Take a risk.
//Jump//
"Jolina! Bilis! Excited na ko!" sigaw ko. Sa buong buhay ko eto na yata ang pinaka risky na gagawin ko.
"Sigurado ka talaga dito Mikki Giselle Dela Rosa?!" shocked na shocked na tanong niya sakin.
"Oo nga!!!" sabi ko at hinila-hila siya paakyat.
Paakyat saan? Sa taas ng falls! Pwede kasing tumalon. Pero hindi mula dun sa pinakatuktok. Mas mababa dun, syempre.
"Osige. Walang bawian." at nagmamadali kaming umakyat.
Pagdating namin, ay agad akong nabadtrip.
"Oh, Miss Conservative." sabi nung walanghiyang lalaki na binwisit ako kanina. "Tatalon ka?"
I rolled my eyes at him in irritation. "Hindi, hindi. Lilipad. Duh."
Tumawa lang naman siya kaya hinila ko na si Jolina palayo sakanya.
"Sino naman yun?" pangungulit ni Jolina.
"Wala. Isang malaking walanghiya." inis kong sabi.
"Sino nga??"
"Mamaya ko kekwento, nakakabadvibes e." irita kong sabi nung maalala ko yung pang-iinis niya.
"O sige na nga. Kalimutan mo muna si Mister Badvibes, tara na nga! Let's jump!" pagbabago ng mood ni Jolina at agad din naman akong nahawa.
Pumila na kami. Hindi naman ganun kadami yung mga taong gustong tumalon. Konti lang din. At malas ko lang na kasama sa mga gustong tumalon ang bwisit sa araw ko na kanina pa ko kinakalabit pero hindi ko pinapansin.
"Sungit mo naman" bulong nito sakin. I rolled my eyes kahit na alam kong hindi niya nakikita. If he's smart enough, alam niya na siguro yun.
"Uy! Uy! Turn ko na!" sigaw ni Jolina. Napangiti naman ako sa excitement niya. Naeexcite na din tuloy ako. "Wish me luck!"
"Hay ewan ko sayo, pero good luck." natatawa kong sabi.
"Waaaahhh!" sigaw niya bago siya tumalon. "Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!"
Napangiti ako at parang gusto ko na din tumalon. I stepped forward at sumilip ng biglang may humawak sa magkabilang bewang ko kaya napalingon ako.
"What?!" tanong ko.
"Wag ka ngang sumilip. Pag humangin baka bigla kang hanginin tapos malaglag ka. Tsk." sabi niya na parang concern pero alam kong nang-aasar siya.
"Whatever." pagsusungit ko at tinanggal ang kamay niyang nakahawak sa bewang ko.
"NEXT!"
Napatalon ako sa excitement. I stepped forward. Kinulbit naman ako ng makulit na lalaki kaya napalingon ako, "Good luck. Since wala ung kaibigan mo para magsabi sayo nyan."
And for the first time in forever, nginitian ko siya. Na ikinagulat niya, at ikinagulat ko din. Dala na rin siguro to ng excitement ko.
Tumingin ako sa baba at mejo nalula. Mataas talaga, "Hoo!" sigaw ko at "Aaaaaaaaaahhhhhhhhhhh!"
*SPLASH*
Napapikit ako ng maramdaman ko ang malamig na dumampi sa katawan ko. What took minutes to climb, took seconds to fall off. Pero ang sarap sa feeling. Parang naramdaman kong malaya ako.
Lumangoy ako papalapit kay Jolina na nasa gilid na ng falls. "Ang sarap no??" nakangiting sabi nito.
"Oo! Ang sarap sana ulitin kaya lang baka hindi na pwede."
"Kaya nga e. Next time sa mas mataas naman!" suggest niya.
"Sige! Gusto ko yan!"
"Anyways, kanina pa talaga ako naiintriga sainyo ni Mister Badvibes." sabi niya with a suspicious look. "Kanina parang nagngingitian naman kayo dun." sabi niya at nginuso ung taas na pinagtalunan namin.
"Wala, nag good luck lang. Eh na-excite ako tumalon kaya nginitian ko siya."
"Ano konek gurl?"
"Heh. Tama na nga yan Jolina! Aasarin mo na naman ako e!" naiinis na sabi ko. Tumawa lang naman siya.
"O sige na nga. Mamaya na lang!" natatawa niyang sabi. "For now, mag-enjoy muna tayo!" sigaw niya at bigla akong tinulak.
"Ugh!" sigaw ko nung maka-recover ako sa tulak niya. "nakakainis ka!"
"hehe!" tawa niya lang at nagpeace sign.
Ang saya lang nang araw na to. I did many firsts. First time travelling without my parent's consent. First time to ride a public bus. First time to jump from a high place.
Being independent? It's not that bad.
What's bad is you'll feel homesick at times.
//
Long time no update. Sorry! Pinaghirapan ko pagtype diyan. Pasensya kung medyo boring! Bawi ako next time :>