Twenty four.

8.2K 118 38
                                    

//Depende//

I sighed.

"Si-"

"Guys! Ready na yung pagkain!" Sigaw ni Jeanie mula sa malayo.

Napa-face palm si Jolina dahil wrong timing si Jeanie at tinapik ang balikat ko. "Sige na. Next time na lang."

"P-pero-"

Nagsimula na kaming maglakad habang nakaakbay siya sakin. "Next time na. Mukhang hindi ka pa ready umamin e."

Napangiti ako. Understanding talaga si Jolina. At totoo, hindi pa din akong handang aminin kahit kanino, kahit sa sarili ko.

"Bat ang tagal niyo?" Tanong ni Timothy. Inabutan niya ako ng paper plate at plastic utensils.

"Wala.. Nagbabad lang sandali." Sabat ni Jolina at kinindatan ako.

Tumabi ako kay Timothy sa lamesa. Siniko ko siya habang naghihintay matapos si Zia na kumuha ng kanin. "Musta bromance niyo?" Pang-aasar ko.

He glared at me pero agad ding napalitan ng ngisi. "Hindi ko alam kung kanino ka nagseselos e. Sakin o kay Light."

I glared at him too. "Asa ka! Sana mabakla ka!"

Bigla niya namang kinuha ang kamay ko at pinilit ikatok sa lamesa. "Tss!" Binitawan niya na ang kamay ko. "Baka magkatotoo!"

Halos maROFL ako sa ginawa niya. "Hahaha! So may posibilidad?!"

Sumimangot siya at nag iwas ng tingin. "Kung hindi lang-"

"Ano kamo?"

"Wala!"

"Psh. Sungiterns." Bulong ko at kinurot siya sa tagiliran.

Natatawa ako kay Timothy. Kasi kahit naiirita sakin, pinagsandukan niya parin ako ng kanin.

"Ano ngini-ngiti mo diyan?!" Sungit-sungitan niya.

Ngumiti ako ng labas ang ngipin. "Wala lang!"

"Hmp."

"Alam mo! Ang arte mo!" Natatawa kong sabi.

"Hmp."

Hinayaan ko na lang siya mag-inarte after nun. Ganun talaga yun e. Minsan maarte, minsan makulit, minsan suplado, minsan palabiro. Ah! Ewan. Sobrang hirap i-handle ng moodswings niya. Mas malala pa sa babae.

Tumabi naman sa kabila ko si Jeanie. "Ang saya talaga kanina!"

Napatawa ako. Para kasi siyang bata. Well, saming barkada, siya naman talaga yung bunso. Tapos ako, pero months lang yung pagitan namin.

"Next time sa mas mataas naman huh?!" Pangungulit niya sakin.

"Oo na lang." Pang aasar ko.

Nauna ako matapos kumain kaya nagpaalam ako na maglalakad-lakad muna. Maya-maya, naupo ako sa gilid ng ilog at binabad ang paa ko.

I'm just thinking why I'm so nervous to fall in love or even like someone. Siguro, I'm just afraid to take risks. I'm afraid to take risks, especially when my heart is at stake.

"Huy!?!" Panggugulat ni Timothy. "Emo lang?!" Inirapan ko siya dahil sa failed attempt niyang gulatin ako.

Ginaya niya naman ang upo ko.

"Lalim naman ng iniisip mo." Komento niya at naghagis ng maliit na bato sa ilog.

I sighed. "Is there such thing as scared of liking someone?"

Bigla naman itong napaubo. "H-huh?"

"Hay, wala nga sigurong ganon."

He cleared his throat. "Meron.."

Napatingin ako sakanya, "Talaga?" Ibigsabihin, normal tong nararamdaman ko.

"O-oo naman."

"Sa tingin mo.. Why are they scared?" Tanong ko. Inilipat ko ang tingin ko sa ilog at tinignan ang pag agos nito.

