Yoongi ay ganito ang nararamdaman ko. Nang dahil nadin dito ay nagustuhan ko siya pero syempre hindi niya alam tsaka ang weird naman an magkagusto ako sa katulad niya. Tinignan ko ang picture na sinasabi niya at nakita ko ang dalawang lalaki na nakangiti. "Jhope~ Jimin~ Saan ko naman sila hahanapin? Naku talaga~" Yan na lang ang nasabi ko.

Nang makarating ako sa school ay hinanda ko ang sarili ko. Isnag bagong simula para sa akin kaya kinakabahan ako pero sana magkaroon ako ng bagong kaibigan.
"Noona~ Tumingin ka sa dinadaanan mo at baka madapa ka. Wga kang mag alala dito lang kami sa likod mo di ka namin gagambalain." Nakangiting sabi ni Jungkook. Napaismid na lang ako at nakita na kumpleto na sila na kasabay kong naglalakad. Nagpatuloy tuloy ako sa paglalakad at hindi na sila pinansin. Siguro nga ay isang manghuhula si Jungkook dahil sa natumba ako at muntikan ng madapa pero bago pa ako makipag kissing scene sa lapag ay nahwakan ako ng isang lalaki.
"Naku~ Sa susunod mag iingat ka miss~" Sabi niya at saka ako tinulungang makatayo ng maayos. May kasama siya at yung kasama niya ay pinulot ang mga dala ko.
"Hindi dapat nadadapa ang mga katulad mong magaganda miss~" Sabi nung kasama niya, saka ako napatingin sa kanila at nagulat.
"Jhope? Jimin?" Sabi ko.
"Huh? Kilala mo kami? Pero ngayon lang kita nakita at sigurado akong hindi ako nakakalimot ng isang magandang mukha." Sabi ni Jimin at binatukan na lang siya ni Jhope.
"Tumigil ka nga dyan. Pasensiya ka na dito sa pandak na to, may nakain lang kaya ganyan. Pero oo nga paano mo kami nakilala? Tsaka sino yunng mga nasa likod mo? Kasama mo ba sila, ang weird kasi nila eh." Tanong ni Jhope.
"Nakikita mo din sila?" Gulat kong tanong.
"Oo. Di naman sila multo para di namin makita eh." Sabi naman ni Jimin.
"Nakikita mo kami?" Tanong ni Taehyung na ngayo'y nasa harapan na ni Jimin. Bigla namang napasigaw si Jimin at Jhope dahil sa ginawa ni Taehyung at sunod sunod naman na nagsidatingan sa harap nila ang iba.
"P-Paano mo nagawa yun?" Tanong ni Jhope.
"Hyung~ Salamat naman at nakikita niyo din kami. Tama ka nga Namjoon hyung, na pag nakita nial si Iveng ay makikita din nila tayo." Masayang sabi ni Jungkook. Bigla naman akong nakaramdam ng kasiyahan sa makita kong ngiti ni Jungkook at ng iba kahit si Yoongi ay nakangiti din. Sa isang taon na naming magkasama, ngayon ko lang silang nakitang ganito kasaya.
"T-Teka sino ba kayo tsaka ano ba kayo?" Tanong naman ni Jimin. Bigla din namang nawala ang saya nila dahil sa tanong ni Jimin at bigla silang lumaho. Napabungtong hininga ako dahil sa hindi ko na maintindihan ang mga nangyayari. Pinaliwanang ko kay Jimin at Jhope ang tungkol sa limang lalaki na kami lamang nag makakakita pero hindi ko rin masabi kung bakit sila namin nakikita.

BTS Tagalog ONESHOTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon