Bat naman ngayon ko pa siya makakasalubong. Ang laki laki ng campus dito pa siya dumaan eh dun pa sa kabilang building yung room nila.
"Hyung, sino ba hinahanap natin dito?" Tanong ni Jungkook na kanina pa iritang irita.
"Basta... Sandali lang naman eh." Sagot naman ni Yoongi.
"Hyung, si Riel ba hanap mo? Lakas na talaga ng tama mo sa kanya." Nakangising sabi ni Jimin.
"Tss! Tumahimik nga kayo. Sige na balik na tayo sa room, mukhang wala naman siya dito." Huling sabi ni Yoongi tsaka sila umalis na barkada.Rinig ko parin ang tukso nila kay Yoongi habang papalayo sila. Napabungtong hininga na lang ako dahil sa naiwasan ko siya. Di ko ba alam kung bakit palagi ko na lang siya nakakasalubong o mismong siya talaga naghahanap sakin.
"Hoy!" Sigaw ng pamilyar na boses ng lalaki sa likod ko.
Napatayo naman ako at napasigaw dahil sa gulat. "Ay kabayo!" Sigaw ko.
"Di ako si Hobi hyung Riel." Nakangiting sabi ni Hobi.
"V naman eh bat kaba nanggugulat"
"Eh bat ka ba kasi nagtatago dyan? Kulang na lang maging pader ka narin."
"Yung barkada mo kasi eh."
"Eh? Wait... Punta tayong canteen kasi kanina pa ako nagugutom kakahanap din sayo." Aya niya saka ako hinila papuntang canteen.Ayun kinaladkad talaga ako ni V papuntang canteen. Nang makabili na akmi ng pagkain ay doon kami umupo kung saan umuupo ang Bangtan. Buti na lang at si V lang free sa kanila kung lahat sila siguro baka himatayin ako, gwapo kasi ang Bangtan. Haha
"Bakit mo ba kasi iniiwasan si Yoongi hyung?" Tanong ni V na hindi man lang inalis ang mga tingin sa pagkain niya. Tss! Kala mo isang linggong hindi kumain to.
"Eh... Basta! Tsaka tropa mo yun eh baka sabihin mo sa kanya no." Sagot ko naman.
"Haha. Trustworthy kaya ako Riel. Siguro may gusto ka kay Yoongi hyung no?"
"G-Gusto? Tss!" Sabi ko saka yumuko dahil sa pamumula ng pisngi ko.
"Wooohh.. Deny pa Riel. Gusto mo tulungan kita para malaman mo kung may gusto si Yoongi hyung sayo?"
"Tokwa ka! Iniiwasan ko na nga siya kasi alam ko wala siyang gusto sakin. Di ko lang alam kung bakit niya ako hinahanap."
"So may gusto ka nga kay Yoongi hyung. "
"Oo na. May Gusto ako sa kanya, matagal na." Malungkot kong sabi. Matagal na nga simula nung naging magkaibigan kami pero hindi ako nagsalita o nagsabi man lang kasi alam ko kung paano niya pinapahalagahan ang pagkakaibigan. Kung di lang talaga nangyari yung aksidenteng yun eh, di ko sana siya iiwasan."Nice siguro may nangyari sa inyo ni Yoongi hyung na di namin alam. Riel ngiti ka lang ha." Sabi ni V saka niya pinunasan ang mga labi ko at ngumiti ng pagkasweet. Anu kaya problema nitong abnormal na to? Di ko naman napigilang tumawa dahil sa itsura ni V. Di naman tumigil si V sa pagiging sweet at pagpapatawa sakin. Nababaliw na ata tong abnong to.
"Ayan! Confirmed na Riel so goodluck na lang pagnakasalubong si Yoongi hyung ha." Nakangiting sabi ni V.
"Eh? Nababaliw ka naman V."
"Di ako nababaliw. Tinulungan lang kita. Sige una na ako kasi may klase pa ako. Uulitin ko, goodluck Riel." Huli niyang sabi sabay umalis at iniwan ako. Di ko parin gets kung para saan yung goodluck na yun.Nang matapos akong kumain ay dumiretso na rin ako sa room ko. Habang naglalakad sa hallway ay bigla namang humila sakin papasok sa isang room. Dahil sa madilim din sa room kaya di ko nakita kung sino ang humablot sakin. Naramdaman ko yung taong may hawak sakin na tinulak ako at napasandig ako sa pader. Sa sobrang gulat ay hindi ako makapagsalita.
"Alam mo nakakaiinis ka na." Mariin na bulong ng lalaki sakin.
"Y-Yoongi?" Kinakabahang kong sabi. Naku naloko na. Ito ba yung sinasabi ni V na goodluck?
"One and only." Nakangisi niyang sabi. "Anu bang kulang sakin Rie?" Tanong niya.
"A-Ah. Anu bang sinasabi mo?"
"Bat mo ba ako iniiwasan Rie? Simula nung hi--"
"Waiiiitttt!" Sigaw ko dahil bumalik na naman ang alaala kung bakit ko iniwasan si Yoongi.
"Rie, bat ba ayaw mong maniwala na hindi aksidente yun. Sinadya ko yun."
"Y-Yoongi. Imposible."
"Imposible na magkagusto ako sayo? Rie, matagal na akong may gusto sayo pero hindi ako makahanap ng pagkakataon na umamin."Ang sarap pa lang pakinggan na marinig sa mga labi niya ang mga naririnig ko ngayon. Pero hindi parin ako naniniwala dahil napaka imposible na magkagusto siya sakin.
"Pero bakit mo ginawa yun?"
"Nung araw na yun dapat dun ako aamin... Pero Rie.. Ang ganda mo kasi nun kaya di ko naiwasang halikan ka. Patawarin mo ako kung nagawa ko yun kasi hindi ko kayang iniiwasan mo ako ngayon." Sabi niya sabay yakap sakin. Madilim parin sa room pero kitang kita ko sa mukha ni Yoongi na seryoso siya. "Kanina nakita kita kasama si V. Putspa! Nagselos ako, alam mo ba yun? Sana ako yung nasa lugar ni V. Aish! Basta nagseselos ako!" Galit niyang sabi.Tokwa talaga yung abnormal na yun. Kaya pala sabi niya tinulungan niya ako. Pasasalamatan ko siya mamaya. My ghad! Sobrang saya ko naman ngayon.
"Yoongi?" Tawag ko sa kanya na hindi parin ako pinapakawalan.
"Ne?"
"Alam mo bang first kiss ko yun?"
"Alam ko." Sabay higpit ng yakap sakin. Kumalas naman ako sa pagkakayakap niya at saka siya binatukan.
"Tokwa ka! Panindigan mo yun. Tss!" Sabi ko sabay sinamaan ko siya ng tingin.Napatawa na lang siya at saka ako yinakap ulit.
"Araso, my yeong won hi."
The best feeling in the world is kissing someone for the first time when you've really wanted to kiss them for a long time. I guess that's the feeling the both of us experienced.
end
what do you think? OKAY or LAME?
LIKE, COMMENT and REQUEST
BINABASA MO ANG
BTS Tagalog ONESHOTS
FanfictionBANGTAN tagalog oneshots :D [ The book is under heavy editing because my cringy self can't take it anymore. 😂]