Thirty eight.

3.6K 74 18
                                    

//If I Stay//

"Ang sabi ko, i-aacknowledge kita. Meaning, tinatanggap na kita bilang manliligaw. Hindi ko sinabing sasagutin kita." Paglilinaw ko kay Aaron.

"Ganun na rin yon." Aniya habang inilalagay ang dalawang kamay sa likod ng ulo niya.

"Malayo yon. Dahil malaki ang chance na hindi kita sasagutin." Irap ko. "Wag ka ngang feeler."

Napangisi naman siya. "At least may chance pa rin na sagutin mo ko."

Napailing na lang ako. Kahit ano talagang sabihin ko ay may paraan siya kaya bahala siya sa buhay niya. Simula nung nangyari sa T.G.I. Friday's, e mas lalo niya kong kinulit. Kahit napaka layo ng building ng department niya ay lagi kong nakikita ang pagmumukha niya.

I'm not really convinced of his sincerity. I just felt that I have to accept him since.. since he helped me, that day.

"Ewan. Lubayan mo nga ako." Seryoso kong sabi.

"Sus. Magpapamiss ka pa?" Banat niya pero tumayo rin naman siya at isinabit ang backpack sa likuran niya. "Ge. Kitakitz."

Me pagka abnormal din yon e. Minsan sobrang clingy. Minsan akala mo hindi ako kilala. Hay. Malala na ang saltik niya sa ulo.

"May transferee daw sa Engineering. Gwapo." Rinig kong bulungan ng mga babae sa kabilang table.

"Oo nga e. Kaya lang suplado." Nanghihinayang na sabi nung isa.

Tch. Di ko alam bat ako nakikinig sa mga chismisan nila. Napailing ako at inayos ang gamit ko. Tumayo rin ako at lumabas ng cafeteria para pumunta sa grandstand. Tahimik kasi dun at makapagbabasa ako ng maayos.

Nagbabasa ako ngayon ng 'If I Stay'. I only read just about half of the book pero naiiyak na ko.

"If I Stay.." Kinilabutan ako ng marinig ko ang boses na yon. Hindi ko alam kung imagination ko lang ba yon, o totoo talaga. Napailing ako at magpatuloy magbasa.

"Kanina pa ko dito, hindi mo pa rin ako napapansin."

Nanlaki ang mata ko at unti-unting lumingon. Naibaba ko ang libro at literal na napanganga.

"W-w-what are you doing here?!" Sigaw ko pero deep inside natutuwa ako.

"Dito ako nag-aaral." Tumayo siya at tumabi sakin. I was so shocked na hindi ko alam anong gagawin ko. In the end, I settled for a hug.

"Don't tell me, pati ikaw sinusundan ako?" Taas kilay kong tanong.

When She Falls In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon