Masaya akong naglalakad sa hallway ngayon papunta sa tambayan nila Kook. Kakatext lang kasi sa akin niya kanina at pinapapunta ako dun, may sasabihin daw. Bakit ako masaya? Kasi first time lang na nagtext sa akin si Kook ng walang halong hihingi siya ng tulong para mangligaw. Bukod sa mga kwentuhang about sa school at mga bagay na pinaguusapan ng mag bestfriend ay karamihan sa mga text niya sa akin ay ang panghingi ng tulong sa pangliligaw.
Tuwing makakatanggap ako ng ganun, nasasaktan ako. Matagal narin naman kasi kaming mag bestfriend ni Jungkook at matagal nadin akong may gusto sa kanya. Syempre bilang isang martyr at mapagmahal na kaibigan eh mas pinipili ko na wag sabihin sa kanya na may gusto ako. Mas okay na yung bestfriend ko siya kesa naman masira ang friendship namin dahil lang sa naging awkward kami sa isa't isa. Anyway, balik tayo sa hallway. Hehehe. Habang papunta ako sa tambayan nila Jungkook ay nakasalubong ko sila Taehyung at Jhope oppa.
"Ohh, saan ang punta mo Angel?" Gulat na tanong ni Taehyung oppa.
"Oo nga, saan ang punta mo eh wala ng tao dun sa tambayan namin." Singit naman ni Jhope oppa. Nagulat naman ako sa sinabi ni oppa. Eh bakit pa ako tinext ng mokong na yun?
"Nagtext kasi sa akin si Kook na pumunta daw ako dun, kaya ito ako." Sagot ko naman sa kanila. Napakunot naman silang dalawa ng kilay nila.
"Pero hinatid ni Kookie si—" Sabi ni Taehyung oppa pero pinigilan siya ni Jhope oppa.
"Wala ng tao dun Angel tsaka kanina pa naka alis si Kookie doon. Akala nga namin pupuntahan ka. Halika na sabay ka na sa amin palabas ng school para maihatid ka nadin namin." Paliwanang ni Jhope hyung.
Hindi ko namang maiwasang mainis at lalong masaktan. Lagot talaga sa akin yung mokong na yun pag nakita ko siya. Ipararamdam ko talaga sa kanya ang kamao ko. Kahit na naiinis ako ay hindi ko pinahalata at sumabay na ako sa kanila ni oppa. Pagdating naman sa may gate ay mas lalo akong nalungkot dahil sa nakita ko.
Si Jungkook na masayang kausap ang isang babaeng ngayon ko lang nakita. Tapos yung tipong para pa silang mag jowang dalawa. Kaya siguro hindi na ako tinext ni Jungkook ng ganun eh kinaya na niya mag isa ang manligaw. Sabagay, hindi naman sa lahat ng oras eh kailangan niya ako at mas lalo namang wala akong karapatan na kailanganin ko siya.
"Ayun si Kookie oh~ Sabi ko sa inyo hinatid niya si noo—" Sabi ni Taehyung oppa pero naputol ulit yun ng dahil kay Jhope oppa.
"Halika na Angel, kami na ang maghahatid sayo." Aya ni Jhope oppa saka ako hinila tsaka si Taehyung oppa sa ibang direksyon.
"Pero hyung— Aray!" Sigaw ni Taehyung oppa. Hindi naman maalis ang tingin ko sa kanila ni Jungkook. Kahit na masakit eh tinititigan ko parin para lang makita yung mga ngiti ni Jungkook na ngayon ko lang din nakita. Hinila na ako ng tuluyan ni Jhope oppa kaya natigil ang pagtitig ko at malungkot kaming naglakad pauwi sa amin. Actually, maingay sila oppa pero hindi ako kumikibo at mukhang naramdaman naman ni Jhope oppa yun kaya naman hindi na niya ako kinausap.
"Ingat kayo sa pag uwi mga oppa." Malumanay kong paalam sa kanila.
"Wag mo ng isipin yun Angel. Sige mukhang uulan na. Ingat ka tapos be ready kasi baka mamaya biglang mag black out, wala ka pa mang kasama ngayon." Nakangiting sabi ni Jhope oppa saka ginulo ang buhok ko. Tuluyan na ngang nagpaalam sila oppa sa akin at ako naman at dumiretso na akong kwarto ko. Napahiga ako sa kama ko at napatingin sa pwesto kung saan nakasabit yung mga pictures na meron ako. Mostly mga picture naming dalawa ni Jungkook yun.
Ikaw din naman kasi Angel eh, akala ko ba tanggap mo kung magkaka girlfriend si Jungkook ng iba? Eh bakit ka umiiyak ngayon? Napabungtong hininga na lang ako at saka pinunasan ang mga luhang tumulo. Ahhhhhh! Itulog ko na lang ito, tamang tama umuulan at masarap matulog. I hate you mokong! Dahil sayo kaya ako nagkakaganito. Nakatulog na lang ako na siya ang nasa isip ko.
BINABASA MO ANG
BTS Tagalog ONESHOTS
FanfictionBANGTAN tagalog oneshots :D [ The book is under heavy editing because my cringy self can't take it anymore. 😂]