//Bribe//
First day of examinations.
Ang exams ko sa first day is puro minor. Si Timotheo lang kasama ko buong araw. At siya din ang kasama ko magreview. Susunod naman sina Jeanie, Zia at Light. Si Jolina tsaka si Fiona, may exam pa kaya baka bukas na lang namin sila makakasa,a.
"Haha! Ikaw ha!" Asar niya at tinusok-tusok ang pisngi ko. "Naging giraffe ka kanina! Haha!"
Tinabig ko ang kamay niya. "Sus! Ikaw nga naging owl e!" Asar ko.
Nakaupo ka o sa cafeteria ngayn. Katabi ko tong unggoy na 'to. Balak sana namin magreview, kaya lang ginutom kami kaya sabi niya hintayin na lang namin yung tatlo. Kitams, nababad influence ako. Tsk.
"Woy, bili mo nga ko iced tea" utos ko kay Timothy.
Sinimangutan niya naman ako. "Yoko! Bumili ka mag-isa mo."
Kusang tumaas ang kilay ko. "Ah ganon?"
"Oo ganon."
"Sayang! Lilibre pa naman-"
Bigla siyang napatayo at naglahad ng kamay. "Amin na pera mo. Bibili na kita."
Napangisi ako habang nakasimangot siya. Kumuha ako ng pera sa wallet ko at inabot sakanya. Nakasimangot parin siyang umalis. Napailing ako habang binubuksan ang notebook ko.
"How's the test?" Napaangat ako ng tingin at nakita ang nakangiting mukha ni Light at ang dalawang babae na naka-evil smile sa likod niya. Umupo sila sa tapat ko.
"Fine." Nakangit ko ding sagot. I don't want Zia and Jeanie to think i'm that affected of what Light said.
"San si Ian?" Tanong ni Jeanie sabay kuha ng chichirya ko.
"Bumili ng iced tea." Sagot ko sabay balik ng tingin ko sa notes ko.
"Bumili.. or pinabili mo?" Nakangising tanong ni Zia.
Napangisi ako. "I bribed him. He bit."
Napangisi silang dalawa ni Jeanie at sabay na umiling. "Ibang klase." Sambit ni Zia.
"Di ko alam kung naniwala siya sa bribe mo or dahil.. may gusto siya sayo." Nakangising sabi ni Jeanie.
Kahit hindi ako umiinom, feeling ko, nabilaukan ako. "The hell?!" Sigaw ko. "What's the freakin connection?!"
Tumango si Zia. Sumasang-ayon sa sinabi ni Jeanie. "The freaking connection is.. kaya ka niya sinusunod e dahil may gusto siya sayo"
I looked at Light and gave him a can-you-believe-them-look but he just continued looking at me. Ibinalik ko ang tingin ko sa dalawa.
"No. The freaking connection is.. kaya siya sumunod dahil PG siya." Mariin kong sabi. "Don't start putting malice between our friendship."
"Woah. Calm down." Nakangisi pading sabi ni Jeanie. She touched her chin as if may naisip siya, "kung ganyan ang reaksyon mo tuwing inaasar ka namin kay Ian, it means hindi mo nga siya gusto."
Nagkatinginan sila ni Zia.
"It means, may iba kang gusto." Dugtong ni Zia sabay sulyap kay Light.
I sighed. "Just stop with this nonsense topic, okay? I don't like anyone." Sabi ko. But it sounds like I'm convincing myself more than I'm convincing them.
"Yet." Dugtong ni Jeanie. Napailing na lang ako.
Napansin kong nanatiling tahimik si Light. Maya-maya lang rin ay dumating na si Timothy. Which made the scene much more awkward.
"Uy! Mga bro!" At nakipag-appear siya sa tatlo. "Musta exam?" Tanong niya at naupo na sa tabi ko. "Oh. Iced tea mo." Abot niya at kinuha ko naman agad.
Bumaling siya sa tatlong katapat namin.
"Ays lang." Sagot ni Jeanie.
"Dali lang." Pagyayabang ni Zia.
Hindi naman sumagot si Light at nanatiling tahimik.
"Hmp, ang daya. Nadalian kayo? Samantalang si Mikki naging giraffe pa kanina.."
Nagpatuloy lang sila sa pagkekwentuhan. Nanatili akong nakatitig sa notes ko. Gusto ko magmukhang busy para hindi nila ko kulitin.
After 30 minutes, I decided na mauna ng umuwi.
Kasabay ng pag tayo ko ay ang pag tayo din ni Timothy. Kunot noo ko siyang tinignan.
"What?" Tanong niya.
"Uh, I should be the one asking you that?" Taas kilay kong sabi.
"Sasama ko. Uuwi ka na, uuwi na ko."
Umiling ako. "No. You can stay here." Sabi ko. Inangat ko ang kamay ko at magwave sakanila. "Una na ko. Byee!"
Nagbabye naman sila at lumabas na ko ng cafeteria.
"Miks! Wait up!" Napalingon ako at nakitang nakasunod pala si Timohy. Ang kulit lang.
I rolled my eyes. "What now?"
"S-sabay na ko." Hinihingal niyang sabi.
"Timothy" buntong hininga ko.
"Please?"
"Honestly Timothy, I just want to be alone. For now." I honestly told him.
Nalungkot ang mukha niya. "Am I bothering you that much?"
. "No! No.. I need this time to think. Please?"
He sighed. "O-okay.."
"Thanks."
He patted my shoulder. "Tell me when you need me."
I smiled. He really is thoughtful. "Sure."
He nodded at bumalik na sa cafeteria.
Naglakad lang ako for a change. Gusto kong mag-isip ng mabuti. Naguguluhan din kasi ako sa sarili kong nararamdaman. I don't even know if I really like.. him. Maybe crush, but not like-like.
Nang makarating ako sa bahay ay dumerecho ako agad sa kwarto ko at hinarap ang laptop ko.
Signs of liking someone.
Wow. I think my idea of liking someone is primitive. Its not even on the list.
Napahinga ako ng malalim. Maybe I don't like.. him. Maybe its just a crush? Gahd. I sound like a highschool student.
I closed my laptop at hinarap ang notes ko. Chemistry ang exam namin bukas. And I don't need and certainly want any more distractions.
------
Hi! Haha! Sorry tagal mag update. Busy sa kaka serie marathon e. Hahahah! Eto na po! Para sa mga Mian diyan hihi! Kinikilig ako habang tinatype ko to. Hihi!
Pm me for dedications. :)
Check my accounts in:
Soundcloud: @msbathroomsinger
Instagram: @livingoodwattpad
Twitter: @insatiatekidComment and Vote. 😘
Dedicated to: gelatiiintan- hi! Thank you sa pagbasa ng stories ko! Sorry kung ngayon lang kita nadedicate! Hehe