Push your boundaries.
//Basted//
Well, I hate my life. I hate math, I hate biology, I hate filipino and most of all.. I hate english. Nakakabadtrip. Trip talaga ako ng mga teachers na 'to. Lagi na lang ako pinapagalitan.
Kasalanan ko bang nagsespace out ako dahil sa nangyari kanina sa rooftop? Hindi- well.. medyo lang. Pero makatarungan bang ipahiya nila ko sa buong klase? Hmp.
Buti na lang at kasabay ko ngayon kumain si Jolina. Pagka-TTH kasi, sabay kami ng vacant.
"Try mo kasing makinig sa mga teachers mo, at baka hindi ka na pag-initan." suggest ni Jolina. I just glared at her then she laughed. "Nakakatawa ka"
"Never mo talaga ko kakampihan no?" inis kong sabi at lalo lang siyang tumawa.
"Hehe. Pero, kamusta naman kayo ni Ian Timothy Ocampo? Ayiie." pang-aasar nito.
"Pwede ba! Di ko yun type. At wala akong balak magkagusto sa kahit na sino dito."
"Bat naman? Madami namang papables dito ah?" tanong niya habang kumakain ng fries. "At saka, nanotice ko din na maraming patingin tingin sayo."
"Wala. Ayoko lang. Tsaka wala namang gwapo dito no!"
"Eh anong tawag mo sakin?" napalingon ako at nakita ko si Mendoza (Aaron) na nakangiti habang may hawak na tray. "Pa tabi." at umupo siya sa tapat ko.
"Disgusting." sagot ko sa tanong niya.'
"Ouch." pakunwaring nasasaktan na sabi niya. Arte.
"Jerk."
"Haha! Funny. Anyways, Aaron Quinn Mendoza nga pala, magandang binibini." bati niya kay Jolina.
"Jolina." jolly-ng sabi niya. Napailing na lang ako.
"Stop flirting with her. You're not worth her time." I said as I roll my eyes.