Swaein as herself
Taehyung as TylerYoongi as Yosef
Jimin as Jared
Jungkook as Jedd
Namjoon as Nick
Hoseok as Harvey
Seokjin as Jay
"Swaien!" Sigaw sakin ni Tyler bestfriend ko.
"Bakit abno?" Sigaw ko naman.
"Maawa ka sa pagkain. Kanina pa mo yan dinodouble kill. Fried chicken lumaban ka, jebal!" Sabi niya habang kinakausap yung fried chicken na ulam ko. "Bakit ba kasi beast mode ka?" Tanong niya.
"Yung project kasi ni sir eh. Kakabanas!" Sagot ko. "Kagrupo ko si Yosef!"
"Ano ngayon? Diba magkaibigan na kayo pagkatapos nung break up niyo. Lakas talaga ng tama mo kay Gluta boy ha. Kailan kaya ako makakahanap ng katulad niyang sayo?"
"Oo alam ko pero ayoko lang ng mga tsismis. Futspa ka bes! Hindi ka naman naghahanap. Gusto mo tulungan na lang kitang maghanap. Marami akong kilalang chix." Nakangiting sabi ko sa kanya.
"Chix? Ayoko nga baka magalit pa sakin yung nanay nilang manok. Tsaka may nagugustuhan na ako." Tokwa to nagawa pang mag joke.
"Weh! Di nga? Sino bes? Bakit di mo pinapakilala sakin yan?" Sunod sunod kong tanong sa kanya.
"Secret."
Boset talaga tong bestfriend ko. Daming kalokohang nalalaman. Pero na curious talaga ako kung sino yung nagugustuhan niya kasi sa tinagal tagal na naming magkaibigan, ngayon lang siya nagsabi na may nagugustuhan na siya.
"Pero bes, sino nga? Maganda ba? Mas maganda pa kay Jay na classmate natin? Hahah!" Kulit ko kay Tyler.
"Hahaha! Si Jay hyung? Di ko alam kung sino mas maganda." Simpleng sagot niya. "Bago mo ako tanungin niyang mga yan. Ikaw, nakapag move on ka na ba talaga?" Tanong niya.
"Takte naman eh! Paalala mo pa! Naka move on na ako." Sagot ko.
"Sabagay mahirap kalimutan yung first love at first boyfriend mo tapos first heartbreak mo. Aray talaga! Tapos hindi mo sinsabi sakin kung bakit kayo nag break ni Yosef. Pero Sway, move on ka na. Ayoko ko kasi na makita ka ulit na miserable. Pag nakita natin yung Yosef na yon ngayon, ilalayo kita ha." Sabi niya.
"Sweet talaga ni bes! Ang palad nung nagugustuhan mo." Sabi ko habang pinagpapalo ang braso ni Tyler.
Sino ba namang hindi papalarin kung magiging boyfriend niya si Tyler. Bukod sa sweet na gentleman pa, may pagka kulit nga lang. Sana nga siya na lang naging first boyfriend ko. Simula nung mga bata pa kami may gusto na ako sa kanya pero hindi ko inamin dahil ayokong masira yung friendship namin hanggang nagkagusto ako kay Yosef. Hindi ko talaga sinabi yung dahilan ng break up namin ni Yosef kasi siya ang dahilan. Nung una seryoso kami ni Yosef sa relationship namin pero ng tumagal pareho kaming naging cold sa isa't isa. Dun namin na realise na may mas mahal kaming iba, kaya nag decide kami na mag break na lang. Yung gf niya ngayon yun yung gusto niya, tapos ako naman si Tyler. Pero ngayon mukhang wala na akong pag-asa dahil may iba ng nagugustuhan si Tyler. Habang nakaupo kami sa tinatambayan namin ay may lumapit samin.
"Swaien, kamusta?" Tanong ni Yosef at kasama niya yung girlfriend niya.
"Okay lang siya. Sige alis na kami. Yung tungkol sa project, sa school niyo na pag usapan. Sige men!" Sabi ni Tyler at mukha pang galit sabay hila sakin.
"Bakit ka naman ganun kay Yosef?" Tanong ko sa kanya habang naglalakad kami at sobrang higpit ng hawak niya sa kamay ko.
"Kinakampihan mo ba siya? Diba sabi ko ilalayo kita sa kanya." Sagot niya.
"Hindi naman pero hindi kasi maganda yung ginawa mo. Nagtatanong lang naman yung tao."
"Ewan ko sayo Swaien! Kinakampihan mo pa siya. Ayaw lang kitang masaktan kahit sabi mo na naka move on ka na. Matagal na kitang kilala so alam ko kung nasasaktan ka." Sigaw niya. "Pwede ba na ako na lang kasi pangako ko sayo hindi kita sasaktan kahit kailan. Galit na galit ako sa sarili ko na hindi kita na protektahan sa Yosef na yun. Aish! Dapat pala nung una pa lang sinabi ko na sayo na gusto kita para hindi mo na naranasang masaktan. I'm sorry Swaien." Malungkot na sabi niya at hinihintay niya yung reaksyon ko.
Hindi ko namang napigilang tumawa ng malakas at habang tumatawa ako ay lumapit ako sa kanya at saka ko siya niyakap. Siya naman ay nakatingin sakin na para akong nabaliw.
"Totoo ba lahat nung sinabi mo ha? May gusto ka sakin?" Nakangiting kong tanong.
Hindi parin sumagot si Tyler dahil confused parin ito. "Ikaw ang dahilan kung bakit ako nakipag break kay Yosef. Na realise ko na mas mahal ko yung abnormal kong bestfreind. Sorry kung ngayon ko lang na realise ha. Sorry din kung nasaktan kita. Gusto din kita Tyler." Sabi ko sabay hinigpatan ko ang yakap ko sa kanya. Naramdaman ko naman ang pagyakap din sakin ni Tyler."Sorry din kung late na ako nagtapat sayo. Katulad ng sinabi ko kanina, hinding hindi kita sasaktan. I'll always protect you my princess."
-
What do you think?
- soulyeiko
BINABASA MO ANG
BTS Tagalog ONESHOTS
FanfictionBANGTAN tagalog oneshots :D [ The book is under heavy editing because my cringy self can't take it anymore. 😂]