//Go Back//
Hindi na ako nakapagfocus sa mga nangyayari. Ang dami na ring nagtatanong sakin kung ayos lang ako, kanina pa kasi ko pa-linga linga e. Hinanap ko din si Mikko pero hindi ko naman mahagip ng tingin si Timothy, Light at Jolina. Hindi sila napapatingin sa pwesto ko. Hindi ko rin naman dala ang cellphone ko dahil kailangan iwan sa locker room.
Bumagsak ang balikat ko. I was hoping it was her. Pero mukhang hindi naman. I felt a familiar twitch in my heart.
"Hey." Ani Jeanie. "You okay?"
I slightly nod. Pero hindi ko matago ang disappointment sa mukha ko.
"Magiging okay din yan." Marahan niyang sabi at nginitian ako. "Nandito lang ako Miks, aryt?" Tumango ako. I felt the urge to smile back kahit nahihirapan ako.
Napayuko na lang ako. Not minding the loud crowd. Not minding my co-dancers slapping each others back. Not minding them cheering cause we won.
Napatingala ako kay Jeanie at agad siyang hinampas. "WE WON?!" Nanlalaking matang sabi ko.
Malapad ang ngiti niyang tumango-tango.
At kahit parang sa isang iglap, kahit papano, nawala ang disappointment ko kanina. Kahit papano, napalitan ng saya.
"WAHHH! HARD WORK PAID OFF!!!" Sigaw ko at niyakap ang mga co-dancers ko. "WE WON!!!!"
Nagyakapan kami dun bago kami pumunta sa gitna.
"Congratulations Blue Knights! That was a really fantastic, terrific, and breath-taking performance!" Sabi nung emcee habang inaabot kay Thomas yung trophy.
Nang matanggap niya ang trophy ay inangat niya ito, "Congratulations to us Blue Knights! And to all who made this possible!" Tumingin siya samin at ngumiti. "To my cheerdancers, thank you for working hard! You deserve this!!" Sigaw niya at iniabot samin ang trophy.
Saya. Kahit papano, nakaramdam ako nun.
Tumingin ako sa pwesto nina Timothy, pero wala na sila dun.
After ng picture taking, ng yakapan, at ng kung ano ano pa, I decided na mauna na. Pagpasok ko sa locker room ay nagulat ako dahil nandun silang tatlo.
"Congrats Miks!!" Ani Jolina at mahigpit akong niyakap. "Missed you so much much much!!!!!" At kiniss pa ko sa cheeks.
"Namiss din kita! Sobra!" At niyakap ko siya. "Busay? This saturday?"
"Sureee! Libre mo ha?!"
Tumango ako at natawa.
"Congrats Miks!" Sabi din ni Timothy at niyakap din ako.
"Ay? Gaya gaya kang kay Jolina?" Pang aasar ko. Kumalas agad siya at sumimangot. Nagpeace sign lang naman ako sakanya.
"Congratulations Mikki. You deserved it." Nakangiting sabi ni Light bago ako yakapin.
Nakita ko ang pagpalo ni Jolina kay Timothy at nagbulungan sila. "Ang ganda ng message niya! May you deserved it pa! Bat di natin naisip yun?!"
Natawa ako bago kumalas. "Thanks guys!" Nakunot ang noo ko ng may maalala ako. "Si Mikko?"
Parang nanigas yung tatlo.
"Si MIKKO?"
"Uh," sabi ni Jolina at tumingin kay Timothy.
"Uhm." Sabi naman ni Timothy at tumingin kay Light.