Thirty one.

6.2K 111 42
                                    

//Weird//

Sobrang bilis tumakbo ni Blackjack! Naunahan pa nga namin si Gold e. Panay din ang sigaw sakin ni Timothy na dahan-dahan lang pero ang kulit ni Blackjack at patuloy lang sa pagtakbo.

Naramdaman ko ang malamig na hangin na dumampi sa balat ko kaya napapikit ako. Pagdilat ko ay medyo mabagal na ang takbo ni Blackjack at malayo na kami sa pinanggalingan namin.

I leaned forward at hinaplos ang ulo ni Blackjack, "Goodboy Blackjack. Pero, asan tayo?" Bulong ko. Hindi naman nakakatakot dito, maganda nga e. Sobrang daming flowers. Different kinds.

Maya-maya ay tumigil siya kaya dahan-dahan akong bumaba. Hinawakan ko naman ang tali niya at sabay kaming naglakad. Napahinto ako ng may makita akong isang malaking arch at sa taas ay may nakalagay na 'JARDIN DE FLEURS' which is a french word meaning Flower Garden.

At dahil curiosity killed the cat, pumasok kami. I gasped sa nakita ko. Sobrang ganda! Sa loob ay may river at maliit na falls.

"Wow Blackjack! Ang ganda dito!" Mangha kong sabi. Naglakad kami palapit sa puno at itinali ko naman siya dun. Ng tumingala ako ay mas lalo akong namangha dahil sa tree house doon.

Hinanap ko ang hagdan at balak ko na sanang umakyat ng,

"MIKKI GISELLE!!" Nabingi ako sa sigaw ni Timothy. Nakapikit akong lumingon at saktong pagdilat ko ay nakita ko ang umuusok niyang tenga at ilong. "UGH! NAKAKAFRUSTRATE KA HA?! NAG-ALALA AKO! BAKIT ANG BILIS MONG PATAKBUHIN SI BLACKJACK?!!"

I rolled my eyes. "Galit na galit? eto na nga oh, buong-buo po ako."

"UGH!!!" Sigaw niya at napasabunot sa buhok niya. "Pasaway ka talaga!!"

"Tama na po, Mister O.A." Asar ko at tiningala ulit yung tree house. "Nga pala, pwede bang akyatin to?" Tanong ko habang chinecheck ung hagdan.

"Dahil makulit ka kanina, hindi ka pwedeng umakyat diyan." Masungit niyang sabi. Napalingon ako agad at nakita ko ang pag-irap niya.

"Nye nye, whatever." I made face tapos nagsimula ng umakyat.

"Grabe Mikki Giselle! Napaka kulit mo!" Singhal niya. Lumingon ako ng konti at nakitang naka-abang na siya sa baba. Arte rin neto e.

Nagpatuloy lang ako sa pag-akyat. At maya maya ay napahanga kasi ang ganda ng loob ng tree house. May isang room excluded yung sala and kitchen. Yung sala puro cushion at may isang malaking tv.

Ng buksan ko naman yung door e may kwarto with bathroom. Ang ganda! May malaking window sa may ceiling banda at kitang-kita ung langit. Sa baba nito ay may kama. Ng tignan ko yung cr ay baka pwede ko ng tulugan dahil sa sobrang linis. May shower area pa.

Pwede na yata akong tumira dito!

"Amazed?"

I looked at Timothy at inirapan siya. Di kami bati. Tumalikod ako at umupo sa cushion.

When She Falls In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon