Seventeen

10K 114 13
                                    

//Crush//

"Wake up! Wake up! Wake up! You are freakin late for your first class Mikki Giselle Dela Rosa!" Napaupo ako at napahawak sa ulo ko. Ramdan na ramdam ko ang pagtalon ni Mikko sa kama ko.

"Stop jumping! I'm awake!" sigaw ko habang hinahanap ang cellphone ko.

"It's 6:50, your class is at 7:30, unless you want to be late, get your ass off this bed and start taking a bath." Sigaw nito bago lumabas.

Napatingin ako sa walk clock at nakitang 6:50 na nga. Napatakbo ako agad sa banyo. Huhu. Akala ko binibiro niya lang ako.

Nang matapos akong maligo at makapagbihis ay agad kong hinila si Mikko palabas ng bahay.

"Omg. 10 minutes na lang!" Bulong ko habang nakatingin sa relo ko.

"Tulog mantika kasi." pang-aasar ni Mikko.

10 minutes late na ko sa first class ko. Agad kong iniwanan si Mikko at dumerecho sa first class ko.

"Excuse me?" Sabi ng prof ko habang nakataas ang kilay sakin.

"Yes Ma'am?" tanong ko.

"You are 12 minutes late, Ms Dela Rosa." Masungit na sabi nito.

"I guess this time we could use the quotation, 'better late than never'?" pabiro kong sabi at umupo na.

Matalim itong tumingin sakin. "See you after class, Miss Dela Rosa." Ani to at humarap na ulit sa whiteboard.

Napabuntong hininga ako.

--

"Bat late ka?" Tanong ni Timothy habang sinasabayan ako maglakad. Kakagaling ko lang sa office niya. Pinagawa ako ng essay about sa topic namin kanina. Kainis.

"Late na ko nagising e." Sagot ko habang nagtetext.

~

Ako:

Wer ka?

Mikko:

Idk. You left me, come find me.

Ako:

Da heck?! San nga?!

Mikko:

Sa likod mo.

~

Napalingon ako at nakita ang nakasimangot na mukha ni Mikko. Ngumuso ito at itinuro si Timothy na nakatalikod pa din at patuloy na naglalakad. Hindi yata napansin na huminto ako.

"Sino yan?" Masungit na tanong nito.

"Uh. Timothy!" Medyo malakas kong sabi. Napalingon ito at agad na napatingin kay Mikko. Lumapit naman ito samin, "Si Mikko nga pala, kapatid ko."

"Woah." Ani to at napangiti. "Hi! Ian Timothy Ocampo nga pala!"

"Mikko Gian Dela Rosa." Maangas na sabi nito. Siniko ko ito kaya napatingin siya sakin.

"Ah hehe. Tara na nga!" Awkward kong sabi at hinila na si Mikko papuntang canteen.

Madali kong hinila si Mikko paupo. "Bat ka nanghihila?" Masungit paring sabi nito.

"Wala!" Halos pasigaw kong sabi.

Palapit na si Timothy at nakita kong kasama niya na si Light. Great! So great...

"Hi Miks." Nakangising bati ni Light. Agad dumapo ang tingin niya kay Mikko.

"Kapatid ko, si Mikko." Mabilis kong sabi.

When She Falls In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon