'Give it a try.' whispered the heart.
//Sorry//
I'm currently reading 'The Fault In Our Stars' by John Green. I got interested cause it is a good book daw. I glanced at my watch. 10 minutes na pala akong naghihintay dito. Naghihintay kay Light. Oo. Tama ang nababasa niyo. Hinihintay ko nga siya. Bakit? Kasi sasabay daw siya sakin maglunch. Pumayag ako dahil wala din naman akong kasama.
Nauna lang naman ng 15 minutes yung break ko.
"Mikki!" Napalingon ako at nakita ang tumatakbong si Light. He fixed his hair at nagpunas ng pawis. "Tagal ko ba?"
"Slight." Sagot ko dahil wala ako sa mood magsungit ngayon. I closed the book at inilagay sa bag ko.
"Tara na." Aya niya kaya tumayo na ako at nagsimula na kaming maglakad. "At dahil late naman ako, libre na kita." Sabi niya at ngumiti.
I grinned. "Kahit naman hindi ka late, libre mo pa din." At sumimangot naman siya.
"Uy Light!" Sabay kaming napatingin dun sa tumawag. Haha. Nakikilingon lang ako. :P
"Uy Jake pare!" At nagbro fist sila.
"Girlfriend mo?" Tanong nung Jake habang nakatingin sakin. Bigla naman akong inakbayan ni Light.
"Oo. Bakit?" Biglang seryosong tanong nito.
Nagtaas ng kamay ung Jake na parang sumusuko. "Kalma lang." Natatawang sabi nito.
"Back off bro."
"Eto hindi mabiro!" Natatawa pa din siya. "Sige. Una na ko." At tinanguan niya lang ako at umalis na din.
Tinanggal ko ang kamay ni Light sa balikat ko. "What was that?"
"Playboy yun. Sigurado akong kung hindi ko sinabing girlfriend kita, bukas makalawa, liligawan ka na nun." Iritadong sabi nun.
"And... so?"
"W-wala. Ayoko lang magpaligaw ka dun. Kaibigan kita baka saktan ka lang nun."
Napailing na lang ako. "Whatever you say, Castro."
"Tara na nga!" At hinila na niya ako kung saan para kumain.
"Dito?!" Gulat na tanong ko. Hindi ko naman kasi alam na matipid itong taong to at dinala ako sa isang karinderia.
"Oh? Disappointed ka na naman?" Natatawang tanong niya.
"Ewan! Kuripot ka ever!" Irita kong sabi.
"Kapag dinala kita sa mamahaling restaurant, for sure, ubos ang baon ko para sa isang linggo, kaya dito lang. Tsaka, wag ka na magreklamo dahil libre ko to." He said continuously and stucked his tongue out.
"Hmp." Inirapan ko siya at nagpout. "Fine then. Go order."
"Yes boss." Nakangisi niyang sabi at nagsalute pa.
Nangalumbaba ako habang hinhintay siya. Nilibot ko ang tingin ko. Nasa likuran kasi ng school tong karinderia na to e.
Habang inaaliw ko ang sarili ko, something- no- someone caught my eye.
Timothy.
With a girl.
I sighed at parang nakaramdam ng kung anong mabigat sa loob ko.