"Takot ma friendzoned?" Pagbibiro niya. "Pwede rin na, a-ayaw masira y-yung.. ano.. friendship nila.." Nauutal niyang sabi. "O, takot mareject.."

I sighed. "Ikaw? Ganun ka ba? Takot ka din ba?"

"D-depende.."

"Depende?"

"Depende.." Sumeryoso ang tono nito. "Kung sino ang pinag-uusapan.."

------

Maaga din kaming umuwi. Kasi naman, may pasok kami agad bukas. Grabe, mga walang awa. Pagkatapos naming ipanalo, one day rest lang napala namin? Huhu. School's so unfair.

Natulog lang ako agad pagkadating ko sa bahay.

Kinabukasan, hindi na ulit namin nakasama si Jolina, Jeanie, Zia at Fiona. Nasabi ko bang iba iba kami ng course? Ang tanging tumugma lang sa sched ko, ay si Light at Si Timothy naman na classmate ko. Kaya eto, balik kaming tatlo sa dati. Kami-kami na naman magkakasama.

Nagulat ako ng biglang tapikin ni Timothy ang balikat ko. "Bat nakasimangot?"

"Wala. Sawa na kasi ako sa pagmumukha niyo." Biro ko kaya napasimangot silang dalawa. Hahahaha.

Katabi ko si Timothy while nasa tapat ko si Light.

"Talaga lang Miks ha?" Asar ni Light. Simula nung nagpunta kami sa Busay, hindi na niya ko tinigilan sa pang aasar na tungkol sa selos selos.

"Tigilan mo ko, Castro." Pinandilatan ko siya. Ngumisi lang naman siya. Psh.

"Sungit mo Miks." Sabat ni Timothy. "Sawa ka na talaga samin?"

"Oo."

"Ganon?" Napalingon ako sakanya kasi parang totoong nalungkot siya. Pero sinamaan ko din siya agad ng tingin ng makita kong nagfefake act siya.

"Tumigil ka nga sa pag-iinarte mo, Ocampo." Pagsusungit ko at bumaling na ulit sa kinakain.

"Ouch." Ulit niya pa. "Last name basis ka na ba ulit? Di na ba tayo close ulit?"

Natawa naman si Light.

"Heh. Magtigil ka. Wag ka maingay, may iniisip ako." Tuloy ko.

"Sino?" Tanong ni Light. Ibinaba niya ang hawak niyang libro at ngumisi. "Ako?" Nagkatinginan sila ni Timothy at nag-appear.

"Ayos sa banat tol! Hahahaha" komento ni Timothy.

Nanlaki naman ang mata ko at naihagis sakanya ang papel na nasa lamesa. "ANO?!"

Tumawa ito ng tumawa. "W-wag masyadong defensive Miks. Napaghahalataan e."

"Ano ngayon kung ikaw nga?" Pasungit kong tanong habang nakataas pa ang kilay.

Halos sabay sila mapatigil sa pagtawa ni Timothy. Nakita kong nagulat sila pareho sa sinabi ko. Napansin ko din ang pamumula ng pisngi ni Light. Hahah! Yan, banat boy ka pa kasi e.

"ANO!?" Sabay na sabi nila.

Ngumisi ako at tumayo habang hawak ang bag ko.

Lumapit ako kay Light, hinawakan ang baba niya at sinara ang bibig niyang kanina pa nakanganga. "Wag masyadong feeler Light. Napaghahalataan e."

Pagkatapos kong sabihin yun ay nagwalk out ako,.

------

Long long long time no update! Sorry, super busy here e! Tas ang bagal pa ng net! Huhu. Eto na po! I'm back ulit!

Pm me for dedications. :)

Check my accounts in:
Soundcloud: @msbathroomsinger
Instagram: @livingoodwattpad
Twitter: @insatiatekid

Comment and Vote. 😘

Dedicated to: immicaarce- hi po! Thank you sa pagbabasa ng stories ko! Mwah! :)

When She Falls In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon