✔ HANDSOME MURDERER

398 9 0
                                    

Sofia as herself
Taehyung as Tristian

Yoongi as Yosef
Jimin as Jared
Jungkook as Jedd
Namjoon as Nick
Hoseok as Harvey
Seokjin as Jay


"Grabe ang gwapo talaga nila."

"May girlfriend na daw sila Nick at Jared."
"Kailan kaya tayo mapapansin ng Bitz?"

Yan lang naman ang usap usapan dito sa school ng mga tsismosa. Sino ang Bitz? Sila lang naman yung mga popoging peymus dito sa school. As in pogi silang pito at magkakabarkada pa.

"Hoy bes! Tulala ka na naman dyan?" Tanong sakin ng bestfriend kong si Jay. Yes kasama siya sa Bitz pero bestfriend ko siya.

"Wala! Puro tungkol sa inyo kasi naririnig ko ngayon." Sagot ko naman.

"Ganon talaga kapag pogi. Pero mas gwapo ngayon yung crush mo."

"Araw araw namang gwapo si Tristian. Ano pa bang bago?"

Yep, you heard it right. May crush ako sa isa Bitz. His name is Tristian. Matagal ko na siyang gusto simula ng maging magkaklase kami nung first year. Naging close nga kami non, kaya lang nung naging peymus siya ni hindi na niya ako kilala. Si Jay nga lang ata nakakakilala sakin sa Bitz pero kahit bff ko siya minsan ko lang din siya makausap katulad ngayon.

"Tingin ka dun oh. Tignan mo ang gwapo niya ngayon." Sabi ni Jay habang tinuturo ang Bitz na makatambay sa labas ng room namin.

Oo nga iba yung ka gwapuhan niya ngayon. Parang mayroon siyang pinaghahandaan. Siguro magkakaroon siya ng girlfriend ngayon. Hayss. Hanggang titig na lang talaga ako sa kanya. Dahil din sa katitig ko ay naramdaman niya siguro kaya lumingon siya kung saan ako nakapwesto. So ako naman tingin kay Jay at tsaka siya kinausap para hindi makita ni Tristian na namula yung pisngi ko sa tingin niya. Enebe!

"Baka hinihintay ka na ng barkada mo. Layas na dito." Sabi ko kay Jay habang tinutulak siya.

"Luh Bes! Namumula ka!" Sigaw ni Jay. Boset to ipagsigawan pa naman.

"Hindi ah! Tumahimik ka nga!"

"Sorry bes. Tingin ko narinig nila kasi nakatingin sila ngayon sa atin."

"Boset ka kasi eh! Layas na dito. Punta ka na dun sa barkada mo para hindi na nila ako pansinin."

"Cute mo talaga bes! Sige punta na ako dun. Beso muna." Sabi niya habang nilalapit yung mukha niya sakin.

"Beso mo mukha mo! Sige na!" Sigaw tsaka siya pinaghahampas.

Pero nung binaling ko yung tingin ko sa pwesto nung Bitz. Nakatingin sila sakin at si Tristian sobrang sama ng tingin. Lalo pa sumama nung pumunta si Jay sa kanila at hindi niya pinansin si Jay. Ano kaya problema nung mga yun. Grabe nakakatakot yung mga mata ni Tristian. Tapos yung ibang Bitz grabe din yung tingin nila sakin, parang may masama silang balak sakin. Si Jay naman kasi, baka mamaya may balak silang patayin ako. Nakaka paranoid tuloy. Arghhh!

Sakto namang tumunog ang bell at dumiretso ako sa canteen para kumain. Na sa process pa ako ng pagpili ng kakainin ng may tumapik sa likod ko kaya nilingon ko.

"Hi Sofia." Tawag sakin ni Harvey. Muntikan ko nang mabitawan yung wallet ko. Maygash! Kilala ako ni Harvey. Di nga?

"Bakit?" Kinakabahang kong sagot.

"Sabi ni Jay sama ka daw sakin kasi may sasabihin daw siya sayo." Sagot naman niya.

Ito na ba yung oras na papatayin nila ako? Grabe ka Jay bestfriend pa man din kita tapos ito lang magyayari sakin. Huhuhuhu! Dapat bago nila ako patayin masabi ko muna kay Tristian yung nararamdaman ko.

"Importante daw ba?"

"Yep sobrang importante kaya halika na kasi wala na kaming oras." Sabi niya sabay hila sakin. Grabe nagmamadali talaga siya. Putspa naman oh! Marami pa akong pangarap sa buhay.

Hanggang sa nakarating kami sa fourth floor. Dun sa pinakadulong room, yung tambayan ng Bitz. Tapos sa harap ng room andun yung Bitz except kay Tristian at Jay. So ayun bigla akong pinasa ni Harvey kay Nick.

