Jin POV:
Katahimikan
Dilim
Mag isa
Pamilyar na boses
Ang pag alis niya
Isang aksidente
Sigaw
Nagising ako sa isang masamang panaginip. Isang panaginip na ikinakatakot kong mangyari. Pawisan ako ng bumangon ako sa kama. Dali dali akong lumabas ng kwarto para hanapin si Doyeon.
"Doyeon-nah?"
"Doyeon-nah?" Paulit ulit kong tawag sa pangalan niya.
Nagsimula na akong kabahan na baka nangyari na nga ang masamang panaginip na yun. Halos maikot ko na ang buong bahay ko kakahanap sa kanya pero ni anino niya ay hindi ko mahagilap. Bumalik ako ulit sa kwarto para kunin ang cellphone ko at humingi na ng tulong sa iba.
"Oh gising ka na pala?" Sabi ng pamilyar na boses sa likuran ko habang hinahanap ko ang cellphone ko. Dahan dahan akong humarap sa kanya at saka dumiretso sa kanya para yakapin siya. "Oh anong problema? Nanaginip ka na naman ng masama no?" Tanong niya habang yakap ko siya. Napatango na lang ako at naramdaman ko naman na niyakap niya din ako. "Okay lang yan Jin, masamang panaginip lang yun at magagawa mo ding lagpasan yun." Dagdag niya.
"Saan ka ba nanggaling? Bakit wala ka sa tabi ko paggising ko?" Tanong ko sa kanya. Napatingin naman siya sa akin at ngumiti.
"Nandito lang ako, nagpanic ka kasi agad kaya akala mo eh wala ako." Sagot niya saka siya kumalas sa pagkakayakap ko.
"Halika na, pinaghanda na kita ng almusal. Kain na tayo." Hila niya sa akin papunta sa kusina.
Pagdating namin sa kusina ay naupo na kami at nagsimulang kumain. Habang kumakain ako ay ramdam ko naman ang pagtitig niya sa akin.
"Bakit di ka kumakain? Apple nga lang gusto mong kainin sa umaga hindi mo kinakain?" Tanong ko sa kanya sabay turo ng nagiisang mansanas na nasa harapan niya. Ngumiti siya at saka kinuha ang apple pero bago pa niya makagat ay nalaglag ito. Pagkalaglag ng mansanas ay saka naman ako nakarinig ng isang matinis na tunog dahilan din para mabitawan ko ang kutsara ko at mahulog din.
"Talaga naman. Mukhang tapos ka na kumain. Ako na lang maglilinis nito. Tsaka kukuha na lang ako ulit ng apple para kainin." Sabi niya saka niya ako tinulak para malinis na niya ang table. Dumiretso na lang ako sa sala para manood ng tv.
Masaya akong nanonood ng tv ng makarinig ako ng malakas na kaluskos sa kusina. Napatingin naman ako sa pwesto sa kusina.
"Doyeon-nah? Okay ka lang ba diyan? Ayaw mo kasing magpatulong baka nakabasag ka ulit ng pinggan!" Sigaw ko. Nang mga ilang minuto pa ng wala akong narinig ay tatayo na sana ako para puntahan siya.
"Saan ka pupunta?" Tanong niya sa akin. Napalingon naman ako sa kanya.
"Anong nangyari sayo dun sa kusina? Tignan mo nga oh, nasugatan ka na naman." Sabi ko saka siya hinila para maupo. Kinuha ko naman ang first aid para gamutin ang sugat niya.
"Nag mature ka na mahal ko. Dati ako lang gumagamot sa sugat mo ngayon ako na ang ginagamot mo." Malambing niyang sabi. Tumingin ako sa kanya at nagtaka.
"Doyeon-nah. Anong mayroon at madalas ka na atang ngumingiti ngayon? Simula nung nangyari sayo na aksidente halos hindi ka mangiti nun." Bahagya kong tanong habang bumalik para tapusin ang paggamot sa sugat niya.
"Kasi masaya ako na malapit ka ng magising."
"Magising?"
"Basta masaya ako kaya sana masaya ka din ha."

BINABASA MO ANG
BTS Tagalog ONESHOTS
FanfictionBANGTAN tagalog oneshots :D [ The book is under heavy editing because my cringy self can't take it anymore. 😂]