MY LOVE - JIMIN 💜 HYUN AE

269 11 0
                                    

"Did he even care about that?" Inis na sabi ni Jungkook habang nakatingin sakin.

"Nope. Ni hindi nga niya alam at wala akong balak sabihin sa kanya." Sagot ko.

"Di ko alam kung anong nakita mo sa kanya para gawin mo yun. Using our parents para lang ma arrange marriage kayo then yan. The hell Hyun Ae!" Sigaw niya.

"Jungkook please stop! I know what I have done at alam ko din ang kalalabasan nito. Tsaka andito naman na kami eh. Kaya ko namang mag antay na mahalin niya ako."

"Kayang maghintay?! Paano kung hindi dumating yang sinasabi mo? Paano kung makipag divorce siya sayo? Anong gagawin mo?"

"Saka ko na iisipin pag andun na ako. Pwede ba Jungkook nakaka stress na ha."

"Yan tignan mo, kung hindi pa kita pinilit hindi mo pa sasabihin sa akin yang kalagayan mo ngayon. Natural kambal mo ako at may karapatang akong mag alala para sayo. Pwede bang itigil mo na lang yan? Piliin mo ang sarili mo." Pag mamakaawa niya sakin. Ngumiti na lang ako sa kanya.

"Edi naging masamang tao naman ako nun. Blessing to kahit hindi ko piliin ang sarili ko Jungkook. Wag kang nang mag-alala kasi aalagaan ko ang sarili ko."

"Tss! Di ko na alam ang gagawin ko sayo Hyun Ae. Kailan mo balak sabihin kay Jimin yan?"

"Wala nga akong balak sabihin. Halika ka na nga at kumain na tayo. Kanina pa tayo nakatambay dito sa clinic." Yaya ko saka kami umalis. Sa buong araw na yun ay magkasama kami ni Jungkook at ni libre niya ako kung saan man kami pupunta. Alam kong grabe ang pag aalala niya kahit hindi niya ipakita, ganon nga siguro yung koneksyon ng mga kambal. Hinatid din niya ako hanggang sa bahay ko at siniguradong okay ako.
Pagpasok ko sa bahay ay halatang hindi parin umuuwi si Jimin. Hindi bukas ang ilaw at ganon parion ang itsura ng bahay simula nung pag alis ko. Siguradong nagpapakasaya siya ulit at walang balak umuwi ngayon. Di ko naman naiwasang mapaluha. Kahit sobrang sakit na ng ginagawa niya sakin hindi parin nawawala ang pagmamahal ko sa knya. Nakakatawa nga dahil sinasabihan na ako ng kaibigan ko na baliw pero wala parin akong pakialam.

It's been a year simula nang makasal kami. It was an arranged marriage. Jungkook was right, ginamit ko ang parents namin para makasal kami. Jimin's company got bankrupt at lumapit sila samin para humingi ng tulong pero ang kapalit ay ang makasal siya sakin. Noong una ay grabe ang galit niya dahil sa kondesyon nila papa pero ng magkita kami bigla siyang pumayag. Akala ko nga nagustuhan niya ako pero yun pala dahil sa sabi niya mukha daw akong mabait at madaling lokohin.

Nagpasya na lang akong matulog at hindi na siya hintayin tutal bukas pa naman siya uuwi. Habang nakahiga ako ay hindi ko maiwasang isipin kung what if mahal talaga niya ako, hindi sana ako nasasaktan ng ganito. Ang akala ng marami masaya kami pero kasinungalingan lang yun. May mga arw na naguusap kami pero purong business lang at may mga araw na halos invisible kaming dalawa sa isa't isa.

"Baby~ Pasensiya na ha. Pasensiya na kung hindi ka maalagaan ng tatay mo. Ni hindi nga niya naalala kung paano ka nabuo." Sabi ko habang hinahaplos ang tiyan ko. Three months na akong buntis at wala akong balak sabihin kay Jimin. Noong nakaraan unuwi siyang sobrang lasing at dahil ako ang asawa niya, may nangyari samin. Ang sakit lang dahil hidni yung love kung di rape ang nangyari. Kahit na ganun ang nangyari, kinalimutan ko na na lang at nanatili sa tabi niya. Baliw na nga siguro ako pero anong magagawa ko, mahal ko siya. Nakatulog ako na yun ang iniisip.

Kinabukasan, pag gising ko ay naramdaman ko siya sa tabi ko at yakap ako. May mga araw na ganito siya sakin at nilulubos ko yun. Dinamdam ko ang yakap niya at tinitigan ang mukha niya. Palaging ginagawa to lalo na pag tulog siya kais yun lang naman ang time natitigan ko ang mukha niya. Pagkatapos ay bumangon na ako at naghanda ng almusal niya dahil paniguradong papasok siya.

BTS Tagalog ONESHOTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon