A day spent with laughter is a day well spent.
//A day in the LIGHT//
It's been a week since Timothy and I fought. I stand by what I say that he shall talk to me when his senses are back. And I think he did, too.
But it feels weird to be alone nowadays, especially when I got used of being with him all the time.
"Oh. Tulala ka na naman." Sita ng bagong kumukulit sakin na si Light. Hindi ko alam pero pag natutulala ako bigla diyang susulpot at iinisin ako.
"Don't talk to me"
He made face. "For the nth time. For the nth time Mikki. That's all I hear you say."
"Then don't listen."
Hindi naman niya ako pinansin at umupo sa katapat kong upuan. "Ano ba problema mo?"
"Nothing." Pagsisinungaling ko.
"Nothing?" Hindi makapaniwalang tanong niya. "Tulala ka na at lahat nothing pa?"
"Magtatanong ka tapos hindi ka maniniwala"
"I know you have a problem. It's written all over your face!"
"Edi basahin mo." Pambabara ko.
Napahilamos siya sa mukha niya. "You're impossible."
"I know"
"Ewan ko sayo." Inis niyang sabi at naglakad papalayo. Tinignan ko lang ang likod niya. Maya maya tumigil siya at lumingon. Tapos lumakad ulit papalapit sakin. "Okay. Fine. You can keep your problem. But just this time, pwedeng sumama ka sakin?"
"Saan mo ko dadalhin?"
Ngumiti siya. "Basta." Tapos inoffer niya yung kamay niya.
"Saan nga?"
"Sa lugar na pansamantalang mawawala ang problema mo" sagot niya.
Reluctantly, I took his hand at agad naman niya akong hinila.
"Wait wait- what?! We're riding.. That?" Sigaw ko sabay turo ng isang big bike.
He smirked. "Yes. We're definitely riding this."
"No way"
"Yes way" at bigla niya kong binuhat at isinakay kahit na nagsisigaw ako.
"What are you doing???!!" Sigaw ko. Ngumiti lang siya at sumakay sa harap.
"Take this" sabay abot sakin ng helmet.
"Anong gagawin ko diyan?"
"Malamang sa malamang, susuotin mo." Sarkastikong sabi niya.
"No."
"Then prepare to die."
"Ugh! Seriously?!" At kinuha ko na yung helmet. "Now what?! You want me to hug you?!"
"Certainly."
"No way!"
"Then you can choose a coffin this early."
"You are so IMPOSSIBLE!!!!" Sigaw ko at yumakap na sakanya. Naramdaman ko naman ang pagtawa niya.
"Leggo" sabi lang niya at pinaharurot na ang motor niya.
I stiffened at first pero naramdaman ko ang pagbagal ng takbo niya kaya maya maya lang ay nakapikit na ko at ninanamnam ang lamig ng simoy ng hangin.