"Sofia, wag kang magugulat ha kasi may nangyari kay Jay." Mahinahong sabi sakin ni Nick.

"Ano ba nangyayari? Sabi niyo may sasabihin sakin si Jay. Pinatay niyo ba si Jay?" Maluluha kong tanong. Pero tokwa kasi halos maluluha na ako pero sila parang pinipigil yung tawa nila.

"Hindi namin siya pinatay pero nasa loob siya ng room ngayon. Doon na lang niya sasabihin. Okay!" Sabi ni Nick at saka nila ako pinasok sa room tapos sinara nila agad. Nakalock pa, napatingin na lang ako sa paligid pero wala naman si Jay.

"Hoy Nick! Wala naman si Jay dito!" Sigaw ko malapit sa pintuan. "Pwede ba na patayin niyo na lang ako ng diretso please."

Ngayon na nga talaga ang last day ko. Hindi nila ako palalabasin dito at hahayaan nilang akong mamatay. Huhuhuhu! Jay paano mo nagawa sakin to. Tokwa naman bakit ako umiiyak. 😭

"Bakit ka naman namin papatayin?" Sabi ng boses sa likod. Napatalon na lang ako sa takot at napalingon. Putspa men!

"Tristian? Bat nandito ka? Asan si Jay?" Sunod sunod kong tanong.

"Si Jay na lang ba palagi? Di ko alam kung bakit ako nandito. Kinulong nila ako kasi di ko makontrol galit ko." Sagot niya.

Bumalik ulit ako sa pintuan at naghahampas doon. "Guys, si Tristian ba papatay sakin? Bakit naman kayo ganern! Buksan niyo na to please." Pagmamaka awa ko. Tapos tumatawa lang sila sa labas. Mga boset!

"Kulit nito! Hindi ka nga namin papatayin. Anu ba yang pinag iisip mo?"

"Eh bakit andito ka. Kanina kaya ang sama ng tingin mo sakin tapos andito ka kasi galit ka. Baka nga mamaya gusto mo akong patayin."

"Eh? Sa gwapo kong to, papatay ako?"

"Oo na gwapo ka pero marami nang gwapong mamatay tao no!" Sabi ko.

So yun dahil sa sinabi ko mas lalo ata siyang nagalit. Lumapit siya sakin at kinorner ako sa pintuan. Yung mga kamay niya nasa dingding at saka nilapit yung mukha niya.

"Nagalit ako kasi nagseselos ako." Pabulong niyang sabi sakin habang nakatingin siya sa mga mata ko.

"Ano?"

"Nagseselos ako kasi nakakausap ka ni Jay. Nakakasama ka niya at nakakakwentuhan yung tipong ang saya niyo."

"Natural bestfriend ko yun." Kinakabahang sagot ko. Nalilito na ako sa mga pinagsasabi niya.

"Yun na nga Sofia. Gusto ko ako yung nakakasama mo, nakakakwentuhan mo at yung nagpapasaya sayo. Kaya nagseselos ako kay Jay. Kanina nasuntok ko siya dahil sa sobrang selos. Dahil dun kailangan kong gawin itong punishment dahil sa pustahan nila."

Okay! Hahahah! Hindi ko alam kung anung gagawin ko ngayon sa mga sinabi niya. Nawiwindang ako ngayon tapos sobra lakas pa nung tibok ng puso ko. Mga beshie tulong naman!

"Gusto kita Sofia. Pasensiya na kung umabot pa sa ganito yung pagtatapat ko."

"G..Gusto mo ako?"

"Simula nang maging magkaklase tayo. Natorpe kasi ako kaya't hanggang sa naging sikat ako hindi ko na nasabi sayo. I'm sorry Sofia." Malungkot niyang sabi.

"Gusto din kita Tristian." Sagot ko naman.

"Talaga? Pwede ba kitang maging girlfriend?" Excited niyang tanong.

"Yes po!" Sigaw ko sabay yakap sa kanya.

Saka naman bumukas yung pintuan at nagsipasok yung Bangtan. "Wag mo na akong susuntukin Tris ha. Nasayang tuloy beauty ko." Sabi ni Jay habang hahawak yung pisngi niya.

"O sige na. Tapos na trabaho naming pagselosin si Tristian. Wag muna kayong gumawa ng baby dyan. Halina kayo kasi may mga klase pa tayo. At Sofia, hindi kami mga murderer okay?!" Nakangiting sabi ni Nick habang tumatawa na lang sila Harvey, Yosef, Jared at Jedd.

I'm glad that my paranoia led me to my handsome murderer.

-

What do you think?

- soulyeiko

BTS Tagalog ONESHOTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon