Twenty seven

7K 93 11
                                    

Hi guys!!! Sa lahat po ng readers ng Hala Ka?!, I'm just informing na I'll be deleting na po yung SOFT COPY nito. Kasi po, ineedit ko po siya para mas maayos basahin. Nung nireread ko po kasi, parang walang cohesion at masyadong kulang sa details. Yun lang po! :)

--

//Crush//

2nd day of examinations.

Puyat ako dahil sa pag-aaral kagabi. Alam ko ding sobrang itim ng ilalim ng mata ko. All in all, medyo haggard ako.

"Uy! Ang aga natin a!" Puna ni Timothy ng makita akong papalapit sakanya, umupo ako agad sa tabi niya. "Siguro hindi ka nakapagreview ng maayos?" Ngisi niya.

Lumingon ako sakanya sabay ngumiti. "Sorry ka! Nakapagreview ako! And you can't cheat on me!"

Sumimangot naman siya. "Hoy! Baka nakakalimutan mo! Pataasan tayo nang score no! At sigurado akong, mas mataas ang makukuha ko!" Pagyayabang niya.

I snorted. "Alam ko no! At Matatalo kita!"

Kinurot niya bigla ang magkabila kong pisngi kaya napahiyaw ako. "Kapag nanalo ako, magiging genie ka, at pagbibigyan mo ang isa kong wish!"

Kinurot ko din ang magkabila niyang pisngi. "Fine!! Pero pagnatalo ka, ako ang susundin mo!"

"Deal!" Sigaw niya saka kami bumitiw sa isa't-isa at nagtawanan. Buti na lang, hindi kami masyado pinapansin ng mga blockmates namin. Kami lang yata nag iingay habang nagrereview silang lahat.

Maya maya lang ay nagsimula nagbell na, sign na magsisimula na ang test. Umupo na ako ng maayos at kinuha na ang ballpen ko. Napalingon ako kay Timothy at nakitang nakatingin siya sakin.

Tinaasan ko siya ng kilay. Umiling lang naman siya at nag iwas ng tingin. Weirdo.

Naramdaman ko ang pagvibrate ng phone ko kaya agad ko itong kinuha at patagong binuksan.

Light:

Today's your chem exam right? Best of luck!

Ako:

Yep. Thanks! Same to you.

Agad ko na itong inilagay sa bulsa ko bago ako mahuli.

--

Ako ang pinakahuling natapos. Si Timothy naman ang pinakauna. Grabe, habang nangungulelat ako, siya pasipol-sipol lang nung nagpasa siya ng test paper.

Nagulat ako sa biglaang pag akbay sakin ni Timothy. Kakalabas ko lang mula sa room. "Talo ka." Asar niya sakin. Sumimangot naman ako.

"Hindi ibigsabihin na nahuli ako e talo na ko!" Depensa ko. I want to win. Minsan lang to no. Dapat mapagawa ko siya ng isang bagay na ayaw niyang gawin. Hahaha!

Dalawa lang ang exam namin ngayon. Chemistry at English. Dapat sa English na lang kami nagpataasan e. Sure win ako pag ganun. Weheh.

"Libre mo ko Miks." Pagmamakaawa nito. Oo! Haha! Nagmamakaawa siya sakin.

Inirapan ko siya sabay tabig sa kamay niyang nakaakbay parin sakin. "Ayoko nga!"

Sumimangot naman ito. "Damot. Pag siya naman ang nagpapalibre, nililibre ko naman. Kahit wala na kong ipon. Kahit wala na kong baon. Kahit wala-"

"Oo na! Oo na!" I snapped. "Pinapakonsensya mo pa ko e!"

Ngumiti naman ito ng pagkalaki-laki at sabay hawak sa braso ko. "Yan naman ang gusto ko sayo Miks e!" Hiyaw niya sabay hila sakin. "Madali kang makonsensya!"

When She Falls In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon