//Pseudo-date//
Si Fiona lang ang nakakaalam ng err, what should I call this? "Pseudo-date" I guess? Hindi naman niya kinonfirm if date nga 'to. He just said na wear something date-able.
That for pete's sake! I cannot understand.. Geez.
Hindi ko alam, pero kagabi ko pa sinisearch kung anong dapat suotin sa isang pseudo-date. Nakipag-date na ko, hindi ako mangmang dun. Pero harapan naman akong inaya nung lalaki at sinabi niya talagang date. Well, friendly date lang yun but considered na rin yun as date, right?
"Ugh!" Sobrang frustrated na ko. "Bahala na nga!"
Dumirecho ako sa cabinet at naghanap ng damit. Bahala na. Something casual yet formal na lang. Err, ang gulo. Ewan!!
Bat ko ba masyadong pinahihirapan ang sarili ko?! Si Timothy lang naman yun. Hmp. I decided to wear a button down shirt and blue pants. Bahala na. Mukha namang matino na ko.
"Mikki?" Napabalikwas ako ng higa ng marinig ko ang katok ni Lola. Agad kong tinignan ang sarili ko sa salamin. "Hinahanap ka ng kaibigan mo? Si.. Ian?"
Napahinga ako ng malalim. "Susunod na po."
Pinasadahan ko ng tingin ang sarili ko sa salamin. Hindi naman ako mukhang nag-effort at hindi rin mukhang ipinagsawalang-bahala. Good.
Lumabas na ako at agad kong nakita si Timothy na naka short, naka-three fourths at topsider. Tch. Edi siya na.
"Hindi mo naman sinabi na may date pala kayo.." Nakangiting sabi ni Lola.
Tumingin ako kay Lola at umiling, "Hindi naman po 'to date." Sagot ko.
"Date 'to." Seryosong sabi ni Timothy. Napatingin ako sakanya. "Hindi ko ba naclarify kahapon?"
"Fine! Oo na.. Date na." Pagsuko ko. Tumingin ako kay Lola at nagkiss sa cheeks niya. "Bye 'la, balik po ako before 8."
"Before 10." Tinignan ko ng masama si Timothy. "What? Pinagpaalam na kita. At ihahatid naman kita."
"Whatever." Pagsusungit ko. Akala ba niya, bati na kami? Hmp. Manigas siya!
Natawa ng mahina si Lola. "Sige na, ng makabalik ka bago mag 9." Sabi ni Lola. "Ayan, ng hindi kayo mag-away. Bago mag-9, dapat nandito na si Mikki, ha hijo?"
Tumango naman si Timothy at ngumiti. "Sige po 'la."
Ng makalabas kami, ay inunahan ko ng lakad si Timothy. Bahala siya sa buhay niya.
"Hoy!" Sigaw niya pero hindi ko pinansin. "Hoy!!!"
Whatever. Blah blah blah blah..