Three.

15.1K 196 13
                                    

 Friend is the most important ingredient in this recipe of life.

//Friend//

Sa tatlong araw ko dito, wala akong ginawa kundi magfacebook, twitter, skype at magkulong sa kwarto ko dito. And speaking of kwarto, akala ko naman 2 floor ang pinagawang bahay ni Mommy dito. I didn't know na kasing laki lang ng pinagsamang kwarto namin ni Mikko ang bunggalow na bahay ni Lola dito.

"Pasensya ka na apo, kung maliit dito ha? Mag-isa lang naman kasi ako dito kaya ayoko ng sobrang laki." sabi sakin ni Lola ng makita niyang medyo naiirita ako sa bahay niya.

Naguilty naman ako bigla. Parang masyado akong mapagmalaki. "Okay lang po yun, La." sagot ko at ngumiti.

"Mamamalengke lang ako. Maiwan ka muna dito ha?" tumango ako at agad namang lumabas ng bahay si Lola. Lumabas na din ako dala ang phone ko at umupo sa front porch ng bahay para magpahangin.

I admit. Peaceful dito at hindi polluted, hindi gaya sa Manila. Pero namimiss ko din dun. Namimiss ko yung kwarto ko, si Daddy, Mikko at ang mga kaibigan ko.

At kahit ilang beses ko mang itanggi, namimiss ko din si Mommy.

"Hi!" nagulat ako sa pagbati sakin ng isang babae. Morena, at maganda. "Bago ka dito?"

Imbes na sungitan siya, I found myself smiling at her. "Yeah."

"Wow! Sabi ko na foreigner ka! Maputi, makinis, maganda at inglesera" sabi nito na parang amaze na amaze.

"No- I mean, hindi ako foreigner." pagtanggi ko.

"Weh?! Pero may accent ka!" 

"Ah, nasanay lang but pure pinoy ako, I swear." sabi ko at itinaas pa ang kanang kamay ko.

"Ah! Hahahaha! Ako nga pala si Jolina! Nung unang kita daw kasi sakin ni Nanay, nakangiti daw ako. Sabi niya baka daw jolly ako kaya Jolina!" masaya niyang kwento.

Natawa ako. "Mukha ngang bagay talaga sayo ang pangalang Jolina."

"Hehehe! Ikaw ano pangalan mo?" tanong nito at naupo sa katapat kong upuan.

"Mikki Giselle Dela Rosa." sabi ko at inextend ang kamay ko.

Agad naman niyang tinanggap. "Wow, ang lambot ng kamay mo Mikki! Siguro hindi ka pa nakakahawak ng walis ano?"

"H-hindi pa nga." nahihiya kong sabi.

"Wow! Edi mayaman ka?!"

"H-hindi naman." pagtatanggi ko. I've decided to keep a low profile here. Mas gusto kong maging katulad ng mga tao dito: simple.

"Ahh! Pwede ba kitang tabihan?" Tanong niya sabay turo sa upuan sa tabi ko.

Tumango lang ako bilang sagot.

"Buti may kasama na si Lola dito.. Lagi kasi mag-isa yun dito sa bahay niya." Pagkukwento nito.

When She Falls In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon