//Stalkers//
Hinatid ako ni Light matapos ang dinner namin. At talagang nag-abang si Daddy sa labas ng bahay namin. His arms are crossed against his chest.
"Is that Mr. Dela Rosa?" Tanong ni Light habang papalapit kami ng papalapit sa bahay.
"Yes. He's kind of paranoid. Sorry 'bout that." Naiiling kong sabi.
Nagpark siya at bumaba para pagbuksan ako ng pinto. Inabangan ko na talaga since sadyang gentleman ang lalaking ito.
Nang makababa ako ay lumapit ako kay Dad at kumiss sa cheeks niya. "Hi, Dad."
Hindi ako pinansin ni Dad, instead pinagtaasan niya ng kilay si Light.
"Dad, this is Light Castro." Pagpapakilala ko. Hindi ko na inexplain further since nagkakilala naman sila kanina. "Light, this is my Dad, Gino Dela Rosa."
"Good evening, sir." Bati ni Light at naglahad ng kamay.
Tinitigan muna ni Dad ang kamay ni Light at kung hindi ko pa siniko sa tagiliran ay hindi niya pa tatanggapin.
"We just had dinner, sir." Paliwanag ni Light. "And, I kinda need to go. Its getting late."
Tumango lang naman si Dad. Tss. What a father.
"Alright, Light." Sagot ko at tipid na ngumiti. "See you tomorrow. Ingat!"
Ngumiti at tumango si Light. "Mauna na po ako." Sabi niya bago sumakay ng sasakyan niya at magdrive palayo.
"Hmm, who is this Light Castro?" Bungad ni Daddy sakin ng makaalis si Light.
Pilit akong ngumiti kay Dad, "A friend from Bicol, Dad." Sagot ko at yumakap sakanya. He kissed my head and hugged me back.
"He's not courting you?"
Umiling ako. "Hindi po. We're just catching up kanina." I answered. "And you're paranoid." I noted.
"I'm not paranoid." He retorted. "But, is there someone courting you?"
I bit my lip. Hindi ko pa kasi nasasabi kay Daddy at Mommy yung tungkol kay Aaron. Kasi nga, I'm not really convinced of Aaron's sincerity. But since I already said that I'll acknowledge him, might as well tell Dad.
Naningkit ang mata ni Daddy. "From the way you bite your lower lip, tingin ko, meron."
"Dad..."
"Who is it?"
"Um, Aaron, um, Aaron Mendoza." Mahina kong sabi. "He's also a friend from Bicol."