Thirty two.

5.9K 88 6
                                    

//Sooner or later//

Walang nakaalam ng 'date' namin ni Timothy. Well, except kay Fiona. Wala naman talaga akong planong ikwento yun agad agad kayna Jolina. At sigurado naman akong hindi rin naman yun ikekwento ni Timothy, so.. slight secret date siya. LOL.

Pinilit ko na lang isipin na bonding lang namin yun at hindi date. Pag iniisip ko kasi, feeling ko ma-aawkward ako. At iniisip ko pa lang kung anong mangyayari saminag kasama ang barkada, na-aawkward agad ako. Ewan, it feels weird na kabarkada mo ang may gusto sayo.

Anyway, inamin niya lang naman niyang gusto niya ko. Hindi naman niya sinabing ipupursue niya yun. So, I think, everything's cool.

Pagdating ko sa classroom ay wala pa si Timothy. Sakto namang pag-upo ko ay nag-vibrate ang phone ko.

Timothy:

Please tell prof I'll be absent.

Ako:

Huh? Why?

Timothy:

Got some errands to do.

Itatago ko na sana ang phone ko ng magvibrate ulit.

Timothy:

Don't miss me too much, huh. ;)

I rolled my eyes. Feeling talaga forever 'tong lalaking 'to.

I figured na mas mabuting wala siya ngayon ng hindi ako makaramdam ng awkwardness. Baka bukas, mawala narin to.

Mabilis natapos ang klase at dahil tapos na ang exams last week, nagkaroon kami ulit lahat ng free time para magkita-kita.

"San si Ian?" Bungad na tanong ni Zia pagkadating ko. Umupo ako agad sa tabi niya.

"Absent raw. Errands." Simpleng sabi ko. Napansin kong wala si Light. "Si Light?" Taas kilay kong tanong kay Zia.

Nagkibit-balikat lang siya at kumain.

"Ewan namin." Sagot ni Jolina.

Sakto namang nagvibrate ang phone ko.

Light:

Where you at?

Ako:

Where you at, too? Canteen.

Hindi naman siya nagreply.

Ano kayang pinagkakaabalahan ng mga to at wala sila. Hmmm.

"May mga klase pa ba kayo?" Tanong ni Jeanie na kasalukuyang nagsusuklay.

Umiling ako. "Wala na ko. Dalawa lang subjects ko today."

"Wala kaming prof mamaya." Sagot naman ni Zia.

"Wala rin ako." Sagot ni Jolina.

"Mas lalong wala ako! Tamad mga prof ko e." Naiiling na sagot ni Fiona.

"Yun! Timing wala si Ian at Light! Hahahha! Alis tayo!" Aya ni Jeanie. Agad agad niyang itinago ang suklay niya at tumayo. "Ano? Ayaw niyo??"

When She Falls In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon