//Gusto//
"Huwaw!" -Jeanie
"Ang ganda!" -Zia
"Omy!!" -Fiona
"Mga 'to naman." Angal ni Timothy habang nagkakamot ng ulo. "Nakakahiya.." Sabi niya at nagtakip ng mukha.
Sabay sabay siyang hinampas ng tatlo.
"Lezzgo guys!" Aya ni Jolina. Pumunta na kami sa cottage namin.
Nung first na punta ko dito with Jolina, wala kaming cottage kasi bukod sa maraming tao e, hindi naman kami sobrang nagtagal. Ngayon, we figured na kailangan namin, since madami kami.
"So, anong balak nating gawin dito?" Tanong ni Jolina. "Bukod sa magpicture?"
"Maligo! Ano pa ba?" Sagot ni Fiona na para bang obvious na obvious yung answer.
"Huwait guys!" Sigaw ni Jeanie. She held out her phone. "Groupie muna!" Kanya-kanya naman kaming pose. "Yan! Hihi. Wait lang ha? Post ko lang sa IG."
"Maka-huwait naman eto e." Natatawang sabi ni Zia. Inirapan lang naman siya ni Jeanie
"Jolinaaa!" Sigaw ko at lumapit sakanya. Napatingin naman to sakin. Nginuso ko ung falls.
"Oh no. Oh no no no!" Umiiling niyang sabi. Nakuha naman namin ang atensyon ng iba naming kasama. "Wag mong sabihin gusto mo na namang tumalon?!"
I smiled and nodded a couple of times.
Natawa naman si Light. Nakita kong napailing siya.
"Uyyy. Ano yan? Inside joke?" Pangungulit ni Timothy.
"Yang si Mikki, nababaliw na naman." Sagot ni Jolina. "Gusto na namang tumalon."
"Tumalon? Saan?" Tanong ni Zia.
"Dun oh." Sagot ulit ni Jolina sabay tinuro ung falls.
"Omo!!!! Pwede??" Na aamaze na tanong ni Jeanie.
"Yup."sagot ko.
"Yay! Gusto ko din!"
Lumapit naman ako sakanya. "Tara na! Daliii!" Hinawakan ko bigla ang kamay niya at tumakbo palabas. Bahala sila kung gusto nilang sumunod o ayaw.
"Hihi! Nakakakaba!" Komento ni Jeanie ng marating namin ang tuktok. "Natry mo na to diba?"
Tumango ako. "Oo! Masarap!"
"Talaga?!" Humarap siya sakin at inalog-alog ako. "Excited na ko!"
"Hoy! Mga baliw!" Napalingon kami ni Jeanie at nakita namin sina Jolina. "Ayt?! Tumingin? Meaning, baliw nga kayo?"
Jeanie and I glared at her. Tumawa lang siya.
"Seryoso?! Tatalon kayo?!' Tanong ni Timothy na pinagpapawisan.
"Oo! Natry ko na to once." Sagot ko. Bumaling ako kay Light. "Diba masaya?"
"Natry mo na din?!" Gulat na tanong ni Timothy kay Light.
Tumango ito. "Yup. It's actually fun."
"Owmygulay! Hindi ko keri to!" Pabading niyang sabi kaya natawa kaming lahat.