"Patingin nga kasi. Siguro may mga picture ka ng mga anu no?" Pagpipilit ko kay Hoseok."Bakit ba kasi gusto mong makita? Tsaka sakin tong camera kaya mas may karapatan akong hindi ipakita sayo." Inis na sabi niya at saka tumayo at umalis.
"Ito naman! May tinatago ka nga at malalaman ko din." Pang asar na sabi ko sa kanya habang tinitignang siay papalayo. "Sana nga tama yung sinabi sakin ni Taehyung na ako ang laman ng camera mo." Malungkot ko na sabi sa akong sarili.
Bat ba kasi ako na inlove sa isang lalaki na halos ituring akong isang hangin lamang. Ang masakit pa dun, si Hoseok ay boyfriend ko. Talaga naman Yera, andami kayang nag papapansin sayo dito sa school pero yung cold na Hoseok pa ang nagustuhan mo. Napatayo na lang ako at dumiretso na sa room namin. Habang palabas ng school ay nakasalubong ko si Taehyung at napansin niya na malungkot ako.
"Anyare? Nakita mo ba?" Bungad niya na tanong sakin. Napatigil naman ako at saka siya tinitigan. Minsan naiisip ko na sana si Taehyung na lang nagustuhan ko baka sakaling mas bibigyan niya pa ako ng pansin at halaga.
"Wala. Ayaw niyang ipakita sakin." Malungkot ko na sabi.
"Yera~ Yaan mo ipapakita din ni hyung yun. Baka may surprise sayo kaya ayaw ipakita." Nakangiting sabi niya.
"Ewan. Napapansin ko kasi na mga nitong nakaraang araw, hindi na niya ako pinapansin. Mas lumala siya nga ngayon Taehyung." Maluha luha kong sabi. Bigla naman akong hinila ni Taehyung at niyakap.
"Yera~ Sige lang at iiyak mo sakin. Pasasalamatan mo din ako pagkatapos nito." Sabi ni Teahyung at niyakap ako ng mahigpit. Saka naman ako umiyak ng tulyan sa piling ni Taehyung at nasa isip kung bakit ko siya pasasalamatan.
Mas lumala nga si Hoseok ngayon. Nung una masaya ako dahil sa hindi ko akalain na liligawan niya ako. Isa si Hoseok sa mga estudyante na nag aaral pero kadalasan walang paki sa paligid niya. Pero may paki siya sa mga kaibigan niya at sakin noon pero ngayon pakiramdam ko sa mga kaibigan niya lang siya may paki. Hindi ko siya matanong dahil sa takot akong baka hindi na niya ako mahal at makipag hiwalay siya sakin ng tuluyan. Ngayon hindi ko na kaya dahil nga sa hindi na siya sweet at kung ituring ako ay parang invisible. Nagpatuloy lang ako sa pag iyak at dinamayan ako ni Taehyung. Nagpasalamat ako kay Teahyung sa pagdamay niya sakin. Siya narin ang naghatid sakin pauwi dahil sa nauna na si Yoongi. Nang makarating kami sa bahay ay nakita kong nag aabang sa labas si Hoseok at mukhang mainit ang ulo.
"Sige Yera~ Mauna na ako at nandito naman na si hyung." Pagpapaalam ni Taehyung at saka ako niyakap. Hindi naman ako naka react dahil mabilis lag pagyakap ni Taehyung at dali dlai siyang umalis. Napabaling naman ako kay Hoseok pagkaalis ni Taehyung.
"May kailangan ka ba?" Tanong ko sa kanya."Bat ang tagal mong dumating? Anung ginawa niyo ni Teahyung?" Kalmado niyang tanong pero ramdam na ramdam ko ang galit galing sa kanya.
"Nag usap lang kami. May sasabihin ka pa ba?"
"Sigurado kang usap lang yun? Baka naman mamaya..."
"So may paki ka na pala?" Biglaan kong nasabi. nagulat naman si Hoseok sa sinabi ko at mas lalong nagalit.
"Dahil ba to sa camera ko? Pasensiya alam mo naman diba na hindi ako ganun ka expressive. Kala ko ba naiintindihan mo?"
Di ko naman na maiwasang mapaluha ulit. "Naiinitindihan ko! Pero.. pakiramdam ko nawawala ka na. Pakiramdam ko.. hindi mo na ako mahal." Inis na sabi ko at humagulgol ng tuluyan. Naramdaman ko na bigla niya akong niyakap.
"Please Yera wag kang umiyak. Di ko gusto na nasasaktan ka." Sabi niya saka pinilit akong tumingin sa kanya. "Patawarin mo ako kung hindi na kita napapansin nitong mga nakaraang araw. Patawarin mo ako kung yan na ang naiisip mo. Pero hindi totoo yan. Mahal na mahal parin kita Yera." Sabi niya sakin at saka hinalikan ako sa noo.
"Pero bakit ba ayaw mo ipakita yung laman ng camera mo? Tapos galit ka pa kanina?" Humuhikbi kong tanong.
Napangiti naman siya at saka bumitaw sakin. Binuksan niya ang bag niya at may kunuhang malaking libro at saka inaabot sa akin. "Happy anniversary mahal ko. Hindi ko pa kasi tapos yang memory book kaya hindi ko pa pwedeng ipakita yung laman ng camera." Nakangiting sabi niya.
Kinuha ko ang libro at binuksan. Napaluha ulit ako dahil puro picture ko ang nasa loob ng libro. Mga stolen shots ko at mga picture naming dalawa. May kasama pang mga maiikling message niya sakin. "Pasensiya na ulit ha. Hindi talaga ako marunong magpahayg ng damdamin ko pero wag kang mag alala susubukan kong maging sweet at maalahanin na boyfriend para sayo. Wag mo na sanang iisipin na hindi kita mahal at wag ka na sanang iiyak sa ibang lalaki." Sabi niya. Napatitig naman ako sa kanya dahil sa hindi ko maintindihan yung sinabi niya. "Hinintay kita sa labas ng school at nakita ko na niyakap ka ni Taehyung at umiyak ka sa kanya." Sabi niya.
"Yun pala ibig sabihin niya... Opo. Hinding hindi ko na po uulitin yun kahit kailan." Sabi ko.
"Ipapasok ko to sa pesbuk.. Ate, si Jaja oh! Pinalo ako sa likod."
"Eh kasi si Ate Joyce ayaw akong isali.."
"Nag- aanu lang ako dito, pa epal. Mawala ka na, mawala ka na." Umiiyak na sabi ni Joyce habang hawak ang cellphone.
"Bleeeeh~" Sabi naman ni Jaja saka siya hinabol ni Joyce sa inis papasok ng bahay.
Nakatingin lang kami ni Hooseok sa dalawa at saka tumawa.
"I love you Yera."
"I love you too." Sabi ko at saka niya ako hinalikan sa labi.
😱End😱
what do you think? OKAY or LAME?
hope you all enjoy it :D 😘
BINABASA MO ANG
BTS Tagalog ONESHOTS
FanfictionBANGTAN tagalog oneshots :D [ The book is under heavy editing because my cringy self can't take it anymore. 😂]