Eighteen.

10.2K 115 24
                                    

//Dense//

"Hi Jeanie."

"Oh! Hi Arnold!" Maligalig na bati ni Jeanie. Namula ang pisngi ng lalaki at nag iwas ng tingin saka naglakad palayo.

My gosh. How can she be so numb? Di niya ba maramdaman na ang lalaking bumati sakanya kani-kanina lang ay may crush sakanya? Kasi ako, ramdam na ramdam ko.

"God! You are so dense." Sabi ko sabay hampas sa balikat niya.

Kumunot ang noo niya. "What?"

Napailing na lang ako. "Wala. Tara na. Lunch."

It's funny how I know who has a crush on someone but I can't when it comes to myself. Ganun na yata talaga no? We can feel other people's feeling for another pero namamanhid naman pag sarili na ang pinag-usapan. Or maybe, we just don't wanna assume na may feelings ung isang tao para satin.

Nang makakita kami ng table at nakaorder ay agad kaming nagchikahan.

"B, sa tingin mo may pag-asa ako kay Thomas?" Tanong nito habang nakapout.

"Not to burst your bubble or anything pero, wala e. Bakla yun e." Prangka kong sagot. Agad itong sumimangot. "Ang daming boys diyan B. Bat sa bading pa?"

"Ehhh. As if I can teach my heart." Pagmamaktol nito. Anyway, nagtataka ba kayo bakit B? B short for bestfriend or pwede na ding B short for Bitch.

"Bat ikaw? Sino crush mo?" Nakataas ang kilay nito sakin. Alam kong pinapasa niya lang sakin ung topic para maiwasan si Thomas.

"Wala." Sagot ko sabay inom ng mango shake ko.

"Weh?" Hindi makapaniwalang tanong nito. "Imposible."

Tinaasan ko siya ng kilay. "Anong imposible sa babaeng walang crush?"

"Kahit nagagwapuhan lang.."

"Si.. Um.. Andrew Garfield!"

"Di pwede! Dapat taga school lang!"

"May gwapo ba dito?" Pabiro kong tanong.

"Madami! Ano? Sino nga?"

"Wala nga."

"Maniwala!"

Natawa na ako. "Eh sa wala nga e."

"Eh! Meron yan!" Pilit nito. Napadako ang tingin ko sa dalawang lalaki sa likod niya. Si Light at Timothy. Napalingon si Jeanie at pagkaharap ay ngumisi ng nakakaloko. "Ayie! Si Light at Ian??!"

"Ano?!" Natawa ako. "Are you crazy?!"

"Ehhh? Sino sakanila? L or si I? Ayieee Mikki ah!" Pang aasar niya pa.

"Wala sa choices."

"Ayieeee." She smiled playfully. "Don't worry, malalaman ko din yan."

Napailing na lang ako.

Ang highschool pakinggan. Pa crush crush. Sa totoo lang, wala akong crush. Crush na ba pag nagagwapuhan ka sa isang lalaki? Hindi naman ako cold hearted na hindi pumapansin ng lalaki. Nagkakacrush din ako. Kaya lang, super minsanan lang. Na tuturn off kasi ako minsan sa ugali e.

"Heya Miks." Bati ni Timothy sakin at umupo sa tabi ko.

"Hi." Tipid kong sagot.

When She Falls In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon