THAT RUMOR - JIN 💜 NIYOUNG

275 7 0
                                    

"Beeeeeeeeeesssssss~" Malakas na sigaw ni Sunhye [A/N: Ako po yan. Hehe. La lang sali lang me. ] dahilan para mapatigil ako sa paglalakad. Bigla naman niya akong inakbayan ng maabutan niya ako at niyakap ng mahigpit.

"Anyare sayo Yoonhee at mukhang excited ka na naman? May nangyari ba?" Tanong ko sa kanya habang siya ay nakayakap padin sakin. Kumalas siya sa pagkakayakap sakin at saka nagtatatalon ng parang bulateng binudburan ng asin.

"Yung pinsan mo napansin na din ako sa wakas Niyoung! Nagkasalubong kami sa hallway tapos nagtama yung mga tingin namin tapos ningitian niya ako. Waaaah!" Masaya niyang sabi sakin. So si kuya Yoongi pala ang dahilan ng kasiyahan nitong babae nato. -_-

"Napansin ka din sa wakas ni kuya pero panansin ka nga ba? Diba dapat nakausap mo or basta ano, ewan."

"Yah!" Sigaw niya sabay palo sakin ng mahina. "Support mo na lang tong kasiyahan ko bes~ Tsaka kasama niya din kasi sila Jin oppa kaya di rin niya siguro ako makakausap."

"Ah yung baklang Jin na yon tapos yung mga weird na katropa ni kuya?"

"Besssss naman eh~ Hindi nga bakla si Jin oppa! Last year ka pa ganyan kay oppa."

"Kasi naman bes, ni wala akong narinig na may niligawan yang oppa mo. Kaya nga sinukuan ko na yung feelings ko sa kanya eh." Sabi ko at nanlaki ang mata ko ng marealize ko ang sinabi ko. Napatingin namna ako kay Sunhye at tinignan kung narinig niya ba ang sinabi ko. Nakita ko namna siya na sobrang shock sa sinabi ko.

"Sabi na eh! May gusto ka nga sa kanya! Ganito na lang bes, magpustahan na lang tayo. Pag hindi bakla si Jin oppa, tutulungan mo akong mapalapit kay Yoongi oppa pero kung bakla nga siya tulad ng sinasabi mo, magiging slave mo ako for one week. So ano bes? Deal?" Sabi niya saka niya inabot ang kamay niya sakin. Nakipagkamay naman ako sa kanya tanda na gusto ko din ang deal na niya. Napangisi na lang ako tahimik na pinaplano kung paano ko mapapaamin si Jin na bakla nga siya.

Nang matapos ang araw ng klase namin ay excited na akong umuwi sa bahay at planuhin ng maayos ang aking gagawin para sa deal namin ni Sunhye. Pagdating ko sa bahay ay dumiretso agad ako sa kwarto ko at kinuha ang scrapbook ko. Well, since nasabi ko na naman na kay Sunhye na nagkagusto nga ako kay Jin, panahon nadin siguro para ishare ko tong scrapbook kay Sunhye.

Itong scrapbook ko ay laman ang mga picture na ninakaw ko ng patago pag nakikita ko si Jin. Simula noong first year pa lang ako at nung una ko siyang makita ay ang nasabi ko lang ay bakit ang ganda niya. Haha. Joke! Na love at first sight ako sa kanya at simula noon naging stalker na niya ako. Matanda siya ng isang taon sakin katulad nila kuya Yoongi. Kasama siya sa grupong Bangtan at sikat sila sa school dahil sa gwapo na sobrang gentleman pa. Umabot ata ng isang taon ang pagiging stalker ko hanggang sa makarinig ako ng isang rumor sa school. Maraming nagsasabi na bakla daw siya dahil ni isang babe wala pa siyang niligawan at palagi yung Bnagtan ang kasama niya.

Napabaling ulit ang attensyon ko sa scrapbook at napatawa dahil sa kabaliwan ko sa kanya noon. Kung tutuusin hindi pa nawawala ang nararamdaman ko sa kanya pero syempre di ko din alam kung totoo ba yung rumor na yun. So ayun at ang naisip ko ay ang makipag kaibigan sa kanya para mas lalo ko siyang mahuli. Hanggang sa pagtulog ko ay ang plano ko parin ang nasa isip ko at natulog ng nakangiti.

Kinabukasan ay sinimulan ko ang plano ko. Nang magkaroon kami ng vacant subject ay agad kong hinanap si Jin, nakita ko naman siyang nakatambay sa mini garden ng school kasama si Namjoon at mukhang seryoso ang usapan nila. Agad kung kinuha ang camera ko at tahimik na piniktyuran silang dalawa. Nanlaki naman ang mata ko ng hawakan naman ni Namjoon ang mukha ni Jin at bigla namang nahiya si Jin. Lumapit ako ng maigi sa kanila para marinig ko ang pinag uusapan nila at makakuha nadin ako ng magandang picture. Pero sa unti unti kong paglapit ay unti unti ko ding nararamdaman ang sakit dahil nadin sa dahilan na, kung mapapatunayan ko nga na bakla si Jin ay wala na akong pag asa para sa kanya.

BTS Tagalog ONESHOTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon